Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses, and naturally, her twin brother's favorite is the King of the Gods, Zeus. But she was more drawn to...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 14: DOG
SORCHA'S POV
Nilingon ko si Daze at napailing ako nang makita kong nakadikit ang ulo niya sa salamin at parang hinang-hina siya. Kung hindi dahil sa seatbelt ay baka kanina pa siya nakipag face-to-face sa dashboard dahil nakakaidlip na siya sa kinapupuwestuhan niya. Nagkataon pa naman na sobrang traffic ngayon dito sa Tagaytay.
Kinapa ko ang isa sa dalawang insulated tumbler na inilagay ko sa cup holder ng sasakyan. Idinikit ko iyon sa natutulog na ulit na si Daze at napatalon siya sa pagkagulat nang maramdaman na malamig iyon dahilan para tumama ang ulo niya sa bubong ng sasakyan ko.
I nudged him again with the cold tumbler. "Drink this."
He gave me a weak smile. "I'm okay."
Nag-menor ako nang makita kong naging kulay pula ang stoplight. "Okay? Iyong alkohol sa katawan mo okay na okay. Nagpaparty pa nga sila at ikaw ang masaklap na venue nila. Kaya sila okay pero ikaw hindi." Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Take it and drink all of it. If you don't, I'm going to call someone to put an IV on you and strap you with a banana bag."
Nakasandal pa rin sa upuan na pumaling siya paharap sa akin. "I feel like if I drink this, I'm going to throw up."
Para siyang batang nagpapaawa sa itsura niya. Pero imbis na maawa ay pinaningkitan ko lang siya ng mga mata. "Ilang bote at can ng alak ang ininom pero ngayong tubig lang ang kaharap mo magrereklamo ka?"
His lips pursed a bit, but he didn't talk back. Wala naman kasi siyang masasabi talaga dahil tama naman ako.
It took us fifteen more minutes to reach the road that would take us to the office. Masunurin namang pilit na ininom ni Daze ang tubig na binigay ko sa kaniya kahit na ba parang hirap na hirap siyang gawin iyon. Hindi ko talaga gets ang logic ng mga manginginom. Ang pangit ng lasa ng alak pero parang mga uhaw na uhaw. Pero kapag tubig hirap na hirap?
"I forgot to tell you, there's probably paparazzi waiting at Dagger."
Ilang sandaling katahimikan lang ang naging sagot niya sa sinabi ko. When he spoke again, his voice was quiet. "May ibang daan ba papasok ng Dagger?"
"Meron," sagot ko. "Pero hindi tayo dadaan do'n."
The tires of my car screeched when I didn't slow down before turning towards the office. Hindi ko rin binigalan iyon kahit pa na ang daming taong nagsisiksikan sa harapan ng building.
Napahawak sa akin si Daze pero hindi ko iyon pinansin. I could hear people shouting as they scrambled around to avoid my car.
Pinatay ko ang makina. Ipapalipat ko na lang sa kapatid ko. I need to get this depressed dog in the building first.
"Let's go," I ordered him as I opened the door to exit the car.
Hindi ko pinansin ang mga tao o maging ang mga nakatutok na mga kamera sa gawi namin. I circled the car, tapped the window, and tipped my chin to the side, giving the tinted glass a glare, knowing that Daze was looking at me from behind it.