Episode 19

21 3 0
                                    


Aiah:Pano po nangyari na naging sila Mama at Papa?
Jenny:Ganito kasi yun nung niligawan na ni Dr Vedos o JV si Aliah dun na nagpakita ang tatay mo!At dun niya na rin ako niligtas Pano? Isang araw kasi sa paaralan May Intramurals kami ng bigla nalang May sumugod sa amin na mga kriminal pinagbabaril nila ang iba sa amin muntikan na sana akong mabaril ng bigla nalang akong hilahin ni Aliah kaya hindi ako natamaan ng Baril niligtas din kami ng Tatay mo at yun ang dahilan kung bakit nahulog si Aliah sa Tatay mo natanggap naman ito ni JV at mas pinili nalang ang kaniyang pag Do-doctor!
Aiah: Nakaengkuwentro na rin pala kayo ng isang barilan Tita!
Jenny:At labis talaga ang pagpapasalamat ko sa nanay mo dahil niligtas niya ang buhay ko!
Aiah:At maraming salamat din po sa pagtulong sa akin!
Jenny:Kulang pa nga iyan!
Aiah:Hindi po,Hindi po ako ang nagtulong sa inyo opo anak po ako ng nagtulong sa iyo pero iba naman po iyon!Kasi hindi perket ginawa yun ng magulang mo ay ginawa mo na rin magkaiba po ang mga magulang at mga anak!Marahil magkadugo nga po sila pero wala naman Pong sinasabi na konektado ang magkakapamilya na kung ano ang ginawa ng magulang yun na din ang ginawa ng Anak wala Pong ganun!
Jenny:Hanga talaga ako kay Aliah maging ang kaniyang katalinuhan ay iyo ding namana napakaswerte niyang Ina na magkaroon ng isang anak na katulad mo!
Aiah:Hindi naman po perket matalino na ang isang Anak eh Swerte na ang magulang kasi ang iba oo hindi po sila gaanong matalino pero pag dating naman sa Tamang gawi at asal perfect score po sila!Merong matatalino pero hindi alam ang GMRC at meron namang hindi matalino ngunit alam na alam ang GMRC
Jenny:Tama ka nga!
Aiah:Bagama't kahit ganun mas maganda pa siguro kung pagbutihin rin ng ibang estudyante ang pagaaral kasi po naniniwala po akong walang taong bobo sadyang tamad lang mag aral at makinig kasi kung makikinig ka ng maigi sa iyong guro tyak na matututo ka!
Jenny:Siguro kung magiging Guro ka maraming bata ang matututo sayo ng magandang asal at mga aral!Ganyang guro ang ninanais ng iba!
Aiah:Tama po kayo prro minsan naman po inaabuso ng mga Estudyante dahil nga sa mabait ang Guro pinapayagan silang lumabas pinapayagan silang malate at pinapayagan silang huwag gumawa ng Assignments parati na silang hindi gumagawa ng Assignments nag a-absent at lumalabas sa paniniwalang Hindi naman magagalit si Teacher eh
Kaya mas nanaisin ko pa ang isang Gurong strikto sa pagkat sa ganu'ng paraan matatakot ang mga estudyante at mapipilitang gumawa ng Assignments hanggang sa sila ay Masanay na sa pag-gawa ng Assignments!
Jenny:Ang dami mong Alam ah!
Aiah:Pero!Unfair lang po kasi ang mga estudyante hindi nirerespeto ang ibang mga Guro pumipili sila ng Gurong kanilang Rerespetuhin at yun ay ang mga Istrikto at nakakatakot na Guro yun namang hindi gaano ka istrikto ay hindi nila nirerespeto sa halip sinasabayan pa nila ito sa tuwing sila ay nag di-discuss!
Bukod dun meron pang bagay ang nakakainis sa karamihang nga Pilipino lalo na sa Mga Estudyante
Ilan sa mga yun ay ang
Tumulong ka lang sa guro dahil k
parte na yun ng personalidad mo sasabihin ka na nila ng Sipsip
Parati ka lang sumasagot sa mga Guro at sinasabi mo ang mga Assignment na nakalimutan ng mga Guro sasabihin nilang Bidabida  ka!
Jenny:Yun na nga ang nakakalungkot sa Henerasyon na ito!
Aiah:Kung ako po ang tatanungin mas gusto ko pa rin ang Dating Henerasyon ang mga taong 1890's sa pagkat lahat ng tao sa panahong yun ay May Takot sa diyos na unti-unti ng nakakalimutan ng mga kabataan dito sa Henerasyon natin dahil mas inuuna na nila ang mga Gadgets
Bukod dun lahat ng mga tao sa taong yun ay Marepeto,Magalang at Matulungin Na para sa karamihang bata sa Henerasyon na ito ay Wala na!
Marami ng mga bata ang kinalimutan ang mga salitang Po at Opo Sa halip ang mga salitang masasama para sa bata o ang pagmumura na ang kanilang tanda!Ang mga tao rin sa henerasyon na yun ay gustong-gusto ng Magaral lalong lalo na ang mga babae pero ngayon Wala ng silbi sa karamihang bata ang Grado sa pagkat puro nalang Online Games at Tiktok ang alam! Unti-unti na rin ngang nakakalimutan ng mga karamihang bata ang lenguwaheng Filipino sa halip mas ginagamit na nila ang lenguwaheng Ingles na hindi naman pagmamayari ng Pilipinas!
Hindi ko talaga matanggap na ganto na ang nagyayari sa Pilipinas!
Unti-unti ng pumapangit at nung panahong 1890's ang mga karagatan at mga lugar dito sa Pilipinas ay Napakalinis samantala ngayon ubod na ng basura ang mga karagatan at punong-puno na rin ng mga buildings, factories,at nga kotse na nagiging sanhi ng Global warming na siya namang dahilan ng Climate Change na unti-unti ng bumabago sa mundo na nagpapakaba sa mga Scientist natin ngayon!
Jenny:Kung pwede lang pagsabihan lahat ng kabataan ngayon na mag-aral
ng mabuti pero hindi eh!
Aiah:Dahil kasi sa tinatawag na My Life My Rules kaya nagiging matigas ang mga ulo ng mga bata!Ayaw na nilang mapagsabihan at gusto nila sila ang masusunod kaya ang Pilipinas ay isa na sa pinakamababa sa Pagbabasa at sa Matematika nakakalungkot lang isipin na ang Pilipinas ay unti-unti ng bumaba na dati pa ay pinupuri pa tayo dahil sa mga matatalinong mga estudyante na matatagpuan sa atin pero ngayon nagpapakahirap na ang DepED para lang maiangat muli ang posisyon ng Pilipinas!
Jenny:Kaya nga eh,Hindi ko na nga mawari ang mangyayari sa susunod pang henerasyon kasi ngayong henerasyon palang nakikita na natin ang unti-unting pabagsak ng Pilipinas nawa'y ito'y mahadlangan at muling maiangat ang pangalang Pilipinas!
Aiah:Hay!Sana nga maging maayos ng muli ang Pilipinas kasi wala naman akong magagawa kundi ang magsalita lang ng magsalita wala naman akong kapangyarihan na utusan ang mga Estudyante na mag-aral ng mabuti at maglinis at magsimba kahit tuwing Linggo lang!Kundi ay Impluwensyahan sila na gawin ang kanilang nakalimutang pinapahalagahan ng mga Pilipino noon!
Jenny:Oh tara na matulog ka muna at bibilhan muna kita ng damit para naman mapalitan mo na yang duguan mong damit at maka-ligo ka na!
Bibilhan na rin kita ng makakain mo ano ba ang gusto mo?
Aiah: Jollibee nalang po!
Jenny:Sige ba!

(Nawa'y maging aral ito sa mga kapwa kong estudyante pagpasensyahan niyo na rin dahil mahaba nais ko lang naman na mapulutan niyo ng aral ang aking nga Au wish it helps☺️)

Sana nga talaga maging maayos na ang Pilipinas ang bansang aking sinilangan at ang Bansang aking minamahal!

~Skip Time~

Ilang buwan na rin akong nagbabantay kay Mikha parati ko siyang dinadalaw dito!
Bukod dun maayos naman sila Papa at ang iba pa tungkol naman kay Mr Lim Naka Bullet proof din siya kaya hindi siya namatay pero nakakulong na siya ngayon!

Red Hair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon