chapter 22

368 3 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


"Shet, totoo na 'to..." tensyonadong saad ni Zico. Hindi maipinta ang mukha niya habang papasok kami sa function hall ng aming library.


Humugot din ako ng hininga nang masilayan ang lagay sa loob ng function hall. Bukod sa mga kapwa namin estudyante na inookupa na ang mga hilera ng upuan sa gitna ng hall, ang mga naka-polo shirt at long sleeves na professionals ang nagpakabog ng puso ko. Marami ang mga professionals na iyon at galing sa iba't ibang mga kumpanyang affiliated sa aming school.


Ngayon ang seminar namin tungkol sa aming OJT. At nandito na rin ang mga company na connected sa aming school na pwede naming applayan. Excused kami sa klase namin para sa seminar na ito. Pero mas gusto ko pa mag-lesson kesa harapin ang katotohanan na wala kaming bakasyon dahil gugugulin namin ang summer namin para mag OJT.


"Guys, line up!" pagtawag ng atensyon namin ni Dylan na may hawak na clipboard at papel. "Doon tayo sa pinakaharap!"


"Yown, special and mga CS!" biro ng isa kong kaklase.


Bilang officer, tinawag kami ni Dylan at inutusan kaming i-monitor ang mga kaklase namin. Nag-head count din kami bago kami pinadiretso ni Dylan sa desk kung saan kami pipirma ng attendance.


Naging abala si Dylan dahil ang mga mayor ang kausap ng mga organization na naghanda para sa seminar na ito. Kaya kami-kami nila Fiona ang umasikaso sa mga kaklase namin.


Nang makapirma na ay dumeretso na kami sa pwesto namin sa harap. May nakasabay kaming ibang section na taga ibang department kaya tinignan ko ang ID lace nila.


"Oh, Sum!"


Kakakita ko pa lang na ang purple na ID lace ang suot nila na para sa mga Electronics Engineering ay nakilala na agad ako ng ilan sa kanila dahil sila Hazel pala iyon.


"Boss Skye!" tawag ni Wynwyn na katabi ni Hazel sa disorganized na mga kaklase nilang nakasunod sa kanila.


Nahanap naman ng mata ko si Skye na kasama sila Rico at Chen sa medyo dulo-dulo ng kumpulan nila. Kinaway ko nang kaunti ang kamay ko sa kanya nang iangat niya ang tingin niya. He smiled when he saw me over the crowd of his classmates.


Pinauna ko muna sila Fiona at sinabing ipagtabi ako ng upuan. Ang mga kaklase rin ni Skye ay nagsi-upuan na sa pwesto nila sa medyo dulo ng mga hilera kung saan naka-assign ang program nila na pumwesto. Hindi muna sumunod si Skye and he stayed beside me.

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon