chapter 24

1.4K 4 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


WARNING: R-18

(isa pa?)


☼🌥☼


"Bili raw tayo ng soju sabi ni Bloom," saad ni Dylan na tutok sa kanyang cellphone.


I sighed, walking through the exit door of the company building. "Ayan na naman tayo sa inom na 'yan."


"Dami namang sinasabi neto." Minata ako ni Zico na para akong hinuhusgahan mula ulo hanggang paa.


"Iinom din naman, dami pang ebas," segunda pa ni Fiona.


Sinamaan ko sila ng tingin pero immune na ang dalawa kaya tinawanan lang nila ako.


Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan na sana si Skye pero natanaw ko na ang kotse niya sa kanto. Naghintay kami sa tapat ng kompanyang pinapasukan namin hanggang sa huminto sa aming harap ang sasakyan ni Skye.


Napahinto ako sa pag-abot sa handle ng pintuan sa passenger side nang bumukas ito. Magrereklamo na sana ako pero si Chen lang pala ito.


"Hi, Sum," bati niya at nagbigay daan sa akin para makasakay ako sa passenger side.


"Oh, Chen," bati ni Fiona na tumaas ng ilang tono ang boses nang makita ang lalaki.


"Hi. Makikikain ako," Chen said. "Tinatamad na akong magluto."


Fiona giggled like a kid. "Samgyup 'yun so magluluto pa rin pero live."


"Oo nga, 'no?" Natawa na lang si Chen kaya nawala na ang mata niyang singkit.


"Kasya ba tayo sa likod?" tanong ni Dylan.


"Pakandong ka na lang, Fiona," saad ko at nakangisi silang tinignan, lalo ang babae. "Ayan naman si Chen."


Sinubukang umalma ni Fiona pero nauutal siya kaya natawa na lang kami sa kanya. Lalo naman itong namula sa hiya.


"Hi, Skye," bati ko kay Skye na nanonood lang sa amin nang sumakay sa passenger seat. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. Be smiled and greeted me back.

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon