"ANONG iyong sinabi?!" napatayo ito sa pagkakaupo.
"Patawarin nyo po kami Panginoon, ang Heneral... si Horoshi, siya ang kumalaban sa amin kanina." Hindi nito kayang tingnan ang amo.
"Kung ganoo'y nagbalik na ang dayuhang mula sa Tsina..."
"Ano nga ba ang dahilan ng Prinsesa't nagpunta siya sa Templo sa Timog-Silangan?"
"Ang sabi po ng kanyang lingkod, hinahanap ng prinsesa si Maestro Horom at Maestro Horos..."
Napatingin. "Ano nga ba ang kanyang binabalak? Ang lipunin muli ang mga dakilang Maestro?" natawa. "Tila wala na talagang pinagkakatiwalaan ang matandang Haring yoon at sa prinsesa pa niya iyon iniutos. Nagpapatawa ba siya?" at tumawa.
Ibinaba ng lalaking nasa dulo ng lamesa ang iniinumang baso na may alak. "Ang lipunin nga ba ang mga Maestro o ang hanapin ang batang matagal ng nawala." Napatingin ang mga pulitiko sa kanyang winika.
Siya ang Heneral at halos kanang kamay ng hari. Oo siya ay isa sa mga kumakalaban at kakampi ng mga ito. Ni walang bakas o kasagutan sila sa katangungang Nasaan na nga ba ang anak ng dating yumaong hari?
"Umaayon na ang lahat gaya ng ating plano, ngunit paano kung bigla nalamang bumalik ang batang iyon?"
Napahampas siya sa lamesa. "Hindi ko iyon hahayaan. Ako mismo ang papatay sa kanya!" napakuyom ang Heneral.
SA KABILANG BANDA napahawak siya sa kanyang tuhod at napasinghap.
Kung hindi ako pumunta roon hindi ako mapapagod ng ganito!
Nasa pamilihan na siya, tumayo siya ng maayos at naglakad na. Nang may kung sino ang nagsalita kaya natigilan siya.
"Oh?" napangiti siya. "Kayo yung Manong na nagtitinda malapit sa daungan ng bangka!" napaturo pa dito.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon isang dayuhan ang ngayo'y mag-aaral na ng bayan ng Kan, ang hinaharap na tagapagtanggol ng sanlibutan." Tumawa.
"Husto na po ang inyong papuri, ang totoo'y lagi nga akong napapagalitan ni maestro..." sabay hawak sa isang kamangha-manghang bagay na nakalagay sa lamesa kasama ng ibang mga paninda, na sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang niya nakita. Itinapat niya iyon sa kanyang mata at inalis. Nikikita niya ang mga bagay na malapit kahit na hindi. Napangiti siya at manghang-mangha.
"Magnifying Glass."
"Po? M-magnify...?"
"Mula pa iyan sa ibang bansa."
"Talaga po?!"
"Hindi lang iyan ang kaya niya kundi kaya rin niyang gumawa ng apoy. Akin na at ipapakita ko sa iyo" nang maibigay niya iyon ay umupo sila at itinapat ito sa araw, biglang umusok ang papel at umaapoy!
Napangiti siya.
"Isang daang barya ng ginto ang halaga nito."
Napatayo. "Ano?! Mas mahal pa pala yan sa buhay ko." Reklamo niya.
Tumawa at tinaasan siya ng kilay. "May maiialok ka bang iba?"
"Pag-iipunan ko... mukhang nag-iisa pa naman yan."
Tumawa. "Kung ganoo'y sige. Pili na mga magagandang binibini! " Tangkilik ng negosyante at pumunta sa mga ito.
Mga kababaehang nakatayo at masayang namimili ng mga pang dekolorete sa kanilang buhok.
Kumuha si Ruwu ng isang pang-ipit na may nakaukit na bulaklak. Nagagandahan lang siya rito at naalala ang bulaklak na nakalagay noon sa ulo ng matalik na kaibigan.
"Oh, pumili ka na para sa iyong kasintahan" tumatawa nitong sabi at muling lumapit.
Napatingin at binitawan. "Ah--- wala akong kasintahan, nagkakamali kayo" at natawa.
"Asus, mga kabataan talaga ngayon... sinasabing wala kahit na mayron naman talaga." Sambit nito sabay paypay ng pamaypay.
"Ah, ako'y aalis na po..." pagbabago niya sa usapan at lumakad na.
Ngunit agad siyang natigilan. Ang mga pangkat ng istudyante na ubod ng yayabang at tataas ng tingin sa kanilang sarili. Porke malapit ang mga ito sa mga may matataas na katungkulan sa kaharian.
Nginisian siya. "Aba, tingnan mo nga naman..." Edise (Edi-Se)
"Tapos na ba kayong maglaba? Hayaan mo sa susunod maglalaba ulit kayo" tumatawang sabi ni Holoy at nagtawanan ang mga ito.
Sinaman niya ito ng tingin at aalis na sana ng itulak siya ni Kohan pabalik.
"Ano ba?! Inaano ko ba kayo!" inis niyang sabi.
"Matuto kang gumalang..."
Tiningnan niya si Gangdu ng masama. "Sino ba kayo para utusan ako ha! Kay taas ng titingin ninyo sa sarili n'yo wala naman kayong maipagyayabang---"
Itinulak siya ni Edise. "Ang kapal ng mukha mo! Akala mo kung sino ka ah?"
"Ahh mga ginoo, tama na yan..." pagpipigil sana ni Ginoong Forolo, ang negosyante.
"Tumahimik ka!" sigaw nito na walang galang. "Hwag kang makikialam." At muling tumingin kay Ruwu.
"Dapat sa mga katulad mo tinuturuan ng leksyon." Sinenyasan ni Gangdu sa Haloy at Kohan. Hinila nila si Ruwu at itinayo.
"Bitawan nyo nga ako!" sigaw niya.
Lumapit sa kanya si Gangdu at hinahawakan siya sa buhok.
"Ipapakita ko sa inyong mga talunan na dapat iginagalang ang isang Maharlikang uri." Bulong nito. Sinapak siya nito sa mukha kaya bumagsak siya sa lupa.
Narinig niya ang tawanan ng mga ito.
Ang sabi sa akin ng aking ama, maging mapagpasensya.
Ngunit lumalabis na sila!
Tumayo siya ng tuwid at hinarap ang mga ito.
"Ipapakita ko sa inyo, kung sino nga ba talaga ang talunan!"
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...