"Nakita nyo ba si Ruwu?" tanong ni Gok.
Napalinga sa paligid. "Kanina lang ay nakatayo siya riyan at parang malalim ang iniisip? Ilang beses ko nga siyang tinawag di naman sumasagot" ani ni Roku na patuloy sa pagbabanlaw ng damit.
"Anak talaga ng!" napabuntong hininga at napahawak sa baywang. "Umalis siya?! Ni hindi pa nga tapos ang ating labada!" reklamo nito.
"Tumigil ka nga dyan! Matatapos na lamang wala ka pang naiitulong!" Owen.
Napatingin nalang si Riyu. Humingi naman na siya ng pasensya ah? Bakit tila nagdaramdam parin si Ruwu?
SA KABILANG BANDA, isang estranghera ang tumatakbo sa kakahuyan. Hinihingal na siya at halos madapa.
Habang isang estudyante ang inasinta ang palaso at pinakawalan.
Natigilan ang estranghera at napatingin sa bumaong palaso sa punong kahoy. Gulat na gulat siya dahil muntik na siyang matamaan, napatingin siya sa pinanggalingan ng palaso. Kitang kita niya ang pagkagulat din ni Ruwu, agad siyang lumapit kay Ruwu.
"Sira ka ba! Muntik mo na akong matamaan!" sigaw niya kay Ruwu.
Binaba ang pana. "Hindi ko kasalanang bigla kang sumusulpot sa kung saan-saan..." Nakipagtitigan at natigilan. Bakit parang may kakaiba, nagkita na ba kami nito noon?
"Kahit na muntik mo na akong mapatay!"
Natauhan. "Pasensya na..."
"Sandali, isa kang mag-aaral. Bakit nasa labas ka ng palasyo ha?"
Hinihintay nito ang sagot niya, ngunit di niya ito sinagot. "Di bale na lamang, samahan mo nalang ako pabalik ng palasyo..." utos nito sa kanya
Napakunot noo. "Hindi mo ba nakikita? Nagsasanay ako." Taas kilay pa niyang sabi at lumakad.
"Wala akong kasama at--- Ang utos ko'y iyong sundin! Hindi mo ba ako naririnig?!" Utos nito sa kanya at sumunod sa kanyang paglalakad.
Tumigil siya at nilingon ito. Napakagat siya sa ibabang bahagi ng kanyang labi at napabuga ng hangin.
"Aba, wag mo nga akong sigawan! Akala mo kung sino ka ah! Sino ka ba para sigawan ako, Ha?!" natigilan si Ruwu ng makita niya ang pag-hikbi nito at pagtulo ng mga luha nito. "Ahh..." natigilan siya at nakaramdam ng konsensya, nagpaiyak siya ng isang Babae.
Tumingin ito sa kanya.
"Pasensya ka na." Sabi pa niya.
Natigilan si Ruwu dahil may isang misteryosong tao ang nagpakawala ng palaso kaya agad niyang hinila ang dalaga at pareho silang bumagsak sa lupa. Kitang kita niya ang pagkagulat nito at takot na takot siyang hinawakan sa damit. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.
"H'wag mo akong ibibigay sa kanila!"
"Ha?!" naguguluhan siya't tumayo.
Nagtatago ang dalaga sa likuran niya ng matanaw ang mga ito na papalapit. "S-sino ba ang mga 'yon?!"
"Ayun sila!" sigaw ng isa. Nagsipagtakbuhan naman ang mga kasama nito upang sila'y puntahan.
Kaya agad niyang hinila ang dalaga at tumakbo kahit naguguluhan parin sa mga nangyayari! Hanggang sa nabitawan niya ang dalaga ng bumagsak ito sa lupa, nang nadaplisan ito sa tagiliran.
"Hindi!" Sigaw niya at agad niyang inasinta ang palaso at pinakawalan sa taong gumawa nito sa dalaga.
Nakita pa niya ang pagbagsak din ng lalaki sa lupa, kaya ganun na lamang ang panginginig ng kanyang mga kamay sa pagkabigla at nabitawan ang hawak-hawak na pana.
Anong nagawa ko?
Hanggang sa pinalibutan sila ng mga ito habang nakatutok ang mga espada ng mga ito sa kanilang dalawa.
"Anong bang atraso ko sa inyo ha!" sigaw niya.
"Sino ka ba? Ibigay mo siya sa amin." Sabi ng Lalaki.
Napatingin siya sa dalaga na umiiling at umiiyak. Nagmamakaawa ito na huwag siyang ibibigay sa mga ito.
Ano ba ang atraso ng isang ito sa kanila?
"Kunin nyo sya." utos ng lalaki sa mga kasama.
Sa huli ay nabitawan ni Ruwu ito at bumagsak siya sa lupa. Hinayaan siya ng isang lalaki ng espada ngunit ito ang bumagsak sa lupa. Nakita niya ang isang estranghero na lumabas sa kung saan at may hawak ng pana. Napanganga siya sa husay nitong humawak ng espada at pinatumba ang lahat ng masasamang taong ito. Napalingon naman siya sa dalaga ng bumagsak ito sa lupa, kaya agad siya tumakbo rito papalapit.
"A-ano bang nangyayari sayo?!" tila hindi ito makahinga.
"Prinsesa!"
Napatingin siya sa estranghero na tumulong sa kanila. Binaba nito ang dalaga sa kanyay likuran saka nagmamadaling tumakbo papalayo.
Prinsesa? Saan? Tanong ni Ruwu sa kanyang isipan.
Natigilan nalang siya ng bumabangon ang isa sa masasamang taong gustong pumatay sa kanila.
"S-sandali lamang! Hintay ninyo ako!" tumakbo siya't sumunod sa estranghero. "Hoy! Tama ba ang aking narinig Prinsesa yan?" tanong niya habang nakasunod dito sa pagtakbo.
Umaasa siyang sasagutin nito ang kanyang mga tanong ngunit 'di na maipinta ang mukha nito.
Tumigil sila sa mga kabayong nakatali, kabayo ito ng mga masasamang taong iyon. Tinulungan ni Ruwu na maisakay ang Prinsesa.
Natigilan si Ruwu ng sasakay din sana. "Sandali lamang! Iiwanan ninyo ako?!"
"Kaya mo na ang sarili mo, sumakay ka sa isang kabayo. Yah!"
Magsasalita pa sana siya ng pinatakbo na nito ang kabayong sinasakyan. "Asar naman oh! Ano namanggagawin ko? Ni hindi pa nga ako nakakasakay sa kabayo, ang magpatakbo pa kaya?" Inis na inis siya at napatingin sa mga kabayo.
Naawa siya sa mga ito kaya pinag-aalisang mga tali nito bago paalisin sa mga puwesto nito.Naiwan nalang siyang nag-iisa nang magsipag-takbuhan na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...