chapter 23

621 6 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


WARNING: R-18

(hehe dalawa na tayong nakangiti)


☼🌥☼


"Ayos na ba? Wala ka na talagang naiwan, legit?" sunod-sunod na tanong ni Tita Saylor.


Nagpakawala ako ng hininga at napalingon kay Fiona na nasa tabi ko at inaayos ang aparador na katabi ng akin. Sinulypan niya ako at napangiti. Nailing na lang ako at sinarado na ang aparador.


"Opo, Tita," nakabuntong-hiningang sagot ko. "Wala na po akong nakalimutan."


"Hmm..."


Tumanaw muli si Tita sa kwarto namin ni Fiona dito sa boarding house. Matapos pagkaabalahan ang isang double deck na para sa amin ni Fiona, lumapit ito sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko tsaka ito piniga.


"Chine-check ko lang kung ayos ka. Makabuntong hininga ka naman."


Ngumuso ako. "Hindi naman kasi ako dito titira. Uuwi naman ako sa weekend. Sa isang araw, uuwi nga rin ako, eh."


"Mabuti nang nakakasigurado."


Nakaayos na ang mga damit at kaunting gamit namin ni Fiona sa aming kwarto na sa ngayon ay dalawa pa lang kaming gagamit. Pang-apat ang bawat kwarto rito pero next week pa darating ang kasamahan namin na schoolmate din namin pero ibang section ng kaparehong program. Kinuha na namin ni Fiona ang isang double deck, sa taas siya habang sa baba ako at bahala na ang dalawang nahuli next week.


Matapos masigurong ayos na ang mga gamit ay lumabas na kami ni Tita. Nakasalubong pa namin ang mga kasama namin dito sa boarding house nang palabas at binati namin ito ng isang tango at ngiti. Mga hindi namin ito kilala pero same school kami galing. Naswerte kami na marami kaming nakasabay na schoolmates namin na matanggap sa mga kumpanyang pumunta sa school. Hindi man kami magkakakilala, at least alam namin silang pakisamahan.


Pagkababa ay naabutan namin si Kuya na nakikipaghabulan kay Ate Charity at kay Stevie sa makipot na kalsada sa harap ng boarding house. Buti nga at walang dumadaan gaano rito kaya okay lang na naka-park sa gilid ang sasakyan ni Ate Charity na siyang pinanghatid nila sa akin.


Si Mama ay nasa gitnang gitna ng kalsada at naka-krus ang mga braso habang tumatanaw sa duplex na bahay na aming tutuluyan hanggang sa matapos ang OJT namin dito. Akala mong isa siyang judge sa pangmamata niya sa bawat detalye ng bahay at sa pagkunot ng noo niya kada may makikita.

as bright as summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon