NADULAS siya sa pagkakatoon sa puno, nagmadali naman siyang tumayo at nagtagong muli.
Palihim niyang pinapanood ito habang nasa malayo. Nagsasanay ito kasama ng iba. Napahakbang siya at nagtago sa likod ng puno. Labis ang nararamdaman niyang saya sa kanyang puso. Lalo siyang napamangha ng matalo nito ang mga kapwa nagsasanay. Ang panoorin ito mula sa malayo ay sapat na para sa kanya.
Tila nagnining-ning ang paligid nito na tila may mga anghel na masayang lumilipad. Nanlaki ang mata niya ng lumingon ito sa kanyang kinatatayuan kaya agad siyang nagtago.
"Nakita niya ba ako? Naging maingat naman ako para mahuli..." tanong niya sa sarili at sumilip muli.
Nasaan na siya? Bakit siya nawala?
"Ano ang ginagawa ninyo riyan mahal na Prinsesa?"
Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig muli ang napakaganda nitong boses. Hindi niya ito nilingon, ni hindi siya makapagsalita. Tila napako na siya sa kanyang kinatatayuan.
Mahal? Mahal...
"Kamahalan..." muli nitong tawag. "Ang alam ko'y dapat nasa inyong silid ka at nagpapahinga, sige ka, baka lumala ang sugat ninyo." Natawa.
Napahawak siya sa kanyang bibig ng marinig niya mahinang pagtawa nito.
Gusto niya itong yakapin! Sa sobrang saya. Nilingon niya ito at hinarap.
Yumuko ito sa kanyang harapan.
Halos pigilan niya ang kanyang paghinga ng malapitan niyang masilayan muli ang mukha nito.
"Prinsesa?" pag-aalala nito
"Hindi!" natigilan. "Ang ibig kong sabihin... Sa-salamat! Dahil dumating ka kahapon upang ako'y sagipin." Napakama-bini nitong sambit.
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ko nanaising masaktan kayo ng kahit sino."
Napangiti siya sa mga sinabi nito. Talaga? Totoo ba 'yan?
"Iyon rin ang ipinangako namin na aming tungkulin." Dagdag nito.
Nawala ang ngiti niya sa kanyang labi.
Iyon nga lang bang talaga?
"Nais kong malaman... ano ang naging buhay mo sa bansang iyong tahanan?" gusto niyang malaman. "Na...nag-asawa ka na ba?"
Natawa. "Kung ako'y inyong tatanungin. Labis akong kinagalitan ng aking ina sa labis na pag-aalala." Mahinahong kwento nito. "Sapagkat nang umalis ako kasama ng mga mangangalakal... ay hindi ako nagpaalam sa kaniya noon."
"At ika'y... bumalik." Dagdag niyang sabi habang nakatulala dito natigilan naman siya bakit niya iyon nasabi?!
Natawa. "Sapagkat..." Sandaling natigilan. "Nangako lamang po ako."
"Ha?"
Kanino naman? Nais kong malaman.
Naguguluhan siya.
Marahil bumalik nga ito dahil may ibang babae na itong napupusuan at tinatangi. "Aalis na ako." Bulong niya.
"Nais n'yo bang samahan ko kayo pabalik?"
Umiling siya. Tila pagtatampo ang naramdaman niya.
Yumuko ito sa kanya.
Nagmadali nalang siyang umalis na malungkot. Nang makalayo siya. Dahil sa kanyang pagmamadali ay nagkabunguan sila ng kung sino.
Nagkatinginan sila.
"Ikaw 'yong..." Ruwu
Nanlaki ang mata niya.
Yumuko ito sa kanyang harapan at muling hinarap siya. "Magaling ka na agad?" tanong nito na ni walang paggalang.
Naalala niya. Sinagip nga rin pala siya ng isang walang galang na binata. Ang unang lalaking nagpaiyak sa kanya. Nanaisin sana niyang magsuplada ngunit ng makita niya ang telang naka benda sa ulo nito ay nakaramdam siya ng awa.
Hindi dapat kailangang masaktan pa ito ng ganito, dahil sa kanya nadamay pa ito...
"Hoy."
Kinunutan niya ito ng noo. "Bakit ganyan ka ba makipagusap sa akin?"
"Pasensya na, nasanay lang ako, wala kasing prinsesa sa aking pinagmulan." Napangiti't napakamot sa ulo.
Napatingin. "Ha? Kung ganoo'y isa kang dayuhan."
"Ahh, sa malayong nayon sa kanluran ang aking pinagmulan."
"Ganoon ba?" natigilan siya. Naalala niyang sa kanluran nagpunta ang isa Maestro, iyon ang sabi ng Matandang monghe. "Kanluran? Kung ganoo'y nakikilala mo ba ang Maestrong nag-ngangalang Horom?"
"Hm? Maestro ba kamo?" Hindi nabanggit sa akin ni Ama ang bagay na iyon ah, "Siya ang aking... ama."
"Talaga?! Kung ganoo'y kasama mo siya? Nasaan siya? Maaari mo ba akong samahan sa kanya?"
"Wala na po ang aking ama." Malungkot niyang wika rito.
"Ha?" halos bumagsak ang balikat niya sa narinig.
"Matagal na rin, mahigit isa't kalahating buwan na ang nakalipas... ng ako'y kanyang iwan" dagdag nito at pilit ngumiti
Nalungkot siya sa balita at natigilan. Nakikita niya na napakasakit nun kay Ruwu. Nararamdaman niya dahil nawalan rin siya ng ama. Ang kapatid ng yumaong hari.
Napatingin. "Maaari ba akong magtanong? Ang mahal na hari... isa ba s'yang mabait na tao?" Nagkatinginan sila.
"Wala naman akong nakikitang masama o naririnig tungkol kay Lolo. Isa s'yang napakabuti at lagi niyang inuuna ang mga taong nangangailangan at naghihirap sa bayan na ito." Tumingin. "Ah, ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong ama. Minsan na niyang iniligtas ang bayan na ito, kasama ng ibang mga Maestro... nakakalungkot naman na isa sa kanila na ang nawala." Malungkot niyang sambit.
"Ibang mga Maestro?"
Tumango. "Nabasa ko lamang sa aklat ang kanilang magiting na ginawa sa bayan ng Kan."
Pilit ngumiti. "Hindi ko alam na... mula pa noon, isa na s'yang magiting na tagapagtanggol." Naaalala niya ang ginawa ng ama nung araw na sinalakay sila sa nayon. Ipinaglaban sila nito hanggang sa huli nitong hininga.
Ruwu h'wag mong sisihin ang sarili mo, sapagkat hindi mo iyon kasalanan...
napatingin siya sa paligid, tila narinig niya ang isang tinig.
"Ama..."
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...