Chapter 8: Goal

3.7K 221 42
                                    

CHAPTER 8: GOAL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 8: GOAL

SORCHA'S POV

I sent the detailed analysis report that I'd been writing for hours before I let out a sound of relief as I straightened my back. Kanina pa kasi ako nakaupo para tapusin iyon at nang maipasa ko na bago matapos ang araw.

Tinignan ko ang oras at nagulat pa ako nang makita kong malapit ng mag alas-nuwebe na ng gabi. The end of my shift was hours ago, and the others probably left. It wasn't uncommon for me not to notice that the employees were already shifting to the other team, and I was left alone, still working. Kapag kasi gumagawan ako ng report ay alam na ng mga kasamahan ko na hindi nila ako dapat istorbohin.

Napatingin sa akin ang isa sa mga naka night shift na si Ryland o kung tawagin namin ay Rye na kasalukuyang may hawak na kape. Paupo na sana siya nang mapansin niyang tapos na ako sa ginagawa ko. "Masyado ka na namang sinipag, Sorchie. Mamigay ka naman ng kasipagan."

"Para namang tamad ka eh di sana wala ka ng trabaho. Pare-pareho naman tayong mga adik sa ginagawa natin."

He chuckled. Alam niya namang tama ako. It's rare to have a job that people are willing to spend most of their time on, even beyond the duty hours. Here at Dagger, it's not just about the working environment or the money. It's also because of the fact that we know that our work can contribute when it comes to helping people.

Dagger's focus might be more on controversial and high-profile clients, but they also usually partner with different agencies when they are needed in cases such as cold cases, unsolved crimes, and even corporate investigations.

"Iyong alaga mo kanina ka pa hinihintay," sabi niya nang tumayo na ako.

"Sinong alaga—" Natigilan ako. "Nandito pa si Daze? Kanina ko pa pinauwi 'yon ah."

"Umalis lang para bumili ng pagkain. Dapat para sa inyo lang pero nabudol no'ng iba na ilibre rin sila kaya nag-dinner ang party ang mga iyon."

"Maliban kay Daze mo," singit ni Torryn sa usapan na kapapasok lang. Mukhang narinig niya ang pinag-uusapan namin. "Hinihintay ka niya sa fun room. Sinabihan namin na dito na lang maghintay pero ayaw niya raw na ma-istorbo ko."

"He's not my Daze. Malaki na siya para maging anak ko—"

"Pero pwede mong maging baby," tudyo ng babae sa akin.

Binigyan ko siya at si Rye ng masamang tingin pero tumawa lang sila. Spine Point employees find my personality entertaining while those from Blade Point do everything they can to avoid me. Lahat naman kasi entertaining para sa mga SP. Palibhasa bihira kaming makahanap ng ibang pagkakaabalahan kundi trabaho. Hindi katulad sa mga BP na madalas na nasa labas ng opisina.

"Nakita pala kitang nahagip sa ilang mga picture ng mga fan ni Daze kasama siya. Parang nasa tabi ata kayo ng daan," pagbibigay alam sa akin ni Torryn. "Buti hindi kinakabahan ang isang iyon na makita na may kasama siyang babae. Alam mo naman ang mga fan. Considering na kumpara sa ibang mga artista ay baguhan lang siya kung titignan."

Dagger Team Series #1: Sorcha's HearthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon