chapter 12

339 9 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


Gaya ng sabi niya, tinawag ni Skye si Bloom. Sinubukan ko mang makatulog, nang dumating siya ay hindi na iyon naging posible. At least when she was screaming, nakahiga ako kaya relax pa ang likod ko kahit ang tenga ko ay hindi na napahinga sa mga mura niya kay Jeremiah.


"Putangina, nasaan 'yun, ha?!" inis niyang sabi habang balik-balik na naglalakad sa tabi ng aking kama. "Ipakita lang talaga mukha niya sa'kin, ako sasapak sa kanyang gago siya!"


Nagpatuloy pa si Bloom sa mga sinasabi niya. Lumabas sandali ang nurse kaya malaya siyang nakakapagsabi ng kahit ano kahit nasa clinic kami. Wala rin namang ibang estudyante roon at kami lang.


Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi at napatingin kay Skye. Pinapanood niya lang din magbalik-balik si Bloom habang patuloy sa kanyang mga hinaing. Nang maramdaman ang aking tingin, lumingon ito sa akin. Nagkatinginan kami at mayamaya ay pareho ng nagpipigil ng tawa.


"Huwag kayong tatawa-tawa!" Tinuro kami ni Bloom na ngayon ay natuyuan na ng damit. Medyo basa pa rin ang buhok niya pero mabilis ata itong matutuyo sa init ng kanyang ulo. "We have to find that guy and make him pay!"


I sighed and shook my head. "I have a video of what happened. Pumunta na lang tayo sa dean mamaya."


"May video ka?!" Gulat siyang lumapit sa kamang hinihigaan ko. "Bakit hindi mo sinabi?!"


"Kasi naman, kumalma ka muna," mahinahong saad ko.


"Paano ako kakalma? Look at you!" Iminuwestra niya ang dalawang kamay sa akin. "May benda ka sa kamay!"


Hindi ko na binanggit sa kanya na may Salonpas ako sa likod. Malalaman niya rin naman iyon mamaya. Pero bubunganga na naman siya kaya hayaan ko na mamaya na niya malaman.


"Galos lang 'to," saad ko. "Mas sumasakit tenga ko sa boses mo."


Her shoulders are spiking up and down rapidly with her fast breathing. She's agitated, she's angry, she's frustrated. Kita kong lahat ng iyon sa mukha niya. But above all that, she's worried.


I sighed. "Nasa phone ko 'yung video."


Nilingon ko si Skye. Binigay naman niya ang cellphone kay Bloom at pinapanood sa kanya ang video. Natahimik na siya kaya pumikit muna ako para mapahinga.

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon