NYLON relaxed as he took a sip from his fruit shake. After a day full of work, napagdesisyunan niyang bigyan ng reward ang sarili. He worked hard kaya naman ang pagrerelax na ito ang pinaka-bakasyon na niya.
He looked outside the Riders’ Verandah. He’s been there for a long time pero hindi pa rin matatawaran ang ganda ng buong riding club. Saglit siyang nagmasid masid nang biglang may umupo sa harap niya.
He looked up to see Jigger. Or Trigger. Hindi niya alam kung sino sa kambal dahil mukhang pinagbiyak na buko ang dalawa.
“What is it, Disaster Twin?” usisa niya rito habang kumakain.
Natawa ito sa kanya. “Disaster Twin? That’s a new nickname.”
“A new nickname designed to suit the two of you.”
“Lagi na lang kami misunderstood ni Trigger. Wala naman kaming ginagawang masama ah. We’re just putting some spices in your boring lives.”
So si Jigger pala ang kausap niya. He mentally noted that. “Yeah. Your so–called mission here na walang ibang naging resulta kundi ang guluhin ang nananahimik na lovelife ng members ng club.”
Tumawag ito ng waiter at umorder. “Kung hindi kami nakialam, do you think magkakagirlfriend ang mga tiyope mong kaibigan?”
Napaisip siya. Tama naman ito. “Kaya lang, bago magkaroon ng happy ending ang mga members, gulong umaatikabo muna ang mangyayari. I wonder why Reid can’t kick out the two of you.”
“Because once he does that, mawawalan ng buhay ang club. We’re the interesting folks, y’know,” simpleng sagot nito.
Napangiti na lang siya. Iba talaga ang logic ng kambal. Puro kalokohan ang alam. “What the hell are you doing here anyway?”
“Nothing. Nakikitambay.”
“Himala. Napirmi yata kayong dalawa.”
“Ako lang. Nagliliwaliw si Trigger.”
“Nakaya mong manahimik? Nilalagnat ka ba?” parang hindi sya makapaniwala na wala itong kalokohang ginagawa.
“Ngayon lang. Hindi ko na uulitin,” sabi nito saka ngumiti.
Napailing na lang siya. Siguradong may binabalak na naman ito. Napatingin siya sa labas. Sakto namang nakita niya ang isang babaeng nakasakay ng kabayo at humahagibis sa pagpapatakbo. She was gracefully controlling the horse while maintaining the poise in her stance. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito, and the sun was showering her with its almost twilight light.
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club FanFiction #1 - Nylon Aranzamendez - Royally Screwed
FanfictionNabuhay si Seiren Rafiq sa karangyaan. Being the only daughter of an oil sheikh from Al Ashiq makes her a royalty - katulad ng kanyang mga kapatid na sina Beiron at Emrei. But her almost perfect life was devastated when she got her heart broken. In...