“YOUR MIND is floating, Baby Princess,” untag sa kanya ni Emrei habang kumakain sila sa Rider’s Verandah. Nagpalibre siya rito matapos ang monthly ranking nila.
“What?” maang niyang tanong dito. Hindi gaanong narinig ang sinabi ng kapatid dahil occupied ang isip niya.
Bumuntong hininga ito. “Your mind is somewhere else. Nakakatampo. Ako nga kasama mo, iba naman ang iniisip mo.”
Ngumiti siya dito. “Nako, tampururot ka talaga. Iniisip ko lang po yung idea ko para sa building mo.” Matagal na kasi itong umuungot ng design sa kanya para sa itatayo nitong business center.
Biglang nagliwanag ang mukha nito. “Really? Patingin ako kapag nayari mo.”
“Sure,” muli siyang tumingin sa labas.
“Is it really the design you’re thinking about or is it Nylon?”
Tinignan niya ito ng masama. “And why would I think about that man?”
“I don’t know. Maybe you’re attracted to him.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Kuya! I met him once! Ganun na ba ako kadaling maattract?”
“I’m just asking. I’m your brother after all. It’s my job to protect you.”
“Yeah. I understand that. You may feel the need to protect me pero siguro naman, I can decide for myself? I’m a woman already. I can do things on my own. Alam ko na ang ginagawa ko. And it’s very not like me to be attracted to someone I just met.”
Ibinaba nito ang kubyertos na hawak. “I know na kaya mo na ang sarili mo. But can you blame me? I’ve seen once how something so precious can hurt you, Sei. I was there the whole time. And it pains me to know na wala akong magawa para maibsan ang sakit na naramdaman mo. Ipinangako ko noon sa sarili ko na hindi na mauulit iyon. I won’t let anyone hurt you again. So pardon me kung nagiging protective ako hanggang sa usaping pampuso. I just don’t want to see you go through what you’ve been through again.”
Tumingin lang siya sa kapatid. Maybe it was her fault after all. Dapat pala ay hindi siya nagpakita ng kahinaan sa mga ito. She should’ve been strong in front of them. Ngayon lang niya narealize na nag-alala ng sobra ang mga ito sa kanya sa panahon na wala siya sa kanyang sarili. She couldn’t help but feel guilty.
“Hey, stop sulking. Ayokong may KJ na kasama,” wika ng kuya niya. Ngumiti na lang siya rito saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Nang maubos ang meryenda nila, inilibot niya ang tingin sa buong premises. Maganda ito. A mixture of different style, highlighting each of the styles’ assests. Hindi gaanong maraming tao ang naroon sa pagkakataong iyon. Kung kaya’t ganun na lang ang gulat niya nang makita si Reichen at Nylon sa isang table.
Naramdaman siguro ng lalaki ang tingin kaya nag-angat ito ng tingin. Nagtama ang mga paningin nila. Kahit malayo ay ramdam niya ang intensidad ng mga titig nito. Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang nahiya kaya iniiwas niya ang tingin. Nang tumingin siya sa kuya niya ay may kausap na ito sa telepono.
Sumenyas siya na lalabas muna siya. Dali dali siyang nagpunta sa bandang garden na malapit sa Verandah saka naupo sa isa sa mga benches na naroon.
The alone time gave her the chance to think. Hindi na kasi niya maintindihan ang sarili niya. Minsan pa lang niya nakakaharap ang binata pero ganun na ang reaksyon? That is so not her. Pati na rin ang hiya na naramdaman niya kanina. It shouldn’t affect her in the first place pero hindi niya mapigilan ang sarili. Para siyang nasusunog sa titig nito.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally Screwed
FanfictionNabuhay si Seiren Rafiq sa karangyaan. Being the only daughter of an oil sheikh from Al Ashiq makes her a royalty - katulad ng kanyang mga kapatid na sina Beiron at Emrei. But her almost perfect life was devastated when she got her heart broken. In...