P17: PRINSESA DOWORI

2 1 0
                                    

KINABUKASAN



DOWORI Point of View

Nasa tapat kami ngayon ng lawa. Nasa likuran niya ako habang siya nama'y nakatalikod sa akin at nakatingin sa mga isda

“Kamahalan... ayokong ikasal sa taong hindi ko naman gusto.” napapikit pa ako nang sabihin iyon sa kanya.

Hinarap niya ako. “Bakit? May nagugustuhan na ba ang aking Prinsesa?” tanong niya't ngumiti.

Napangiti ako sa sinabi niya.

Ako? Prinsesa?

Naintindihan niya ako! Tanggap nya  ako... Kahit na isang pagkakamali lang na ako'y nabuo.

Lumapit ako sa kanya at siya'y niyakap.

“Lolo...” sa wakas na tawag ko narin siya sa pangalang iyon.

“Kailangan munang pag-handaan ang pagdiriwang. Saka na pag-uusapan ang iyong kasal... Sino nga ulit ang binatang iyong nagugustuhan?” muli niyang tanong.

“Maaari ko po bang ibulong na lamang sa inyo?” nahihiya kong sabi sa kanya.

Tumawa siya. Kaya ibinulong ko sa kanya iyon. Tumaas pa ang kilay niya't napangiti.

“Kung ganoo'y ang Heneral na si Horoshi.”

Nanlaki naman ang mata ko ng sabihin pa niya iyon ng malakas. Napalingon ako sa mga kasama naming tagabantay.

Nakakahiya!

Nakangiti sila ngayon.

Tumawa lang si Lolo at muling nagsaboy ng pakain sa mga isda.

“Maaari ka ng umalis, paghandaan mo ang iyong mga gagamitin o isusuot. Nais kong ika'y mas lalong gumanda bukas. Para naman mapansin ka ng Heneral.” tumawa pa niyang sabi.

“Lolo...”  nahihiya na talaga ako!

“Masyado siyang abala...” bulong niya.

Muli akong napatingin sa mga nasa likuran naming tagapaglingkod, at tumingin kay Lolo.

“Hayaan mo't sasabihin kong isayaw ka niya.”

Pakiramdam ko'y namumula na ang mga mukha ko sa hiya at sobrang saya.

Isasayaw? Magsasayaw kami?



UMALIS narin ako roon at iniwan si Lolo.

Naglalakad ako ngayon pabalik sa aking silid.

“Hindi na po naaalis ang mga ngiti ninyo Kamahalan.” bulong ni Ashka.

Tumingin ako sa kanya. “Masyado na ba akong halata? Ano nalang ang kanyang sasabihin kapag sinabi ni Lolo na isayaw niya ako?” nakasimangot kong sabi.

“Prinsesa... Siya'y abala lamang kaya hindi ka niya napapansin.”

“Talaga? Hindi naman talaga ako kagandahan gaya ng ibang babae. Masakitin pa't bawal mapagod. Hindi ako ang tipo ng babaeng kanyang magugustuhan... Panigurado.” nakakalungkot.

Tumawa siya. “Mahal na Prinsesa. Kayo ay maganda! Napaka-ganda. Gusto nyo ba tanungin ko siya, kung ano ang tipo niya sa babae?”

“Ah, hindi! Mahahalata ka niya...”

Tumawa siya. “Kamahalan, nakakatuwa talaga kayo. Batid ko namang alam niya ang nararamdaman mo sa kanya.”

“Ha?” natigilan ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

Tumango siya.

“Lalaki siya at ramdam niya iyon sigurado. Kaya wag na kayong sumimangot ng ganyan...”

POLEMISTÍS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon