CHAPTER 29: ALONE
SORCHA'S POV
"Hello, my beautiful neighbor!"
Nag-angat ako ng tingin mula sa ginagawa ko sa garden nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Daze. He's waving at me from the other side of the fence.
Ang alam ko ay may online meeting siya kasama ng manager niya at ng agency niya kaya mas nauna silang umuwi ni Kuya Nevan bago ako. When I got home, I knew he was still at his meeting based on the fact that he always comes out to greet me when he's home before me.
"Kinakausap mo na naman ang mga halaman mo?" tanong niya.
"That and I'm harvesting some of my vegetables."
Hindi kasi pwedeng pabayaan ko na lang ang mga bunga ng mga gulay na itinanim ko. It might get overripe or, worse, rot, and that would attract pests in my garden. It could also harm the plant in such a way that its ability to produce future crops might be reduced.
Sinipat niya ang ginagawa ko. "May bahay kubo ka na ba riyan?"
"I wish." Iginala ko ang tingin ko sa garden ko. It's large enough for some people. Pero para kasi sa akin ay kulang pa. Bukod kasi sa vegetables ay meron din akong herbs, non-flowering plants, and flowering plants. Gusto ko nga rin sana ng fruits kaso bukod sa tomato ay wala na akong pwedeng ibang itanim na prutas dahil hindi na iyon kakasya. "My garden's not big enough for that."
"Iyong bahay ko maraming pwedeng pagtaniman."
Napasimangot ako. "I noticed."
"You can plant anything you want there."
"Wow. Mag e-effort akong magtanim sa bahay mo tapos ikaw ang makikinabang?"
"Makikinabang ka rin naman." Kumurba ang pilyong ngiti sa mga labi niya. "Kasi pagdating ng panahon na 'yon, bahay mo na rin ang bahay ko katulad kung paanong apelido mo na rin ang apelido ko."
I just gave him a look that made him chuckle. Isinandal niya ang siko niya sa bakuran at nangalumbaba siya habang napapailing na pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. I have eggplants, okra, and ampalaya ready for harvesting. The carrots and potatoes are ready too, but I'll harvest them tomorrow.
"Can I go there?" Daze asked.
"Magpaalam ka muna kay Kuya."
Sumunod naman siya sa akin at tinawag niya ang kapatid ko mula sa nakabukas na bintana ng bahay na kaagad namang sumagot.
"Can I stay with Sorcha? I'm going to help her harvest!" malakas na tanong niya para marinig siya ng kapatid ko.
"You can! Dalin mo na rin ang pagkain pinabili mo kanina!"
Daze turned to me. "I almost forgot. Kumain ka na ba?" Nang umiling ako ay napangiti siya. "Sakto! Nevan knows someone from Highlands China Place and he ordered some food. Pinabilan din kita kasi siyempre malakas ka sa akin."
BINABASA MO ANG
Dagger Team Series #1: Sorcha's Hearth
ActionSorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...