chapter 4

419 6 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


"Sum! Nandito si Bloom!"


Napalingon ako sa pinto nang tumawag si Kuya sa labas. Pinatay ko ang gripo at doon ko narinig ang tunog ng kotse ni Bloom. Nagpunas ako ng kamay sa kitchen towel na nakasabit sa handle ng ref at iniwan muna ang hinuhugsan ko para pumunta sa labas.


"What's up, Kuya," bati ni Bloom kay Kuya matapos siyang pagbuksan ng gate. "Papasok na kayo?"


Nginitian siya ni Kuya. "Kakain pa kami. Sakto ka. Kumain ka na ba?"


"Sakto nga, Kuya, kasi hindi pa."


Bumalik si Kuya sa pagpupunas ng motor niya. Nakangiti namang sumalubong sa akin si Bloom at iginaya ko siya papasok ng bahay.


"Ano na namang ginawa ni Pres Russ?" bulong ko.


"Maya, kwento ko ano naging usapan namin."


Pumasok siya sa bahay at naghubad ng sapatos. Sakto namang lumabas si Mama sa kwarto at bihis na ng kanyang pink nurses scrub. Napatigil ito sa pag-aayos ng buhok nang makita si Bloom.


"Oh, Bloom. Nandito ka yata?"


Bumalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang hinuhugasan kong mga pinaglutuan ko kanina. Nilapitan naman ni Bloom si Mama at nag-mano.


"Hello po, Tita."


"Dito ka ba matutulog?" kaswal na tanong ni Mama.


"Ah, hindi po. May klase pa po ako bukas. Nandito lang po ako para makita si Stevie at chismisan si Sum."


Napairap ako sa sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin at ang luka ay ngumisi lang sa akin.


"Makikikain na rin po ako, Tita. Nasa Cebu po si Mama ngayon." Tinaas-baba ni Bloom ang kilay kay Mama at nagpa-cute pa. Matapos ay lumingon siya sa sala kung nasaan ang nakababata kong kapatid na nakaupo sa mat niya sa sahig habang naglalaro at nanonood ng YouTube sa TV. "Stevie!"


Nakita kong umiling si Mama at bumuntong hininga. "Hay nako... Kayo talagang dalawa."


as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon