Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EPILOGUE
SORCHA'S POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paglundo ng kama at ang malambot na mga labi na dumampi sa pisngi ko. The room is submerged in darkness, but I don't need to see to know that it's Daze.
Una, dahil walang ibang may lakas ng loob na gisingin ako kapag ganitong mahimbing na ang tulog ko. Pangalawa, alam ko ang amoy niya. I could pick out his scent in a crowd. My sense of smell happens to be one of those that got heightened due to pregnancy.
I let out a groan of protest when I felt him pull my U-shaped pillow away. Hindi naman nagtagal ay napalitan naman iyon. Daze pulled me close, using his body as a replacement for the pillow he just took.
"Off duty na ang kabit mo. Nandito na ang original mo na paboritong unan."
Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. He's warmer than my pillow, and he certainly smells better than it. Lalo pa na amoy niya ang isa sa pinaglihian ko. He has this comforting scent that makes me warm and comfortable, even if I've just finished my daily bouts of throwing up because of morning sickness.
Daze kissed my forehead, and I felt his damp hair brush my skin a little. "You took a shower," I murmured sleepily.
"I did."
"I didn't hear you."
"Bakit? Sasabayan mo ako?" biro niya.
"I'm not opposed to it."
He chuckled and pulled me even closer. "I showered in the guest room because I didn't want to wake you yet. I think it's a good idea to do it this way. Kesa naman pumapasok ako ng kuwarto agad pagkagaling sa labas. We have a couple of crew members who have a cold."
He's been extremely careful since he got sick one time when he caught something while filming. Dahil magkasama kami sa bahay ay hindi nakakapagtakang nahawa rin ako. Iyon nga lang ay naging mas malala ang sa akin. I couldn't even go to work for a week because I was too sick to get up.
"I was thinking of sleeping there."
I slowly opened my eyes and gave him a look that made the corner of his lips pull up. "Subukan mo lang, Daze Henderson. Bibilan din kita ng U pillow at iyon na lang ang makakatabi mo sa matagal na panahon."
Nangingiti pa rin na kinintalan niya ng halik ang tungki ng ilong ko. "Kaya nga pinag-isipan ko lang. Hindi ko naman ginawa. Pagkatapos kitang mamiss maghapon?"
I made him promise me that no matter how late he comes home, I want him to wake me up. I don't know why, but I just want to know that he's back after being away for hours.
"And I need to recharge because I'll be missing you for days."
Nawala ang antok ko at napaangat ang ulo ko sa sinabi niya. I turned more to my side that my seven-month-old bump leaned more to him. He automatically reached for it, and he gently rubbed it as if greeting our baby, who seemed to be asleep. Usually kasi ay sumisipa na ang anak namin kapag nasa paligid ang ama niyang kinakausap na siya mula noong panahon na parang kasing laki lang ata siya ng ubas sa tiyan ko.