Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 19: STRESS
SORCHA'S POV
Gumising ako ng maaga para makapagdilig ako bago ako magluto ng breakfast. Halos pikit pa ang mga mata ko dahil kamumulat lang talaga ng mga mata ko. I feel like I've been neglecting my plants. They need some bonding time with their Mama.
Mandalas kasi ay talagang kinakausap ko muna ang mga halaman ko. Pero nitong mga nakaraan ay lagi akong nagmamadali. Kung hindi kasi ako busy ay may bwisita naman.
"You're lucky to be born as plants, babies. Walang sakit ng ulo na mga lalaki."
The breeze made the plants sway, and it made them seem like they were nodding at me.
"Kaya sa next life niyo, ask to be reborn as plants again. You make the world a better place. Huwag niyong hihilingin na maging kauri ng Daze na 'yon. You don't want to make the world an annoying place like he does."
"I like your consistent personality, Red. 24/7 ka talagang masungit, 'no? That's what makes you adorable."
Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. No. I'm just hearing things. I'm just traumatized, and this is just a flashback of some sort.
"Pero ang pinakamahalaga ay nasa isip mo ako mapagabi man o umaga."
No, no, no. Nahihintakutang nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Muntik kong mabitawan ang hawak ko na garden hose nang ang bumangad sa akin si Daze na mukhang kaaahon lang sa swimming pool.
He looks like a Greek god that descends from Olympus, with the sun that is starting to peek from the sky acting like his personal spotlight and the droplets of water running down his body making his skin glisten.
Kitang-kita ko ang malapad niya na dibdib na minsan ko ng ginawang unan. He's only wearing black board shorts that are riding low, making the V of his defined, narrow waist visible to my eyes.
"I think your plants are drowning. And if you don't stop looking, something in my pants will start growing."
My eyes snapped up and my gaze met Daze's that were sparkling with mischief. Gumapang kaagad ang init sa mukha ko at wala sa sariling naitaas ko ang kamay ko na may hawak na garden hose. Dahil na sa kabilang fence lang siya ay sapul siya sa mukha ng tubig niyon.
Ang masama ay mukhang may sasabihin pa sana siya dahil nakabuka ang bibig niya. Hindi na nga lang niya nasabi iyon dahil dirediretsong pumasok ang tubig sa nakabukas niyang mga labi.
Sunod-sunod siyang napaubo at napapitlag na iniwas ko sa kaniya ang hose. Pinatay ko iyon habang si Daze naman ay tinatapik-tapik ang dibdib niya para marahil ilabas ang tubig na sapilitan pero hindi sinasadiyang napainom ko sa kaniya.
I should feel guilty, but I'm not.
Lumabas mula sa bahay niya ang kapatid ko na mukhang narinig ang ingay namin. "Sorchie, stop torturing the client. Baka pangit na review ang ibigay niyan sa akin. He's my first solo case after all."