☼🌥☼
"Sum."
Binaling ko ang tingin kay Skye na nagmamaneho sa aking tabi. "Hmm?"
"May nasabi ba ako sa'yo n'ong lasing ako?"
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Tutok ang mata niya sa daan pero sumulyap siya sa akin panandalian. When he saw na nakatingin ako sa kanya ay agad din siyang umiwas ng tingin.
"Wala naman." Ngumiti ako. "May gusto ka bang sabihin sa'kin?"
Humigpit ang hawak niya sa manibela. He turned to me and smiled pero hindi niya natagalang tignan ako sa mata. "No." he said with a chuckle. "But I'm sorry. I'm never getting drunk like that again."
"Hmm..." Umayos ako ng upo at tinuon ang mata sa kalsadang tinatahak ng sasakyan. "Bakit ka ba kasi naglasing?"
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. "I don't remember. I probably just accidentally drank one bottle, got drunk and continued."
Marahan akong tumango. "Don't do that again."
"I won't."
Sino nga ba ang nagsasabi sa amin ng totoo? Alam kong hindi ako 'yun. But is it him?
Sa ngiti at pag-iwas ng tingin niya, nakuha ko na ang sagot.
Whatever happened, he's not going to tell me.
Pilit ako nang pilit sa tadhana na sana maging kami, na sana maging boyfriend ko ang taong katulad niya, na maging sa akin siya. Pilit ako nang pilit sa tadhana at palaging sinasabi na kahit takot akong magmahal ay okay lang kasi kaya ko na.
Kaya ko naman talaga. Pero nasa tamang sitwasyon ba ako para magmahal?
Sabi ko sa kanya mahal ko siya. Mahal na mahal. And that's real. Pero kung mahal ko siya, why have I put him in this kind of situation where he's questioning himself kung mahal ko ba talaga siya?
Kung mahal ko talaga siya, bakit hindi ko masabi kay Mama? Kung mahal ko siya, bakit ako natatakot?
BINABASA MO ANG
as bright as summer
RomanceSummer Solstice Bustamante always had her plate full with responsibilities as the only girl in her family, caring for her youngest brother while her older brother and mother work. In addition to household chores, she manages her studies as a second...