PAGLIPAS NG MGA ARAW...
"Kamahalan... hindi naman sa nais naming pangunahan ang inyong nais. Inaasahan rin ng taong bayan ang magkaroon ng bagong uupo sa trono. Sapagkat kayo'y matanda na at dapat nagpapahinga nalang sa mga pampulitikong gawain..." Ani ng babae
"Kaya napag-isipan naming ipakasal ang Prinsesa Dowori sa Heneral Marhil. Nasa hustong gulang na po siya para hiranging bagong reyna ng bayan"
Napatingin ang reyna na kalapit ng trono ng Hari. Sang-ayon siya na magpakasal ito, ngunit hindi niya matatanggap na sa Heneral na iyon ito maikakasal. Hindi nya magawang tumutol sa mga mungkahi ng mga ito.
"Isang mahusay na pinuno ang Heneral at batid ninyong siya ay isa ring Maharlika. Na nababagay sa isang Prinsesa." Ani ng Babae
"Ngunit siya ay masyadong abala sa mga bagay-bagay at tila hindi interasadong sa kasal." Pagtutol ng Reyna.
Tiningnan siya ng babae at ngumiti pa. Nakakaramdam siya ng inis sa t'wing ginagawa nito ang mga ngiting iyon.
"Sumang-ayon po siya kamahalan."
Malamang dahil nagkasundo-sundo na kayo.
Tumikhim. "Pag-iisipan ko ang inyong panukala."
"Salamat po Dakilang Amang Hari" yumuko ang lahat.
"Ang unahin muna natin ay ang magaganap na selebrasyon ng palasyo. Dadalo ang maraming bisita mula sa iba't ibang bayan at bansa, kaya nais kong maging maganda ang araw na iyon."
"Makakaasa po kayo kamahalan."
TAKIPSILIM NA.
"Saan ka naman pupunta Ruwu?" tawag ni Roku ng matanaw si Ruwu sa malayo
Natigilan at nilingon ang mga ito.
"Sa silid aklatan."
"At ano naman ang gagawin mo roon ha?" pinanliitan ng mata ni Gok
"May ano...ah"
"May ano nanaman? Sumama ka nalang sa amin!" ani ni Gok at hinila.
"Saan ba tayo pupunta--- ano ba!" binawi ang braso. "Bakit ba lagi kang nanghihila!" Iritadong sigaw niya na ikinatigil at ikinatingin ng mga ito.
"Minsan talaga kinakilabutan ako sayo. Parang kang babae kung maka-angal." Komento ni Gok
Tumawa si Owen.
"Tayo na! Sasama na ako." Ruwu.
Naglalakad sila ngayon sa bayan ng Kan.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Ruwu
"Sa bahay aliwan." Bulong ni Owen na ikinatingin niya.
At ano naman ang bahay na iyon?
Ruwu Point Of View
Hindi ito maganda!
Napaisog ako ng kaunti ng lapitan ako ng babae, mapang-akit pa niya akong tinitingnan at sinasalinan ng inuming alak.
Ano ba ang kanyang ginagawa?!
"Ginoo... gaano ka kahusay sa paghawak ng iyong espada?" mariin niyang sabi habang nilalaro nito ang tali ng aking damit.
"Ah, hindi naman ako ganoon kahusay."
"Ha?” tumawa ng mahina. “Ay ang pangangabayo mo..." bulong niya na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.
Nakakailang ang kanyang gingawa.
"Ah, hindi ako marunong mangabayo." Natigilan ako ng marinig ang mahinang tawa nila Owen.
Ano ba ang ibig sabihin nung tawang 'yon!?
Inalis ko ang kamay niya at umisog.
Napatingin naman ako sa kalapit ko na nasandalan ko. Si Ragib na umiinom ng alak.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi, na ang bahay na ito ay pugad ng mga mapang-akit na babae!" Mariin kong bulong na ikinatingin niya.
Nakipagtitigan lang siya sa akin.
"Ano?!" muli kong bulong.
"Bakit hindi mo siya halikan?" sabi pa niya sa akin. Inaasar pa talaga niya ako!
Sinaman ko siya ng tingin at inagaw ang baso na iniinuman niya at ininom. Napatingin silang lahat ng malakas kong ibinaba sa lamesa ang basong 'yon at nagmadaling tumayo't lumabas. Natigilan ako ng makita siyang nakasunod. Nilingon ko siya.
"Makinig ka sa akin! Maganda ka at..." napatingin ako sa katawan niya. "Kaaya-aya ang katawan mo! Kaya naman, wag mong sayangin ang buhay mo..."
Nahihilo na ako.
"Hindi ko alam na... sa bayang ito'y may mga katulad ninyo na--- dapat may desenteng buhay, nirerespetong at minamahal." Natigilan ako ng makitang tumutulo ang luha niya.
Hala.
Agad ko siyang nilapitan.
Nagpa-iyak nanaman ako ng babae...
Pinunasan ko ang luha niya. "Tumahan ka na nga."
"Ginoo..."
"Ha?"
"Alam kong 'di ako nararapat sa inyo. Ngunit, nais kong sabihing lubusan ko kayong iginagalang sapagkat kayo ang unang lalaking iginalang ang aking pagkababae." Natigilan ako ng halikan niya ako, agad akong napalayo. "Tanggapin ninyo ang aking kagalakan, mag-iingat po kayo." Umalis siya.
Iniwan niya akong tulala at nakahawak sa pisngi ko.
Hinalikan niya ako.
Nawala na siya sa paningin ko. Napakunot noo nalang ako,
Ano ba ito!
ILANG minuto siguro akong naroroon at ngayo'y babalik na ako sa silid na kinaroroonan nila, nang marinig ang pangalan ng aking Ama. Sumilip ako ng patago, tila sila ay naglilingkod sa pamahalaan ng palasyo. Bakit nila pinag-uusapan ang aking ama?
"Ang sabi sa akin ng mga tagabantay nilisan ng Maestro ang bayan ng Kan, samantalang nung panahong 'yon nakita siya ng aking mga tauhan sa Templo at nagdarasal."
"Nararamdaman kong may kinalaman siya sa pagkawala ng anak ng Reyna." Narinig ko ang boses ng babae
Kung ganoon may iba pang anak ang hari? At ang aking ama ang hinihinalang kumuha sa kanya?! Kaya ba sinugod kami noon upang paaminin ang aking ama?
Natigilan ako ng may magsalita. Napakuyom ako, gusto ko siyang patayin. Nakita ko nanaman ang taong pumaslang sa aking ama!
"Matalik silang magkaibigan ni Haring Sokju, nararamdaman kong batid nila ang mga mangyayari't ating mga plano." Tumawa.
Ano bang ibig nyang sabihin?!
"Heneral, ano sa iyong palagay ang mungkahi namin sa Dakilang Hari." naka-ngiting sabi ng babae. "Wag mo akong kalilimutan kapag nakaupo ka na sa trono..." uminom ito ng alak habang malalim na nakatingin sa Heneral.
Ano ba ang gusto nila? Plano ba nilang maghari sa bayan ang Heneral na iyon?!
Agad akong nagmadaling umalis ng marinig na may paparating. Nakarinig ako ng ingay at tila may gulo ng nagaganap. Tumalon ako sa bintana.
Aray... Ragib?
Nakita ko siyang may talsik ng dugo. Hinugot niya ang espada sa taong sinaksak niya at bumagsak iyon sa lupa. Lumapit siya sa akin na syang ikinaatras ko, tinapatan niya ako ng kanyang espada.
"Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo, kung hindi papatayin kita."
Ano ba ang ibig nyang sabihin? Ang akala ko magkaibigan kami? Bakit ngayo'y gusto nya rin akong patayin!
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...