CHAPTER 20: FIANCÉ
SORCHA'S POV
"Kung hindi ka siguro naging forensic expert naging farmer ka na 'no?"
Hindi ako nag-angat ng mukha mula sa ginagawa ko. Unti-unti na akong nasasanay sa biglang pagsulpot ni Daze kung saan nandoon ako. Para kasing niliteral niya ang pagiging shadow ko.
Of course I never stop trying to hide from him when I'm on my break. Pero katulad ngayon ay hindi na naman ako tagumpay na gawin iyon dahil nahanap na naman niya ako.
Gabi na at napagpasyahan ko na magpahinga muna. Balak ko kasing mag-stay sa opisina ngayon dahil may mga gusto akong tapusin na trabaho.
Ipinatong niya ang mga braso niya sa sandalan ng kinauupuan kong sofa dito sa fourth floor at sinilip niya ang ginagawa ko. "Anong game 'yan?"
"Happy Sorchie."
I could feel him staring at me as if gauging if I'm lying or not. Nang manatili ako sa pag-ha-harvest ng pananim ko sa mobile game na nilalaro ko ay mukha namang nakumbinsi siya.
"Did you perhaps make that game?"
"No. A colleague did. Na-bored siya kaya naisipan niyang gumawa ng game," sagot ko.
"Ang galing naman ng produkto ng boredom niya. It even has wicked graphics. Wala ba sa app store 'yan?"
"Wala. Kaming dalawa lang ang merong kopya." Hindi naman kasi interesado sa ganitong game ang iba pa naming katrabaho. Mobile Legends pa siguro baka nagkagulo ang mga iyon. Nakita lang niya talaga akong naglalaro ng farming game na nakita ko sa app store at biniro niya na gagawan niya ako ng sarili ko.
"Ang galing din ng mga Dawson 'no? Para silang may detector sa mga genius," may ngiti sa boses na komento ni Daze. "Pwedeng pahingi rin ako ng kopya? Sinong katrabaho mo ba? Si Khione or the one with dimples? Daesyn, right?"
This is the second time that I have heard him talking about Daesyn's dimples. Ukain ko kaya ang pisngi niya nang magkaroon siya ng sarili niyang dimples para hindi siya paulit-ulit?
Magkasalubong ang kilay na nilingon ko siya. I forced myself to ignore the fact that our faces are so close to each other. "Tantanan mo si Daesyn."
"Ha?"
"Hindi kayo bagay."
Umunat ang nakakunot niyang noo at napalitan ng panunudyo ang pagtataka niya. "At sinong bagay sa akin?"
"Malay ko. Problema mo na 'yon."
Ngumuso siya. "Gusto kong problemahin mo ako."
"Problema naman talaga kita." Nang mag-aww siya at binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Pero problema mo ang pambabae mo."
"Uy hindi ako nambababae ha? Loyal ako sa'yo, misis."
Nag-init ang pisngi ko at umusog ako para makalayo ako sa kaniyang bahagya. "Hindi mo ako misis!"
BINABASA MO ANG
Dagger Team Series #1: Sorcha's Hearth
ActionSorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...