chapter 11

268 4 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


I believe lahat ng tao ay masama. Iba-iba lang ng level depende sa sitwasyon at sa kung sino ba ang kaharap nila. May mga taong sagad ang kasamaan kagaya nila Pres Russ at Jeremiah. Meron namang kagaya namin ni Bloom na hindi man santo, hindi rin naman sobrang demonyo.


Pero kung ire-rate ko ang ginawa namin ngayon, I think to the highest level ang kasamaan namin. We just purposely sabotaged someone's desire to run for a Student Council position with just a single post.


Is it right? Maybe it's not. Pero deserve nila ito. Sa lahat ng ginawa nila sa amin, hindi nila deserve na makuha ang gusto nila. Dahil alam kong sa taon na ilalaan nila sa posisyon nila kapag nanalo sila, kung ano-anong kalokohan lang ang maiisip nila.


Maybe they can change but right now, I don't think they will. Hindi na lang ito para kay Riona, para na rin ito sa mga pinaranas nila sa amin.


"'Panatang Makabayan. Ako po ay nangangakong hindi mangungupit sa pondo ng Student Council.'" Humagalpak ng tawa si Zico matapos mabasa ang parte ng caption ng post na tinitignan niya. "Tangina, ang witty!"


Napangisi ako sa sinabi niya. I know, Zico. Ako lang naman 'yan.


"This is harsh," saad ni Fiona na titig rin sa kanyang cellphone. "But truth hurts nga naman talaga."


Monday na Monday, ito agad ang unang bungad sa amin. Kahit noong Friday pa ang post, hanggang ngayon ay matunog pa rin ito. Dahil ngayong araw ang eleksyon.


Nilingon ko si Dylan na nakaupo sa armchair na katabi ko.


"What do you think about sa post, Dylan?" tanong ko sa katabi kong nakatingin rin sa post sa cellphone niyang hawak niya.


"Nakakatawa." Nilingon niya ako nang may ngisi. "Pero totoo naman lahat ng nakasulat dito, eh."


Napatango na lang ako habang nakangiti nang matagumpay. "Deserve naman nila 'yan."


Kahit hindi ko na tignan ang post, kabisado ko pa rin ang caption at bawat picture nito. Buong weekend kasi ay hindi ko mapigilang balik-balikan ito para makita kung gaano na ba karami ang engagements.


And as of now, natalo na nito ang engagements na nakuha ng post ni Pres Russ.


as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon