CHAPTER 25: RED FLAG
SORCHA'S POV
"Is there any point to this?"
Hindi ko nilingon si Daze na kanina pa tayo nang tayo dahil mukhang napapagod na siya sa ginagawa namin. Lahat kasi nang regalo sa kaniya ay maingat naming binubuksan para i-proseso ang evidence collection.
"Kung pagod ka na pwede ka ng umuwi."
"And leave my misis? Nevah!"
Ngumisi lang siya nang bigyan ko siya ng masamang tingin. Kasalukuyan niyang suot ang headband na may kulay yellow na tenga ng aso na tapos na naming kunan ng sample. Mukhang obvious din sa iba ang golden retriever personality niya.
Inilagay ko sa tabi ang flower crown na tapos ko ng suriin at pagkatapos ay umabot ako ng isa pang malaking envelope na sigurado akong naglalaman na naman ng pagkahabang letter para sa kaniya.
Ilan na sa mga iyon ang nabuksan ko. Karamihan sa mga iyon ay naglalaman ng confession kung gaano nila kamahal si Daze at handa nilang suportahan hanggang dulo ang binata o di naman kaya ay ang pangako na handa nilang gawin ang lahat para kay Daze. There are even those with kiss marks on them, an attached marriage certificate form, and nude photos. Yes. Nude photos. Six of them.
Iyon ang dahilan kung bakit ako ang nagbubukas ng mga sobre at hindi si Daze. Ang una niya kasing sobre na binuksan ay babaeng akala mo ay bagong silang dahil walang kahit na anong suot. Hindi lang babae kundi mga lalaki ang nagpapadala sa kaniya ng ganoong larawan. Some of their ages are questionable, and I have a feeling that at least two of them came from minors.
"Bagay sa'yo 'to." Kinuha ni Daze ang flower crown na itinabi ko at isinuot sa akin iyon bago ko pa maiwas ang ulo ko sa kaniya. "Ang cute natin 'no?"
"Hindi."
"Tama. Kasi kahit sinong itabi sa'yo, kahit ako na 'to ha? Talagang talo kapag laban sa'yo."
"Kaya ang lamig ng panahon ngayon lalo rito sa Tagaytay 'no?" Eksaheradong pumalatak ako. "Tagaytay's weather plus kahanginan mo?" I let the question hang, allowing him to think about what I'm implying.
Imbis na ma-offend, bagay na sa tingin ko ay bihirang mangyari sa lalaki dahil sa taas ng confidence niya, ay humarang siya sa akin at ikinulong niya ang mukha ko sa nakaguwantes niyang mga kamay.
"You made a joke." I blinked at his face when his eyes clouded with tears. Minsan nakakalimutan ko na artista ang tukmol na 'to. Sa pagkagulat ko ay bigla na lang siyang dumukwang at hinalikan niya ang noo ko. "Daddy is so proud of you, my Little Red Raging Mood."
Daddy? Itinulak ko ang mukha niya. "You just touched my face with your gloves, Henderson!" I hissed, removing my own gloves and replacing them with another. "At ano 'yang pahalik-halik mo? Gusto mong pamagain ko 'yang nguso mo?"
BINABASA MO ANG
Dagger Team Series #1: Sorcha's Hearth
ActionSorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...