CHAPTER 26: ADDICTED
SORCHA'S POV
Dumiretso ako mula sa pagkakayuko ko sa halaman ko na kinakausap ko nang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang kapatid ko na parang stress na stress sa buhay niya. Akala kasi madaling magkaroon ng solo case. Ngayon tuloy parang kulang na lang ay matulog siya habang nakatayo.
"I need to go back to Dagger."
"Okay?" patanong na sabi ko.
"I can't reach Pike and Warrick yet, but I'll send someone to stay with Daze. Habang mag-isa lang siya, pwede mo bang samahan muna?" Napakamot siya sa ulo niya. "I know you're already with him all day, most of that you spend annoyed with him, but can you stay with him for an hour tops?"
I wasn't annoyed all day. Maybe half of it. Iyong kalahati... well, I don't know what happened to the rest of the day. Mabuti na lang ay kahit nakapikit ay kabisado ko ang trabaho ko dahil parang robot na kumikilos na lang ako kasi nasa alapaap ang utak ko. At sa halik na pinagsaluhan namin.
Ipinilig ko ang ulo ko. It's clear that my brother hasn't heard about it yet, and I don't want to make it obvious to him. "Daze is not a child, you know? He's a grown up." So grown up, in fact. "Just tell him to stay in the house and don't let anyone in. The security in this subdivision is top-notch. No one can get in unless they have permission. At saka kahit naman ang ibang mga Dawson ay naiiwan nila ang mga Dawson wives sa mga bahay nila noong mga panahon na on-going pa ang cases nila." Exagerrated na suminghap ako. "O fall na fall ka kay Daze kaya napaparanoid ka kapag hindi mo alam ang ginagawa niya?"
Binato niya ako ng throw pillow na naabot niya na ikinatawa ko lang.
"I just don't want to mess this up," he murmured.
Bumuntong-hininga ako. It's in his personality. Laging para siyang may pinapatunayan kahit ba hindi naman siya pinepressure. Our parents were strict when it came to our studies and decisions in life, but it's not the toxic kind. Pero sabi nga nila ay kung walang problema, tayo mismong mga tao ang hahanap ng poproblemahin. Isang example no'n ang kapatid ko na laging iniistress ang sarili niya.
Some studies say that twins are most likely to be competitive. It's natural. But Kuya Nevan doesn't want to be better than me. He doesn't want to beat me so that he can take all the glory. He just wanted to be good at something. And he already is. Hindi pa nga lang niya nakikita iyon.
"You don't need to call anyone. Everyone's busy. I'll stay with him."
Kuminang ang mga mata niya. "Really? But I might be out for a couple of hours."
Nagkibit ako ng balikat. "I have a gun, and I know how to shoot it without thinking twice. At saka magkapitbahay lang tayo. Kung may kailangan ako pwede naman akong pumunta rito sa bahay." I waved my hand. "Sige na. Tsupi. Pagkatapos kong magdilig, pupuntahan ko iyong alaga mo."
BINABASA MO ANG
Dagger Team Series #1: Sorcha's Hearth
ActionSorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...