GABI NA
Ang lahat ng mag-aaral ay nagtipon-tipon at lumabas muna sa kanilang silid, dahil sa anunsyong sasabihin ng tagapagsalita ng mga Maestro.
“Sa isang araw na gaganapin ang pagdiriwang sa Palasyo at pagpapa-ilaw ng mga parol. Inaasahan ng lahat ng Maestro na magiging maayos ang lahat, walang gulo o away! Na mangyayari...” sandaling natigilan ang tagapagsalita ng maestro, ng matanaw ang isang studyanteng naglalakad. Tumikhim at muling nagpatuloy. “Maraming bisita ang pupunta, mula pa sa iba't ibang lugar o bansa. Kaya bilang pagpapasalamat sa kanilang pagdalo. Ang bawat grupo ng mag-aaral ay gagawa ng isang pampasiglang bilang. Pagkanta, Pagsayaw o Pag-tugtog ng instrumento... Ngayon ay maipapakita naman ninyo ang inyong mga talento.”
Ang lahat ay nagreklamo sa sinabi ng Tagapagsalita.
“Wala na tayong magagawa. Iyon ang sinabi ng mga Maestro. Para naman bukas ay makapag-ensayo na kayo. Galingan ninyo!” tumatawang sabi pa nito at tiniklop ang papel na hawak.
“Ngunit madaling panahon lang ang aming paghahanda. Paano namin magagawa iyon...” reklamo ng isa.
RUWU POINT OF VIEW
Lumapit ako sa kanila Saysen.
“Ang sabi nga ng Maestro, tiwala sa sarili, kaya ninyo iyan.” dagdag pa ni Ginoong tagapagsalita, bago umalis kasama ang isang kawal.
“Hays Problema nanaman...” Gok
Si Pai... Sya ang Prinsesa.
“Hoy Ruwu.” Riyu
Natigilan naman ako't napatingin.
Sinong nagtawag sakin?
“Ano ang talento mo?” tanong ni Riyu sa akin.
Napatingin ako kay Riyu. Talento?
”Ahh, ano bang talento ko?” Pabalik kong tanong.
Hindi ko alam.
Tumawa naman sila.
“Alam ko ang talento nyan, sumigaw at mapikon.” singit ni Kuya Gok
Hindi ko sila pinansin ng magtawanan sila.
“At ikaw kumain at matulog.” Sabi naman ni Saysen kay Gok.
Narinig ko ang tawanan nila.
Si Pai, ang nasa isipan ko. Sya lang. Paano ko sasabihin kay Dowori na wala na sya. Paano pa namin maisasagawa ang plano? Oo, may isa pang pag-asa, yun ang hanapin ang mga Maestro.
Ngunit saan naman sila makikita?
Alam kong habang natagal, nakilos ang mga masasama taong 'yon. Balak rin nilang ipakasal si Dowori...
Anong gagawin ko?!
Natigilan naman ako ng makita silang nakatingin sa akin.
“Bakit?” Tanong ko sa kanila.
“Mukhang kakaiba ka ngayon Ruwu.” Roku.
“May mga bagay kang ginagawa, at ano naman iyon ha!” Gok
“Siguro nakipag-tagpo ka nanaman ano?” tinulak pa ako ni Owen.
“Ahh Hindi...” Natigilan ako.
Oo! Tama! Makakatulong silang lima sa amin ni Dowori!
“Sundan ninyo ako.” Sabi ko sa kanila.
Umuna akong lumakad. Sinundan naman nila ako.
Pumunta kami sa aming silid.
Senenyasan ko naman si Ragib na isara ang bintana at pinto.
Natawa naman si Kuya Gok. “Ano ba ito? Magku-kwentuhan ba tayo?”
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...