ANG BAYAN NG KAN
Makalipas ang isang linggong paglalayag, nakatayo si Ruwu sa dulo ng barko, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa nag-uumapaw na kagandahan ng bayan ng Kan.Ang mga bahay na yari sa bato at kahoy ay nagtataasan, ang mga bubong ay natatakpan ng mga pulang tile. Ang hangin ay amoy dagat, pinaghalo ang mga bulaklak at sariwang tinapay.
"Oh! Hoo! Malapit na tayo! Kung maari lamang po ay wag magsiksikan. Ang lahat ay makakababa!" sigaw ng isang trabahador ng barko, ang kanyang boses ay malakas at malinaw.
"Nakarating rin ako!" masaya niyang sambit, ang kanyang mga mata ay kumikinang sa tuwa.
SA WAKAS, nasa daungan na sila. Ikinabit ng trabahador ang tali ng bangka at inilatag ang kahoy na daanan para sa mga pasahero. Napatingin na lamang ang trabahador sa kanya ng tumakbo siya't dumaan roon. Sa wakas, naaapakan na niya ang lupain ng Kan.
"Ang bayan ni Ama!" napakasaya niya at tumakbo agad sa mga nakabalinderang paninda sa gilid ng kalsada. Manghang-mangha siya. Bago ito sa kanyang paningin dahil wala nito sa Nayong kanyang kinalakihan.
"Ginoo! Pili na..." masayang tangkilik ng tindero, ang kanyang ngiti ay malawak at nakakahawa.
Nginitian niya ito. "Ako po si Ruwu." Pagpapakilala niya. "Napakaganda ng inyong bayan, at kamangha-mangha pong talaga."
"Hmm, tila ika'y isang dayuhan? Nakikita ko sa iyong kakaibang kasuotan..."
Tumango siya. "Tulad ng inyong tinuran, malayo po ang aking pinagmulan, mahigit isang lingo akong naglalakbay."
Nginitian siya ng tindero.
Napatingin siya ng may isang lalaki ang dumaan.
"Si Kuya Gok!" agad siyang tumakbo at hinila ang sakbat nitong lagayan ng gamit. "At saan ka pupunta?!" pinanliitan niya ito ng mata ng napalingon ito sa kanya..
"Oh!?" Natigilan ito at napaatras. "Sino ka? Ano ba---"
"Sino ako?! Ha?! Ako lang naman yung ninakawan mo sa bangka ah!" Natigilan ng tinakpan ni Gok ang kanyang bibig at hinila sa tabi.
"Ah! Aray..." napatama ang balikat niya sa kahoy ng bitawan siya nito . "Ang sakit nun ahh! Bakit ka ba nanunulak!? Akin na ang mga salapi ko." Inilahad niya ang kanyang kamay.
"Ah... sa tingin mo ba ay nasaakin pa iyon?" reklamo nito at sinaman siya ng tingin sabay tabig sa kanyang kamay.
Napatayo si Ruwu. "Anong sinabi mo!? Iyon lamang ang meron ako!" Sigaw niya kay Gok.
Umiwas at tumikhim. "Wala na."
"Ang kapal ng mukha mo..." padabog ni Ruwung ibinaba ang sakbat na lagayan at kinuha ang pana at palaso.
Sya pa ang may ganang mag-reklamo? Makikita nya!
"T-Teka--- anong gagawin mo?" Tanong ni Gok.
Tumingin ng masama si Ruwu at itinapat ang palaso sa binatang si Gok.
"Sa-sandali lang naman!" may kinuha sa bulsa at ipinatong sa lagayan ni Ruwu. "H'wag ka namang ganyan bunso! Ilang araw din tayong magkasama sa paglalayag, oh ayan na---" at ibinigay ang barya.
"Kapag ninakawan mo ulit ako, tatamaan na kita! Naintindihan mo ba?!"
Napaatras ang mukha at tumango.
Ibinaba ang pana at padabog na kinuha ang gamit niya bago umalis.
"Ang tapang..." babatohin nya sana ito ng maliit na bato ngunit itinapon nya rin pabalik sa lupa at sinakbat ang gamit at naglakad na rin.
TINAHAK ni Ruwu ang kalye at nagpalinga-linga sa paligid. Masyado siyang namamangha sa mga bagong bagay na kanyang nakikita. Napatingin siya sa dulo ng kalye,
Tila may parada?
"Pagbibigay galang sa pamilya ng kamahalan!" sigaw ng tagapaglingkod ng hari.
Gaya ng iba siya ay tumakbo sa gilid ng kalsada. May mga kawal na humarang sa bawat gilid na kalye at nagsimula na ang parada sa bayan. Napayuko siya gaya ng iba, hanggang sa may estrangherong nakasakay sa kabayo ang lumabas sa kung saan at tumigil sa dulo ng kalye. Inasinta nito ang pana at sa isang iglap ay tinamaan ang hari.Nagkagulo ang lahat ng tao. Natatakpan ng telang itim ang ibabang bahagi ng mukha ng estranghero, punong-puno ng galit ang mga titig nito.
"Paligiran ang kamahalan!" sigaw ng Heneral at inasinta ang pana at itinapat sa estranghero.
"Yah!" sigaw ng estranghero at pinapatakbo ng mabilis ang kabayong sinasakyan.
Galit niyang itinapon ang pana nang 'di na matanaw ang estranghero. "Bantayan ang lagusan, magpadala kayo ng mga kawal at tugisin ninyo ang lapastangan! Madali!" sigaw nito sa kasama.
SA KABILANG BANDA nakiusyoso siya sa mga tao at tiningnan ang mga nangyayari. Napatingki siya at pilit na tinanaw ang pamilya ng kamahalan.
Hanggang sa napaatras siya't natigilan ng makita ang isang pamilyar na Simbolo. Ang sumisimbolo sa bayan ng Kan ang bandila nito.
Tila bumagal ang oras, ang mga tao sa kanyang paligid, tila isang tao lang ang kanyang nakikita at nanumbalik ang masaklap na nangyari sa kanyang Nayong pinagmulan. Tila may isang bagay na bumaon sa kanyang puso ng maalala ang masaklap na nangyari sa kanyang mga ka Nayon. Naihakbang ni Ruwu ang kanyang mga paa ngunit hinarang siya ng mga kawal.
"Hindi maaari." Sabi nito
Nagpilit siyang makadaan ngunit nakaharang parin ito. "Paraanin mo ako! Ano ba!?" galit niyang sigaw
"Aba't!" kukutusan sana siya nito nang may pumigil dito.
"Pasensya na kayo Ginoo." Tumawa at umakbay kay Ruwu. "Medyo may tama sya sa utak" bulong nito na narinig naman ni Ruwu, hinila siya ni Gok.
"A-ano ba!? bitawan mo nga ako!" reklamo niya hanggang sa makalayo silang pareho sa lugar na iyon, siniko niya ito kaya nakawala siya sa pagkakaakbay nito.
"Nababaliw ka na nga bang talaga? Bakit lalapitan mo ang hari?"
"Ha? Hari?" hindi siya makapaniwala. "Ang taong natamaan kanina ng palaso ay ang hari ng bayang ito kuya Gok?"
"Tss ewan ko sayo. Hindi mo ba narinig kanina sa parada---" natigilan. "Wag mo nga akong titigan ng ganyan! Kinikilabutan ako sayo." Inihampas ang pamaypay.
Napahawak sa ulo. "Tinatanong kita ng maayos, bakit ba hindi ka sumagot ng maayos!" inis na sabi at aagawin sana ang pamaypay ng inilayo ni Gok.
"Ang kulit mo ha?" itinaas ang kamay.
Sinaman ng tingin at tumigil.
"Ito na po ang pagkain nyo mga ginoo." Sabi ng tindera at ipinatong sa lamesa.
Umupo at sinimulan ng kumain. "Hindi ka kakain? ang mabuti pa ay sumama ka na lamang sa akin."
"Ha?"
"Hindi mo narinig kanina? Inanunsyo sa parada na naghahanap sila ng mga mag-aaral, sasanayin sila sa pulitika at huhubugin ang kanilang kakayahan upang maging isang mandirigma ng bayan. Ano mang antas sa buhay ay tatangapin" Ngumiti, natigilan sa paghigop ng sabaw at napa-ubo.
Buti nga daldal kasi.Pinaaabot nito ang baso ng tubig pero di niya inabot at tumawa lang. Sa huli ay ibinigay rin niya.
"Mukhang di ka interasado... ayaw mo bang sumama sa loob ng palasyo?"
Palasyo? "Sasama ako! Sasali tayo!" halos matapon ang tubig ng malakas niyang tinuon ang kamay sa lamesa.
Ngumiti. "Mabuti! Pero bago yun bayaran mo muna ang yung pagkain."
"Ha?!"
"Bayaran mo ha?" Pahabol nito saka umalis.
"Sandali! ako ang magbabayad di naman ako kumain! Ang kapal talaga ng mukha!" reklamo niya at inilapag ang bayad sa lamesa saka sumunod sa binata.
SA KABILANG BANDA naglalakad siya sa gitna ng kagubatan gayon nalang ang pagkakahawak niya sa kaliwang dibdib, labis ang pagdurugo ng kanyang sugat ng tanggalin niya ang palaso na bumaon dito. Siya ang Estrangherong tinutugis ng mga kawal.
Nang tamaan siya ng palaso ay nalaglag siya sa kabayong sinasakyan dahilan para mahulog siya't gumulong pababa ng bundok, saglit siyang nawalan ng malay at mabuti na lamang at hindi siya natagpuan ng mga humahabol sa kanya. Umupo siya't saglit na natigilan, hinila niya ang telang tumataklob sa kanyang mukha dahil nahihirapan na siyang makalanghap ng hangin.
Ang Binatang ito ay mula sa timog-silangan, ang kanyang mga kanayon ay pinaslang sa pag-aakalang sila ay tulisan at kumakalaban sa bayan ng Kan. Ngunit sila lamang naman ay isang maralitang uri ng mamayan na pilit nakikipagsapalaran sa matinding hamon ng kahirapan. Pinaalis sila noon sa kanilang unang lupaing tirahan at pilit na pinalipat sa lugar na hindi manlang nawawahi ang madilim na kaulapan, kaya ang dating masagana't mapayapa nilang pamumuhay ay bigla na lamang naging isang bangungot sa kanilang lahat.
Gumawa sila ng aksyon at kumilos sa pag-asang sila'y papakinggan ng nasa itaas na mapalipat na sa ibang lupain, ngunit, hindi iyon naging madali bagkus mas naging masaklap pa ang nangyari. Sinira, pinatay, at sinunog ng mga hukbong sandatahang nagmula sa Kan ang lahat-lahat ng mayroon sila, nadamay pa ang mga musmos na bata, mahihina't may sakit na matanda, mga pamilyang nasira. Kaya naman hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang katarungan para sa mga ito at pagbayarin ang mga taong sumira sa kanila.
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Sonstiges"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...