Chapter 6: Vision

6.9K 250 27
                                        

CHAPTER 6: VISION

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 6: VISION

SORCHA'S POV

There was no one in the office when I arrived. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil alas-singko pa lang ng madaling-araw at siguradong abala ang mga naka-night shift sa loob ng iba't ibang unit ng laboratory para sa mga ebidensya na inaanalisa nila.

I'm usually scheduled from seven in the morning to seven in the evening. Pagkatapos no'n ay may susunod na shift sa amin ng mga kasamahan ko. Twenty-four hours kasing bukas ang forensic department.

Pero minsan kapag maraming trabaho at ayoko pa rin namang umuuwi ay lumalagpas ako sa oras ko. Sanay na ang mga panggabi na nakikita nila ako na nagtatrabaho pa rin.

It's fine with me even if I don't get paid for the hours that I spent outside of my schedule. Kapag mismong ang mga boss naman ang nagtatanong kung pwede akong mag-overtime ay may bayad naman iyon. But even though I don't ask them to pay me for the hours that I voluntarily give the company, nagugulat na lang ako kapag araw ng sweldo at nakikita kong binabayaran pa rin nila ang mga oras na iyon.

"You're here early."

Muntik kong mabitawan ang bag na dala ko nang may kumilos sa sofa na nasa isang panig ng opisina at malapit sa aquarium. Sa pagtataka ko ay nakita ko roon si Daze na kanina ay nakatalukbong ng kumot kaya hindi ko siya napansin.

"Ikaw ang maaga," kunot ang noo na sabi ko. "Why are you here?"

"May shoot kasi ako kagabi na inabot ng madaling-araw." Naghihikab na umupo siya. Gulo-gulo ang buhok niya at lukot din ang damit niya. "Dito na ako nagpahatid at baka dumiretso ang tulog ko. Ma-late pa ako na makita ka."

Naiiling na inayos ko ang mga dala ko sa desk ko. "Mayroon namang mga kuwarto ang Dagger. You could have stayed there if you asked one of the employees."

"Oh, I know. I showered there. Pero mahirap kasi akong gisingin talaga kaya kapag doon ako natulog ganoon din. Saka ilang oras na lang naman. I asked one of your co-workers, and she allowed me to sleep on the sofa. She was even kind enough to give me a blanket." Tumingin siya sa kisame na para bang nag-iisip. "I didn't get her name though."

I opened the monitor on my desktop computer. "What she look like?"

"She's pretty. She has cute Bambi-like eyes, and she has a beautiful dimple."

Pretty na may cute at beautiful pa. "That's Daesyn."

"Cute name."

"Paulit-ulit?" bulong ko.

"Ha?"

Inismiran ko siya at umupo ako sa office chair ko. "Wala. Ang aga-aga ang tsismoso mo. Matulog ka na lang diyan."

"Ang aga pa pero ang init na ng ulo mo." Nang naniningkit ang mga matang nilingon ko siya ay ngumisi siya. "Pero bagay sa'yo. Lalo kang gumaganda. Paano pa kapag good mood ka? My heart won't be able to handle it."

Dagger Team Series #1: Sorcha's HearthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon