chapter 2

568 8 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


☼🌥☼


I stared at blinking cursor of my phone. Umangat ang mata ko sa pangalan ni Skye sa itaas ng screen. Well, wala namang ibang makikita bukod sa name niya. Because this is our first chat.


And I can't believe ito ang una kong icha-chat sa kanya.


With a sigh, I closed my eyes and let my hand type my message. Sa sobrang adik ko sa phone ko, nang buksan ko ang aking mata, wala man lang typo ang message ko.



Helios Skye

Skye, what time end ng klase mo today? Can we talk?



Pinatay ko ang phone ko at binulsa sa aking blouse. Hinarap ko si Bloom na nakikisabay sa aming mag-lunch sa courtyard. Ang laki ng ngiti niya habang tinutukso si Zico na may crush sa isang medtech na kakilala ni Bloom.


"Ano ba? Meron na bang label?" nakangising tanong ni Bloom.


"Shut up!" Lumingon si Zico palayo, ang mga pisngi ay namumula. "'Wag mong binabati at baka ma-jinx!"


"Dapat nga sinasabi para nagkakatotoo, eh," panunudya ni Fiona na may ngisi rin.


"Magkakatotoo lang kung may magfi-first move," saad naman ni Dylan.


Nagkatawanan sila pero hindi ko magawang sumabay. Si Bloom na ang gandang babae na akala mo mahinhin, kung tumawa ay akala mong bruha. Lakas talaga mang-inis nito.


I scooted closer to her side. "Bloom," bulong ko.


Nilingon naman niya ako. "Oh?"


"May sasabihin ako mamaya." Tinaasan niya ako ng kilay kaya agad akong nagpaliwanag. "It's about the page."


Kumunot ang noo niya pero sinulyapan ko sila Dylan kaya naman wala na siyang nasabi.


Binalikan ko ang phone ko. Nang buksan ko ito, may notification na nag-reply si Skye. Binasa ko ito at agad na nag-reply.


as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon