KINABUKASAN
“Ruwu bakit nawala kakagabi ha! ” Pangungulit ni Owen.
“May ginawa kayo kagabi 'no!” Dagdag naman ni Roku
Napalingon si Ruwu sa mga ito. “Ano ba tigilan nga ninyo ako!” inis niyang sigaw sa mga ito, at natigilan ng sumulpot si Ragib at sumabay sa paglalakad nila.
“Pati si Ragib nawala din kagabi siguro may kasama kang babae 'no?” Sabi ni Gok na ikinunot ng noo ni Ragib.
Oo may kasama nga siyang babae. Si Ruwu
Nagpapaypay namang lumapit si Saysen at ngumiti. “Alam lang naman kung sino ang kagabi pa hindi mapakali.” at bumuntong hininga.
Napatingin naman si Gok at natawa. “Wala naman siguro akong pinagsasabing kahangalan kagabi, tama?” natigilan naman sa paglalakad ng marinig ang tawa ng mga kaibigan. Naiwan siya sa paglalakad sa kahihiyan.
LUMAKAD si Ruwu sa gilid at tinanaw ang mga bisita na pumapasok sa loob ng kaharian. May mga bagay na dala ang mga ito, at mukhang ihahandong sa Kamahalan?
“Kumusta Lady Hena.”
RUWU point of view
“Kumusta Lady Hena.”
Napatingin ako ng may magsalita.
Isa siyang bisita, mula siguro siya sa malayong lugar.
Natigilan ako ng may lumabas sa silid na iyon.
Ang Heneral na nag-utos na paslangin ang akin Ama! Pinapasok niya ang mga ito sa loob at isinarado iyon.
Tumakbo ako't pumasok ng palihim, maraming silid.
Saan ko naman sila makikita?
Natigilan ako ng may marinig, lumapit ako roon at sumilip ng kaunti.
Tila ang silid na ito'y kanilang lugar, kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi maganda ang mga ginagawa nila sa lugar na ito. Natigilan naman ako sa sinabi ng isa sa loob.
“Ang Batang iyon ba ang iyong tinutukoy?” sabi nung babaeng tinawag nilang Hena.
Tumawa siya at tumigil.
“Nakapasok na siya sa Palasyo.” tila nandilim ang mukha nito at kakaibang awra, nakakatakot. “Pinapahanga niya talaga ako... Tila alam na niya, ang ating mga pinaplano. Talagang siya'y isang Maestro katulad ng kanyang ama.”
“Bata? Maestro? Sino?!” bulong ko sa sarili ko. Bakit kaya di nila pinag-uusapan ang aking ama!
“Ano ang ginagawa mo?”
Natigilan ako't napatingin. Isang lalaki, ang taong ito'y tagabantay.
“Labas, nagpupulong sila at hindi dapat nakikinig sa kanilang pinag-uusapan” Sabi niya sa akin.
Tumango ako at aalis na sana. Humarap muli ako.
“Bakit kahina-hinala ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam ang iyong sinasabi” hinawakan niya ako sa braso. “Umalis ka na.” hinila niya ako palabas.
“Sandali!” sigaw ko sa kanya at binawi ang braso ko.
Tiningnan ko pa siya.
“Ang Heneral ba, nagpunta siya sa isang malayong nayon, ilang buwan ang nakakalipas? Ano ang kanyang dahilan?” Mausisa kong tanong.
Nagsalubong ang kilay niya. “Ano ang ibig mong sabihin?” Tiningan muna niya ako. “Hindi ko alam.” sabi pa niya bago isarado ang pinto.
Napabuga ako ng hangin
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...