Pilit siyang ngumiti upang pagtakpan ang kanyang mga emosyon.
Sa unang pagkakataon, nasupalpal siya ng isang Prinsesa, na katulad lang ni Dowori, at hindi nya iyon matanggap!
Nilingon niya ang Prinsesa habang papalayong naglalakad sa kanila.
Napakuyom siya ng kamay sa emosyon umaapaw na pilit niyang nilalabanan.
Sinisigurado niyang tatapusin niya ito sa mga sinabi nito sa kanya.
"Tila dumadaloy nga sa dugo niya ang dugo ni Haring Sokju." Tumatawang sabi ng Ministro
Napatingin si Lady Hena sa Ministro.
Naiinis siya ng sobra!
Pero nananatili parin ang pekeng ngiti sa kanyang labi, upang pagtakpan ang mga emosyon niya.
"Sisiguraduhin kong isusunod ko na siya." Mariin niyang bulong, habang may matatalas na mga pagtingin.
"Pigilan mo muna ang iyong sarili, Lady Hena." Sabi naman ng isang ministro.
Muli siyang humarap sa unahan at maglalakad na sana,
Nang....
Makita ang isang pamilyar na mukha.
NAGLALAKAD ito at masayang nagpalinga-linga sa paligid. Kasama ang dalawa nitong kaibigan.
"Ano ang ginagawa niya dito?!" Mariin niyang sabi habang kitang-kita ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
Pati ang mga Ministro na nasa kanyang likuran ay napatingin sa tinutukoy niya.
Nanlaki pa ang mga mata ni Lady Hena, nang mag-katinginan sila nito sa malayo. Umiwas rin ito sa kanya ngunit...
Habang sa magtanaw niya sa malayo.
Isang pangitain ang kanyang nakita at pumasok sa kanyang isipan!
May nagliliwanag sa ulo nito, at nakatingin sa kanya!
Naiatras ni Lady Hena ang kanyang mga paa, halos matumba na siya sa kaba at doon nanumbalik ang kasalukuyan.
Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng kanyang puso sa mga tumatakbo sa kanyang isipan
Sinundan pa niya ito ng tingin nang lumakad ito sa ibang direksyon.
Ano ang aking nakita?!
Isang korona?!
Hindi ito maaari!
At hindi ko ito hahayaang mangyari!
SA KABILANG BANDA
SAN POINT OF VIEW
"Napaka-ganda talaga ng Palasyo." masayang sabi nilang dalawa.
Buhat buhat ni Gudu ang aming mga gamit. Total kaya naman niya iyon.
Natigilan kaming tatlo ng makita ang grupo ng tao, nakasuot sila ng magkakaparehong damit.
Sa aming palagay sila ang tinutukoy na mag-aaral ng bayang ito.
Tumutugtog sila ng Instrumento, at talagang nakakatuwa ang kanilang ginagawa, kamangha-mangha!
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.
Nakasalubong pa kami ng mga tagapaglingkod, may dala-dala silang kagamitan at dadalhin siguro kung saan.
Ang lahat ng tao ay maraming ginagawa.
BINABASA MO ANG
POLEMISTÍS
Random"Bakit maestro? Bawal ba akong matuto katulad ng iba? Masugatan o di kaya'y mabugbog katulad nila? Hindi isang basehan ang katauhan o kasarian, iyan rin ang inyong tinuran noon." "Minsan n'yo nang sinabi sa akin, hindi sapat na kabayaran ang buhay...