Episode 11

22 4 0
                                    


————————————————————
Colet's POV:

Ngayon hinahanap na namin ni Langga sila Mikha at Maloi nakita naman siya ni Aiah agad ko siyang tinawag pero umiwas si Maloi?

Colet:Maloi!!!!
Aiah:Langga bakit umiiwas si Maloi?(Bulong ni Aiah)
Colet: Hindi ko alam nakausap ko palang siya kanina eh
Aiah:Hayaan na muna natin sila Langga baka gusto lang nila ng Time ng silang dalawa lang!
Colet:Sa bagay Sige na Langga alis na rin tayo!
————————————————————
Maloi's POV:

Tinawag ako ni Colet pero hindi ko siya pinansin pupuntahan na rin sana sila ni Mikha pero pinigilan ko siya!Alam ko sa sarili ko na mas mahihirapan akong kalimutan ka Colet sa oras na nakikita ko pa ang mga ngiti mong bumibighani sa akin ang mga Mata mo'ng tinutunaw sa puso ko at ang mga Salita mong tumatatak sa Puso't isipan ko!Kailangan ko'ng lumayo upang maumpisahan ko ng mahalin si Mikha dahil yun ang nararapat dahil yun ang Deserve ni Mikha ang mahalin siya ng taong Mahal niya!Kasi alam ko ang pakiramdam na hindi ka mahal ng taong Mahal mo kaya ayaw ko ng maramdaman yun ni Mikha na isa sa pinakaimportanteng Kaibigan ko!

Mikha:Love Galit ka ba kay Colet?
Maloi:Hindi Love gusto ko lang sila bigyan ng Oras kasi First Day pa lang nila ngayon did you Forget na ba?
Mikha:Ah oo nga pala!Lets Go love?
Maloi:Tara Love!

Simula nung araw na yun hindi ko nanga pinansin si Colet 3 buwan na rin ang nakalipas mula nung hindi ko na siya Pinansin bukod dun hindi ko na rin pinansin si Ate Aiah parati akong nagtatago sa t'wing nakikita ko sila gusto ko na talagang Kalimutan si Colet pero hindi ko pa rin magawa ang hirap kasi dahil Classmate ko pa siya!

————————————————————

Aiah's POV:
Hindi na ako pinapansin ni Maloi hindi ko nga alam kung bakit maging si Colet hindi rin alam ang dahilan pero hindi na namin yun Pinansin ni Colet ngayon ay nasa harap na ako ng Gate ng Bahay namin hinatid na ako ni Langga ayaw niya raw kasing May mangyarinh masama sakin eh

Colet:Sige na langga aalis na ako!
Aiah:Bye Langga magiingat ka!!
Colet:Sige bye!

Ng makapasok na ako nagulat ako sa nakita kong Tao na kausap ni Mama matagal ko na siyang Gustong Makita at ngayon nasa harapan ko na siya at nakatingin pa sa akin hindi ko na mapigilan ang pag luha ko at ang sarili ko!

Aiah:PAPA!!!

Agad ko siyang niyakap ng napaka-higpit dahil sa sobra ko na nga siyang na miss!

Papa:Ito na ba si Aiah ang ganda naman ng anak ko'ng to!
Mama:Hindi ka kasi naniwala sa akin na malaki na at dalagang-dalaga na ang anak natin!
Aiah:Pa bakit ngayon ka lang?
Papa: Pagpasensyahan mo na ako anak ginawa ko lang talaga ang nararapat at yun ay ang magtrabaho ng magtrabaho para maging mayaman tayo Tignan mo ako ngayon Mayaman na ako,tayo!
Mama:Sana anak maintindihan mo ang tatay mo nais niya lang naman masigurado ang ikabubuti mo!
Aiah: Naiintindihan po kita pa pero bakit po kasi walang Tawag o update man lang?
Papa:Istrikto kasi ang mga Lim anak----
Aiah:Lim?Teka 'di ba dun nagtratrabaho si Mama?
Mama: Pagpasensyahan mo na ako Anak at hindi ko siya nakilala sa Building!
Papa:Ang galing kasi nung nag-make-up sakin eh!
Aiah:Ha?
Mama:Nag disguise ang tatay mo bilang ibang tao kaya Hindi ko siya nakikilala!
Aiah:Ahh!
Papa:Anak halika rito at nag Importante akong sasabihin sayo
Aiah:Ano po yun?
Papa:Alam ko na ang tungkol sa inyo nung Colet na yun at Tanggap kita pero alam ko na alam mo na kung gano kalakas at mapanganib ang pamilya ng Lim lalong lalo na ang Haligi ng kanilang Tahanan na si Mr. Lim alam mo naman na kaya niyang ipapatay ang mga taong hindi susunod sa kaniya at kaya niya yung takpan dahil nga sa kapangyarihan di ba?
Aiah:Opo Pero ano po ang tungkol dito?Ano po ang mahalagang Sasabihin niyo at bakit konektado po ito sa mga Lim?
Papa:Anak ipagpaumanhin mo at wala akong nagawa----
Aiah:Nagawa saan?
Mama:Pumunta dito ang Magulang ni Mikha at nais nilang ipagkasundo kayo ni Mikha wala na silang pakielam kung pareho kayong Babae dahil nga sa May maitutulong o kailangan nila ang Tulong ng iyong Ama siyempre kailangan nilang maging Pamilya ang Arceta upang matulungan sila tungkol sa pag-ko-kompanya ni Mr Lim!
Aiah:Ano?
Papa:Patawarin mo ako anak pero kailangan mong tapusin ang kung ano man ang meron kayo ni Colet!
Aiah:Pero pa---
Mama:Anak alam ko'ng mahirap pero para naman ito sa kaligtasan natin di ba?
Papa:Anak pwede tayong ipapatay ng Pamilya Lim sa oras na hindi ka sumang-ayon!
Aiah:Pano yun eh maging si Mikha ay May Girlfriend na rin hindi kami pwede pareho!
Mama:Yun na nga eh papaputulin ni Mr Lim kay Mikha ang Relasyon na meron sila ni Maloi!
Aiah:Hindi yun Pwede pano na kaming mga anak niyo?Hahayaan niyo na lang ba talaga na maikasal kami sa taong hindi namin Mahal?
Akala ko ba nung unang panahon lang ginagawa ang ganto eh bakit ngayon kahit ibang iba na ang Henerasyon na ito sa mga Henerasyon noon eh Meron pa nitong Illegal na pagpapakasal!
Papa:Hindi naman talaga yun Illegal anak!
Aiah:Para samin Oo kasi ikakasal kami sa taong hindi naman namin mahal----
Mama:Kaya nga naisipan ni Mr Lim na magsama kayo sa iisang bahay para naman mas mapalapit kayo sa isa't isa at unti-unti na kayo mahulog sa isa't isa

Red Hair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon