chapter 13

332 5 10
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


I love bakasyon.


It's the only time na wala akong real stress para habulin ang mga bagay-bagay. Hindi ko iniisip ang mga pangarap ko o ang mga plano ko sa hinaharap matapos kong mag-aral.


Nasa bahay lang ako at binubulok ang sarili sa mga gawaing bahay. Mula umaga hanggang gabi, kasama ko si Stevie. Minsan magbabakasyon kapag naisipan ni Kuya at Tita. Madalas sa bahay lang kasi ayaw payagan ni Mama.


Taong bahay lang ako. Walang iba, taon taon ay ganoon.


But that summer, it was different. Because that summer, under the heat of the scorching sun, I found love.


"Ayos ba? Tama ba pagkakasuot ko?"


Napalingon sa akin si Bloom at si Tita Bella nang bumababa na ako sa basement after kong maisuot ang dress na binigay nila. Napatayo si Tita at nabitawan ang camera niyang buti ay nakasabit sa leeg niya nang takpan ng dalawang kamay niya ang kanyang bibig.


"Oh my God..." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mga braso ko. Nagniningning ang mga mata niya habang sinusuri ang kabuuan ko. "I can't believe 20 ka na bukas!"


Hinila niya ako at niyakap. My head was over her shoulder kaya nakita ko ang pag-irap ni Bloom na nakaupo sa couch sa sulok ng basement studio ni Tita. Medyo natawa pa ito habang nakikipaglaro kay Stevie na kaharap niya sa couch.


Nang kumawala sa yakap ay hinawakan ni Tita ang mga pisngi ko. "Parang noon lang magkahawak-kamay pa kayong lumalabas ng school!"


"Mama, 'wag OA. Ano kami, kinder?" Nailing si Bloom. "Grade 7 kami noon."


Tita Bella chuckled. "Hindi ko pa rin makalimutan noong unang beses kayong pumunta rito. I can't believe 20 na kayo pareho!"


Niyakap muli ako ni Tita at nagtatalon pa siya. Parang siya ngayon tuloy ang 20 years old sa aming dalawa.


"Now, sit there na, Sum." Kumawala na sa yakap si Tita at tinuro ang kahoy na stool sa gitna ng backdrop sa sulok ng studio basement. "Para marami kang mai-post na pictures." Ngumisi si Tita sa akin at siniko ako as I walked to the stool. "Balita ko kay Bloom may tinatangi ka na."

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon