chapter 14

259 6 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


"Sum! Oh, ito!"


Malakas na inilapag ni Tita Saylor ang isang paper bag sa aking harap sa lamesa. Napatalon tuloy si Bloom na tulalang humihigop ng kape. Naalog pa ang mangkok ng sopas na pinapakain ko kay Stevie.


Pinunasan ko muna ang labi ng kapatid ko bago ibinaba ang kutsarang aking hawak. Kinuha ko ang paper bag at tumingala kay Tita na malawak ang ngiti sa akin.


"Ano po 'to, Tita?" tanong ko.


"Open it." She nodded, urging me.


Binuksan ko ang box at inaninag ang laman nito. Nalaglag ang panga ko nang makita ang box na nasa ilalim ng paper bag. Natawa sa akin si Tita. Nilingon ko naman si Bloom na pupungay-pungay pa ang mata. Pinasok ko ang kamay sa paper bag at nilabas ang box ng iPhone na latest model na nasa loob.


Tinaggal ko ang seal na plastic at binuksan ang box. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil baka niloloko lang ako ni Tita. Masyado pa naman siyang mapagbiro. But when I opened it, tumambad sa akin ang mga papel at ang cellphone na nakadikit pa ang mga protective sticker.


"Oh my God! Thank you, Tita!" Tumayo agad ako at niyakap si Tita.


"You're welcome, baby." Tita tapped my back, kissing my cheeks. "Happy birthday."


Nagpapadyak ako sa tuwa habang titig sa cellphone bago sumalampak ulit ng upo. Pinakita ko kay Bloom and cellphone at kahit halatang antok pa, napangiti ito sa akin.


"Picture agad tayo."


"That's right. You take lots of pictures, okay?" saad ni Tita. "Kaya iyan binigay ko sa'yo."


Umupo si Tita sa dining table at tinulungan akong i-setup ang cellphone. Halos hindi ko na nga napakain si Stevie pero buti ay kinuha siya ni Ate Charity at siya na ang nagpakain muna sa kanya.


Kinuha ko ang existing phone ko na iPhone rin at bigay rin sa akin ni Tita noon. Hinayaan ko na si Tita ang mag-ayos nito at pinanood ko lang siya habang nagniningning ang aking mga mata.


When the phone was all set up, binigay na ito sa akin ni Tita. Agad kong binuksan ang camera at itinaas agad ito para sa isang point 5 selfie na kita kaming lahat na nasa table. Pati si Ate Charity ay ngumiti.

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon