P3: ANG AKING MGA KAPANGKAT

6 3 0
                                    

RUWU POINT OF VIEW

Nasa ilog ako ngayon at naghihilamos.

Ang malamig na tubig ay nagpapresko sa aking mukha. Napatingala ako, nakita ko si Kuya Gok na nakatayo ngayon sa aking harapan.

"Bakit!" sinigawan ko siya.

Tapos aasarin nanaman ako!

Umupo siya't kinuha ang maliit na kahoy na nasa ibabaw ng uneporme ko.

"Bakit ba laging kang galit? Hmm, kung ganun magkapangkat tayo?" nakangiti pa siya. "Wag mo nga akong titigan ng ganyan, kinikilabutan ako." Pinukpok niya ako sa ulo.

Sinaman ko siya ng tingin.


Nakakainis bakit ba lagi nalang kaming magkasama ng lalaking ito!

Inagaw ko iyon sa kanya at lumipat sa malayo.

Kaya nga nag-iisa ako rito ayaw ko ng istorbo nakakainis!

"Wag mo na akong sundan ha! Kundi babatuhin talaga kita Kuya Gok!" Sigaw ko sa kanya.

Inalagay ko ang gamit ko sa ibabaw ng bato at tumalon sa tubig.

Kung sana'y nakuha ko ang asul na bandila ay mahihiling ko ang nais kong hilingin.

End of RUWU's Point of View






PALASYO NG KAN.

"Prinsesa Dowori..." tawag ng tagapaglingkod nito.

Napalingon siya at pilit na ngumiti. Matamlay nanaman ang mga mata niya.

"Kamahalan, ayos lamang kayo?" Pag-aalala ng kanyang tagapaglingkod.

"Gusto kong hanapin ang Prinsesa."

"Po?!" nagulat ito. "K-kamahalan..."

"Ayokong laging nakikitang umiiyak sya, ayokong habambuhay nalang malungkot ang mahal na reyna. Hindi ko ito naisip noon sapagkat masyado pa akong bata..."

"Prinsesa... walang kasiguraduhan na buhay pa siya, at ang isa pa'y kung nagkataon na makita na siya ay mahahati ang atensyong binibigay ng mahal na reyna sa inyo---" natigilan ito. "Pasensya na po."

"Wag mong sabihin ang bagay na iyan, sapagkat ang binibigay niyang pagmamahal sa akin ay hindi dapat ako nakakaramdam kundi ang tunay niyang anak, kaya kahit anong mangyari hahanapin ko sya, kapalit narin ng ibinigay niyang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa tunay kong ina."

"Kamahalan, wag na kayong mag-alala pa, sapagkat sigurado naman pong makakatulong sila." Tinutukoy nito ang mga mag-aaaral na isa-isa ng naglalakad papasok sa palasyo.

Ngumiti siya at lumakad. "Ganoon ba? Sana nga ay katulad ni Horoshi ay maging kaibigan ko sila."

"Hmm, kaibigan lang ba talaga? tila kakaiba ang aking pakiramdam, kapag si Heneral Horoshi ang inyong nababanggit, tila kayo ay nabubuhayan." Nakangiti nitong sambit na lalong nagpangiti sa kanyang mga labi. Ang kanyang tagapaglingkod ay isa sa kanyang kaibigan nung siya ay nasa templo pa, ito ay si Ashka na mula pagkabata sila'y magkasama na.



SA KABILANG BANDA naglalakad siya ngayon papunta sa dulo ng palasyo ang lugar kung saan para sa mga mag-aaral. Katangi-tangi at talagang bumagay sa kanya ang unepurme na kanyang suot-suot.

Nasaan na kaya si Kuya gok?

Isang himala na wala ito sa kanyang tabi. Nakatayo siya sa harapan ng pintuan ng silid kung saan para sa bawat mag-aaral na kanyang kapangkat. Napatingin naman siya ng may tumabi sa kanya, nagkatinginan silang pareho at nag-unahan pa sa pagpasok, ito lamang naman ang lalaking si Saysen.

Tumikhim pa ito bago magsalita. "Pasensya na!" sigaw nito habang nakaiwas sa kanya ng tingin.

Napatingin siya. Sakin ba sya humihingi ng pasensya?

"Magpapakumbaba na ako, gayong... kapangkat pala kita. Ruwu." Nakangiti nitong sabi at hinarap siya.

Tila talagang humihingi siya ng pasensya.

"Pasensya na kung nilagyan kita ng putik sa mukha at binato ng bato kanina..." mga salitang lumabas nalang sa kanyang bibig.

"Ano?!" nagulat pa siya ng malamang si Ruwu ang bumato sa kanya.

Lumakad na si Ruwu at umupo sa dulo ng higaan. Ang araw na ito ay para maipangkat at makilala ang isa't isa. Bukas pa lamang ang pagsisimula ng klase gayong hinihintay parin ang ilang mga Maestro.

"Kumusta kayo!" bungad ni Owen at kasunod si Riyu.

"Uyy! Magkapangkat pala tayo?" tuwang tuwang sabi ni Roku.

"Grabe ang sakit ng likod ko..." daing ni Owen at umupo. Natawa lang ang mga ito sa kanya. "Ikaw ba naman ang itulak, tumama tuloy ako sa punong kahoy."

Ito lang naman ang narinig ni Ruwu mula sa mga ito, napabuntog hininga na lamang siya habang nakahiga sa sulok. Hanggang sa may lumapit sa kanya't humiga ang taong ito.

Napaharap siya sa likuran at gayun nalang ang gulat at pagbalikwas niya sa pagkakahiga. "Ikaw! ikaw yung lalaking tumulak sakin sa putikan kanina!" sigaw niya kaya napatingin ang lahat sa kanya.

"T-tinulak?" nabigla pa ito. "Hindi naman kita---" hindi naman talaga niya ito tinulak, nang maagaw niya ang bandila ay nahulog ito pababa.

"Hm!" Galit siyang umiwas dito.

"Pasensya na..."

Napatingin siyang muli at pinanliitan ito ng mata. "Talaga lang ha!"

"Pasensya ka na kung... itinulak kita." Tumayo ito at lumipat sa katapat na tulugan.

Umupo si Ruwu ng maayos at nakipagtitigan lang dito. Umiwas ito sa kanya ng tingin dahil sa matalim niya itong tinitingnan. Hindi pa nito suot-suot ang unepurme at nakasuot ng pangkaraniwang kasuotang pang-mamamayan.

Sa tingin ko seryoso naman siya... ano 'yong pula sa damit niya? Nasugatan ba sya kanina sa dibdib?  Ito ngayon ang naiisip ni Ruwu.

Natigilan nalang siya ng inayos nito ang damit at tinakluban 'yon.

POLEMISTÍS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon