☼🌥☼
After the midterms week, nag-post na ang opisyal na Comelec committee this year ng mga tatakbo for Student Council positions.
And under Una Partylist, ang presidente ay si Jeremiah while si Senator Sheya naman ang kanyang Vice President. Kasama sa anim na hanay ng senatorial candidates nila ay sila Fatima, Larry at Warren. Nakangiti silang lahat sa picture hawak ang certificate of candidacy nila.
Tinotoo nga nila ang lahat. Hindi nila sinayang ang post ng JUSME. Dahil hanggang ngayon, kinamumuhian na kami ng buong school. Nakalimutan na nila ang totoong issue, while everyone is celebrating their candidacy.
These cheaters are running for positions. Okay sana kung nagpakita man lang siya ng pagbabago. Pero noong makausap namin sila? Halata mong wala pa rin.
They don't deserve to win. Especially dahil dinamay pa nila ang pagkamatay ng isang inosenteng babae para lang sa paghahangad nila na manalo.
"So, may naisip ka na ba kung paano natin sila lalabanan?" Nilingon ko si Bloom sa screen ng aking cellphone matapos maghugas ng kamay. Nagpunas ako sa kitchen towel na nakasabit sa pinto ng ref bago binalikan ang aking niluluto.
["Yes, baby."] Madramang tinanggal ni Bloom ang sunglasses niya at tumingin sa camera. ["Just wait until I get home. Sisimulan na natin ang ating plano."]
Napairap ako sa ginawa niya. Iniwan ko ulit ang niluluto ko para tignan si Stevie na naglalaro sa sala. Nagkalat na ang mga laruan niya pero ayos pa naman siya. I sighed looking at the mess I have to clean. Bumalik ako sa kusina. Naabutan ko si Bloom na umiinom ng margarita niya sa camera.
"Sarap ng buhay, ah."
Natawa siya. ["Isasama naman kita, eh. Ayaw lang ni tita."]
Bumuntong hininga ako at bagsak ang balikat na nagpatuloy sa aking niluluto.
Na-explore na ni Bloom ang buong Boracay habang ako ay na-explore na ang buong bahay namin. Habang siya ay kumakausap ng AFAM, ang kausap ko lang ay si Stevie na kasama ko maghapon at magdamag dito sa bahay.
Dahil Holy Week, nagbakasyon si Bloom kasama si Tita Bella sa Boracay. Gusto nila akong isama pero nahiya na rin ako at hindi naman din ako pinayagan ni Mama. Kailangan kong alagaan si Stevie dahil wala namang Holy Week sa mga nurse. Tuloy ang duty ni Mama.
BINABASA MO ANG
as bright as summer
RomanceSummer Solstice Bustamante always had her plate full with responsibilities as the only girl in her family, caring for her youngest brother while her older brother and mother work. In addition to household chores, she manages her studies as a second...