chapter 9

283 6 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


"Manonood ka ng debate mamaya, Sum?" tanong ni Dylan nang palabas na kami ng classroom.


"Sa bahay lang ako manonood. May live naman."


"I can't wait na marinig ang mga bardagulan nila!" Tumawa nang malakas si Fiona.


"Still can't believe na tumakbo si Jeremiah." Natatawang umiling si Zico. "Ano sabi ni Bloom?" baling niya sa akin.


"Ede natawa." I chuckled. "Kayo ba, what do you think?"


"He's continuing Pres Russ' legacy," ani Dylan.


"Legacy niya ng paggamit ng fund ng Student Council for personal use?" Fiona gave us all a knowing look.


"Legacy niya ng pakikipag-sex friends sa ibang officers," saad naman ni Zico.


Natawa kaming apat habang naglalakad pababa ng building. Humiwalay ako sa kanila pagkababa. Kakain na sila ng lunch habang ako ay imi-meetup pa si Bloom para sa practice namin ng kanyang mga tanong sa debate mamaya. Dahil senator siya, part siya ng mga magtatanong sa bawat partido at hihimayin ang mga plataporma nila.


This is what we've been waiting for, the Miting de Avance. I don't usually watch debates. Last year nanood lang ako dahil tumakbo si Bloom. She did really well and got her deserved win. But this year, manggigisa naman siya. Hindi na siya ang sasagot. Kami na ngayon ang mag-iihaw sa mga candidates.


I say 'kami' dahil ako ang gumawa ng script niya. And I enjoyed every single bit of it. I did my research sa mga past issues ng school and sure ako, mag-aamoy bawang at sibuyas mamaya.


I walked while grinning like a madman to the library. Wala pa si Bloom dahil busy sa klase niya. And kakausapin pa siya ng committee.


I held onto the straps of my bag, my head filled with thoughts about the debate later. Nai-imagine ko na ang itsura nila Jeremiah mamaya kapag nagtanong na si Bloom. Makakasagot kaya siya?


I was walking happily when a group caught my attention. Ang ingay kasi nila at nagtutulakan pa. Nang lingunin ko ito ay nakilala ko agad sila. Sila Skye ito at ang mga kaibigan niyang sila Eli, Usi at Mitch. At kasama na naman nila ang irregular na si Jordan.

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon