P8: IMPOSIBLE

4 3 0
                                    

ISINASAMPAY ni Saysen ang mga damit at napapunas sa noo. Napabuga ng hangin at padabog na itinapon sa lagayan ang damit na hawak-hawak kaya napatingin sila Gok, at Roku.

"Hindi ako dapat ang gumagawa nito eh! Si Owen naman kasi--- nasaan na ba sila ni Ruwu! Asar!"

"Ako na ang magtutuloy nyan." Ragib.






HUMIHIKAB si Owen na naglalakad pabalik sa sampayan sa parangan. Nang matigilan ng marinig ang sumbong ng isang lalaki. Agad na tumakbo ang tagabantay at sakto namang naglalakad si Maestro Osoni at agad nitong sinabi ang sumbong ng lalaki. Hindi na siya naki-usyoso at lumakad na pabalik.

"Bumalik ka pa." Saysen.

"Pasensya na inutusan pa kasi ako ni Maestro Caleb na dalhin yung Libro sa kanyang silid." Umiinat at humiga sa damuhan. "Ay oo nga pala" napabalikwas. "Bumalik na ba si Ruwu? Narinig ko kasi kanina sabi ng tagabantay kay Maestro Osoni, na may mga grupo ng Istudyanteng nag-aaway sa harap ng tindahan ni Ginoong Foloro... Hindi naman si Ruwu 'yon diba?"

"Ano?!” Lumapit sa kanay si Gok. “Hindi mo ba alam na si Ruwu ay tipo ng taong padalos-dalos at lapitan ng away?!" At nagmamadaling tumakbo.






Tindahan Ni Ginoong Foloro

Maraming tao ang natiglan.

"Ipapakita ko sa inyo, kung sino nga ba talaga ang Talunan!" sinugod niya si Gangdu at sinipa sa mukha. "Ang kapal ng mukha mong sapakin ako!"


Bumagsak ito sa lupa at napahawak sa pisngi sa gulat.

Sinugod siya ni Kohan at Haloy na pareho ding tumilapon sa lupa.

Napahawak siya sa ilong ng maramdamang may tumutulo at Oo dumudugo ang ilong niya.

"Ahh!" inilagan niya ang kahoy na hawak ni Edise at umatras.

Aksidente niyang naatrasan ang isang babae na isa sa namimili kanina ng pang desenyo sa buhok. Muling hahampisin siya ni Edise ng kahoy kaya agad niyang hinila ang dalaga.




GULAT NA GULAT siya ng makita ang kagwapuhan nito, kahit pa dumudugo na ang ilong nito.

Napahawak siya sa labi niya upang pigilan ang pag-ngiti dahil nararamdaman niya ang mga kamay ng binata na nakahawak sa kanyang baywang.

Hindi ka ba nasaktan binibini?  Mga katagang pumapasok sa kanyang imahinasyon.

"Naku..." nasambot niya si Ruwu ng bumagsak ang ulo nito sa kanyang mga balikat, nawalan ito ng malay dahil sa malakas na paghampas ng kahoy sa ulo nito.

Nakatayo lang si Edise sa harapan nila at nabigla rin sa nagawa, nang biglang may sumipa dito at tumilapon sa lupa.


"Oh! Oh! Tama na iyan Gokuto! Maghunus-dili ka nga!" Saway ni Maestro Osoni kay Gok na ayaw magpaawat. Magantihan lang si Edise.

Dumating si Ragib, kasama ang mga kawal. "Ruwu." Gulat na gulat siya at lumapit kay Ruwu.

"Tulungan mo ang ginoo..." Pag-aalala  ng dalaga.

Agad niyang ibinaba ito sa kanyang likuran.

"Mamamatay na ba ako..."

Narinig niya ang pagbulong nito. "Ano?! Hindi ka mamamatay."

"Ama..."

Medyo malayo kung lalakarin ang palasyo kaya dinala niya ito sa malapit na pagamutan. Ang Batang Doktor na kanyang unang naging kaibigan sa Bayan ng Kan. Inilapag niya ito sa higaan.

"Ano ang nangyari?" bungad agad nito at lumapit upang tignan si Ruwu.

Agad nitong nilunasan ang mga sugat nito sa ulo, ang gasgas nito sa noo... napakuyom nalang si Ragib sa galit.

Bakit kailangang gawin nila ito sa kanyang? Magbabayad sila.

"Hindi naman ganoon karaming dugo ang nawala sa kanya, kaya wag ka ng mag-alala ng sobya riyan, mag-aaral pala siya? Magkasama kayo?"

Tumango siya.

"Wala ba siyang sugat sa katawan? Sandali nga... ako na ang titingin" at inalis ang tali ng damit ni Ruwu.

Aalis na sana si Ragib upang ipaghiganti ang kaibigan nang magsalita ang kaibigang Doktor. Nagkatinginan pa sila.

"Bakit?!" lumapit siya at gayon nalang ang gulat rin niya.


May telang mahigpit na nakalagay sa dibdib nito katulad ng ginagamit ng kababaehan para sa kanilang dibdib.


Pilit lumunok at ngumiti. "Posible namang nagsusuot ang isang lalaki ng---ng nilalagay sa... sa dibdib ng mga babae. Diba?" Nagkakautal-utal niyang sabi at pareho silang naguluhan ni Ragib.

"Itali mo na nga ang kanyang damit!" sigaw niya na ikanagulat ng kaibigang Doctor.

"Oo" nasisibot naman nitong tinali ang tali ng damit ni Ruwu at muling tumingin kay Ragib.

Sandali ang katahimikan.

"Sigurado akong isa siyang babae..." napatulala at saglit na tumahimik muli. Natawa. "Namumutla ka yata?" pang-aasar niya kay Ragib.

Sinaman ng tingin. "B-baka... nasugatan lang siya sa aming pagsasanay, kaya gumagamit siya ng ganyan."

Saan naman? Imposible namang nasugatan ito sa pagsasanay.

Natigilan ng may lalaking pumasok at hinihingal pa.

"Ano ayos na ba siya?!" bungad ni Gok at lumapit.

"Oo" matipid na sagot ni Ragib.

"Kung ganoo'y kailangan na niyang mailipat sa palasyo. Kaya tayo na..." Bubuhatin na sana niya ito ng natigilan ng pigilan siya ni Ragib. "Bakit?" Tanong niya.

"Ako nalang." Ibinaba niya sa kanyang balikat si Ruwu at lumabas na.

"Magkakasama ba kayo?" Doktor

Tumingin. "Oo. Salamat." Ngumiti pa bago umalis.

Napabuga ng hangin at lumapit sa pinto. "Paano nakapasok bilang hinaharap na mandirigma ang isang 'yon, gayong babae siya? Babae nga ba talaga siya? Haytss. Makapag-asikaso na nga, dapat bukas madala na ang mga gamit ko sa palasyo." At bumalik papasok.

POLEMISTÍS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon