Sorry, I was late. Busy as hell.
Enjoy
“YOU CANNOT drink, you understand that?” bilin sa kanya ni Beiron nang dumating sila sa Lakeside Bistro and Bar Lounge.
Nang puntahan siya ni Beiron sa bahay ni Emrei, nag-aya itong lumabas ng gabi. Minsan na lang daw sila magkasama sama kaya dapat sulitin na nila.
“Kuya! I’m not 16 years old. Daig mo pa si Papa,” pabiro niyang sagot dito. Wala na siyang balak makipag-away dito. She’s pretty sure na iniisip lang nito ang kapakanan niya.
Naghanap na sila ng mauupuan. Kasalukuyang kumakanta ang isang banda sa may bandang stage. Nilibot niya ng tingin ang buong bar at karamihan sa nakita niya ay mga miyembro ng club. Nakita pa niya ang kambal na parehong may kasamang babae.
“Is it always like this?” tanong niya sa mga kapatid niya.
“No. Nagulat din ako. What’s up with these guys?” sagot ni Beiron.
“You chose a great night to come here,” nilingon nila ang nagsalita. It was Reid.
“Hi Kuya!”
“What do you mean, a great night?” usisa naman ni Beiron.
Umupo ito kasama nila. “May chance kasi na kumanta ang mga nandito ngayon kasama ang live band. That’s why they’re here.”
As if on cue, nagsalita ang vocalist ng banda. “Good evening. The stage is now open for those who want to sing with the live band.” Nagpalakpakan ang audience. “Okay, who wants to go first?”
Nagtaas ng kamay halos lahat ng nandoon. Ngunit kapansin pansin na karamihan sa mga ito ay mga club members.
“Let’s go with that cute little man over there. Come on up here!” tawag nito. They looked to see Jigger – they know because Trigger shouted his name – and someone else come up the stage.
“Who’s with Jigger?” tanong niya sa kapatid.
“That’s Rolf.”
Tumango tango lang siya. Ininterview muna ng vocalist ang dalawa.
“Teka, sabi ko isa lang,” pigil nito kay Rolf.
“Oh, magduduet kami eh,” sagot naman nito sabay kindat.
Ngumiti na lang ang vocalist. “Okay. The stage is yours.”
Kinuha ni Jigger ang microphone. “Alright. Good evening guys! We’ll be singing a very solemn song so we hope you’ll feel the soul of the song. Ready, Rolf?”
Nilapitan ni Rolf ang gitarista saka bumalik sa tabi ni Jigger. “Let’s do this. Let this serve as your inspiraton.”
Akala ng lahat ay talagang solemn song ang kakantahin ng mga ito. Kaya laking gulat nila nang ang tugtugin ng banda ay ‘Angel’ ni Shaggy. Nagpalakpakan ang lahat at nagtawanan sa ginawa ng dalawa.
“’Girl you’re my angel, you’re my darling, angel’,” kanta ni Jigger habang itinuturo sa audience. Sinamahan pa nito ng pagkindat at pagsayaw. Muling nagpalakpakan ang lahat. Napahagalpak naman siya ng tawa sa ginawa ng dalawa. Nakita niyang nangingiting naiiling ang mga kuya niya pati na rin si Reid.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally Screwed
FanfictionNabuhay si Seiren Rafiq sa karangyaan. Being the only daughter of an oil sheikh from Al Ashiq makes her a royalty - katulad ng kanyang mga kapatid na sina Beiron at Emrei. But her almost perfect life was devastated when she got her heart broken. In...