Episode 1

119 5 0
                                    

Aiah's POV:
Hi ako nga pala si Maraiah Queen Arceta (Aiah) isa lang akong mahirap na tao at ngayon tangi ko nalang kasama ang aking nanay!
At ngayon ay nasa Manila na kami hindi na kasi kaya pang pag-aralin pa ako ni Mama dahil hindi na sapat ang kita niya sa Pag Papalay kaya ngayon ay nagtratrabaho na siya sa isang malaking Kompanya ang Kompanya ng nga Lim!

Mama:Anak handa ka na ba para bukas?
Aiah:Ang totoo po niyan hati eh 50%
pa lang po!
Mama:Bakit naman?
Aiah:Excited na po ako na makakilala ng bagong kaibigan pero natatakot po kasi ako kasi nga Transfer student pa po ako!
Mama:Hay hayaan mo nalang yan anak ok?
Aiah:Hindi pa talaga po ako ready eh!
Mama:Hahaha Magiging maayos din ang lahat ok?
Aiah:Opo ma!
Mama:Basta magiingat ka at paghusayin mo ang pag-aaral mo!
Aiah:Opo ma
Mama: Kahit hindi ka With high honor o first honor ayos lang ang importante pinagbuntunan mo ang iyong pag-aaral ok?
Aiah:Aww si Mama pinapaiyak nanaman ako!
Mama:Ika talaga hali ka nga!

Tawag sakin ni Mama at niyakap niya ako! Napakaswerte ko kasi kahit hindi ako pinalad na magkaroon ng maganda at marangyang pamumuhay pinalad naman ako sa pagkakaroon ng ganito kabait na nanay!

~Skip Time~

Late na ako na nagising kaya nagmadali na ako sa pagliligo at pagbibihis at kumakain na ako ngayon!

At ng natapos na akong kumain agad na akong nag paalam kay Mama at pumunta na sa paaralan naglalakad lang ako ngayon kasi wala naman akong pera eh,tipid tipid pag May time di ba?Ang kaso habang naglalakad si ate mo girl ay May nabangga ako guess what ang poganda niya beh!

?:Ah Sorry!
Aiah:Sorry po!Pasensya na po talaga!
?:It's ok,Transferee ka ba?
Aiah:Ah opo bakit po?
?:Ah wala kilala ko kasi lahat ng estudyante sa university eh! Sabi na nga ba,gusto mo bang samahan na kita?
Aiah:Ah sige po tutal wala naman akong kasama eh!
?:That's why i asked you naranasan ko na rin yan eh!
Aiah:Ganun po ba!
?:Btw I'm Colet and Don't po ok?
Aiah:Ah sige ako nga pala si Aiah!
Colet:O Aiah nice to meet you!

At magkasama na nga kami ni Colet na pumunta sa University buti naman at hindi siya masungit mukha kasing masungit eh!Pero ang bait pala at sobrang Poganda pa!At habang naglalakad kami sa University sobra-sobra nalang ang pagtataka ko dahil sa masasamang tingin ng mga estudyante sa University,Masungit ba lahat ng mag-aaral dito?O Sadyang May dumi lang sa mukha ko?

Colet:Wag mo nalang pansinin ang mga yan!

Nahalata ata ni Colet na nagtataka na ako sa mga titig ng mga taong toh!Kaya hindi ko nalang sila pinansin!

At ngayon ay nasa Classroom na ako!

?:Psst, Girlfriend ka ba ni Colet?

Rinig kong tanong galing sa likuran ko!

Aiah:Ah hindi bakit mo natanong?
?:Ah kasabay mo kasi siya kanina eh

Teka May rule ba dito na kung sino ang makakasabay mo papunta o pauwi ng University ay Jowa mo na?

Aiah:Ah nabangga ko kasi siya kanina tapos tinanong niya ako kung May kasabay daw ako sabi ko naman wala kasi transferee ako eh!
?:Ah ganun ba?Ako nga pala si Maloi ikaw?
Aiah:Aiah nice to meet you Maloi!
Maloi:Nice to meet you din Aiah!
?:Pero magiingat ka kay Colet bali-balita dito samin na babaero daw yun!

Nagulat naman ako dahil bigla-bigla siyang sumusulpot sa harap ko!

Aiah:Wala naman akong balak na-------

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa mga sigawan ng mga babae nakita ko dun si Colet May kasama siyang Tatlong babae ang popoganda nilang lahat pero sa tingin ko yung Red Hair ang leader nila nasa gitna kasi eh!

Aiah:Sino sila?
?:Sila ang Campus Crush dito yung Red Hair ang Leader sa kanila si Mikha at yung nasa kaliwa naman niya ay si Gwen at ang nasa kanan niya ay si Colet!
Maloi:Tapos yung nasa tabi naman ni Colet ay si Jho!
?:Btw I'm Sheena!
?:And I'm Stacey Nice to meet you!

At hanggang sa dumating na ang Adviser namin!Isa isa kaming nagpakilala at hanggang sa nag Recess na!

Maloi:Ate Aiah sama ka samin?
Aiah:Ah sige kayo pa naman kasi ang kaibigan ko dito eh!
Stacey:Libre mo kami Maloi!
Sheena:Grabe ka naman araw araw kang nagpapalibre kay Ate Maloi, Stacey
Maloi:Hahaha 'yaan mo na alam mo namang patay gutom yang si Staku eh!
All:Hahaa

At ng makarating na kami sa Cafeteria nakita ko si Colet pero hindi ko siya pinansin kasi sabi nila Maloi Mga Siga daw sila sa University na ito kaya pala ang talim ng tingin saakin ng mga tao kanina eh!

?:Aiah!!

Tawag sakin mula sa likod ng tiningnan ko iyon nakita ko si Colet hindi ko naman siya Pinansin pero lumapit pa rin siya sakin!

Colet:Aiah sabi na nga ba ikaw yan eh!
Aiah:Ah hi C-colet!
Colet:Oh you have new friends!
Macolet:IKAW?!!!!

Nagulat naman kaming tatlo nila Shee at Staku dahil sa sigaw nilang dalawa!

Maloi:Hoy masungit na Colet layuan mo si Ate Aiah!
Colet:Hoy Babaeng mataray kaibigan ko si Aiah at wala kang karapatang pagsabihan ako ng gagawin ko!
Aiah:Oum pwede bang wag kayong mag-away?
Colet:Fine!
Maloi:Si Colet kasi ate Aiah!(Sabay turo kay Colet)
Colet:Luh?!
Shee:Tama na yan gusto mo bang sumabay samin Ate Colet?
Stacey:Wag na Shee!
Colet:Pwede naman!

Red Hair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon