chapter 15

348 7 15
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


"Magagalit ba Mama mo kapag niligawan kita?"


Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"


"Sabi mo depende sa kung sino. Kapag ako ba nanligaw, pwede ba?"


Okay, Bloom, ang galing mo. Because I wasn't expecting this. Coffee date lang, sapat na sa akin. Konting usap at catch up since hindi pa kami nagkikita nang matagal. Usap ulit tungkol sa life gaya ng ginagawa namin noon kapag nagkakasabay kami sa jeep.


Sabi ni Dylan, alamin ko na ang intentions niya dahil kapag pinatagal pa, mas magiging masakit. Sabi naman ni Fiona, kapag walang nangyari then it will just be a normal talk over coffee.


May expectations na ako. Pero lahat ng nasa isip ko ay nawala nang marinig ang sinabi niya.


But what was I expecting? Gusto kong malaman ang intentions niya. And here it is.


I blinked a couple of times. Awang pa rin ang mga labi ko. I looked away for a second bago ibalik sa kanya ang tingin.


"I-Ikaw? Manliligaw?" nauutal na tanong ko na parang mali pa rin ako ng pagkakarinig.


He smiled pero hindi ko nakita ang mga dimples niya. It was a nervous smile. "Yeah."


I bit my lower lip. Napalunok rin ako at napasandal sa aking upuan. Para akong nanghihina. Not because I hate it but because my heart is thumping so hard, parang sasabog na ang tenga ko.


Oh my God.


Oh my God.


Oh my God.


Does this mean he likes me? Wait, kaya nga manliligaw, eh. Bakit ka ba liligawan kung hindi ka gusto?


Nakilala ko naman si Skye bilang isang taong hindi magbibiro nang ganito. And I can tell. He can't maintain eye-contact. Under the table, hindi mapakali ang paa niya. He's been changing his grip on his drink constantly. Hindi siya mapirmi ng upo.


He's nervous. But I can tell from his smile that it's his real feelings.


as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon