P2: ANG PAGSUBOK NG MAESTRO

7 3 0
                                    

KINABUKASAN

"Hoy,"  tinapik ni Gok si Ruwu ng paa. "Hoy!"  mas malakas na ang pagtapik niya.

Napabalikwas si Ruwu at nagpalinga-linga. "Ano ba! Bakit ka ba naninipa?!" Reklamo ni Ruwu

"Aba... parang bata, baka mahuli pa tayo sa pagpapalista. Dali na at bumangon ka na!"  Inis na sabi ni Gok bago lumabas ng silid.

Napabalikwas naman si Ruwu at tumakbo palabas.  "Sandali!"

Hindi nanaman siya nanghihintay!  Ang sama talaga! 

Nagmamadali niyang sinundan si Gok.


Tinahak nila ang lugar na pagdarausan ng pagpapalista.  Katulad ng iba, nakatayo silang dalawa at naghihintay sa anunsyo.

Kapansin-pansin din na may mahaharlika ang magpapalista.  Napatingin siya ng masama ng may kung sino ang bumungo sa kanya.

Ni hindi man lang siya nito nilingon at humingi ng pasensya.  Kumuha siya ng maliit na bato at binato niya iyon. 

"Aray!  Sinong nambato?!" 

Mabuti nga.

Inikot niya ang mata at nagpanggap na hindi siya ang gumawa nun. 

Napatingin ang lahat ng may tumayo sa kanilang harapan na may daladalang papel. Tumikhim ito at nagsalita, napatingin silang lahat ng may ituro ito sa itaas ng bundok,  isang pulang bandila.

"Ang pulang bandila na inyong nakikita sa itaas ng bundok ay ang unang pagsubok ng mga maestro,"  ang malakas na boses ng tagapagsalita ay nag-udyok sa kanila. "Sumisimbolo ito sa bilis na inyong kakayahan. Ang unang taong makakakuha ng Pulang Bandila ay makakatanggap ng isang gantimpala mula sa mga maestro at---"  hindi na niya natapos ang kanyang pagsasalita ng magsipag-takbuhan na ang mga tao, na parang mga langgam na nagmamadaling makuha ang matamis na pulot. 
Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo, napailing sa kaguluhan.

"Hayaan mo na sila,"  tumatawang sambit ng isang Maestro. Si Maestro Osoni, natigilan naman siya sa kanyang pagtawa ng makita ang dalawang tao na nakatayo't walang kibo.

"Oh? Bakit hindi pa kayo tumatakbo?  Sayang ang pagkakataon,"  tanong ng tagapagsalita ng maestro.

"Mapuputikan lamang ang aking damit..."  siya ang binatang si Saysen,  isang maharlika,  ang binatang binato niya kanina.

"Hmm,"  natawa ang maestro at tumingin kay Ruwu.  "Ayaw mo rin bang maputikan ang iyong kasuotan?"

Tumingin si Ruwu at ngumiti.  "Hindi po iyon ang aking dahilan gayong lagi naman talagang madumi ang damit ko,"  tumingin siya sa malayo sa kaliwang direksyon paakyat ng bundok. "Para saan naman po ang asul na bandila Maestro?" Tanong niya.

Napangiti ang maestro na nakaupo sa upuan. "Hindi ka ba nangangamba na makuha nila ang pulang bandila?"  tanong niya kay Ruwu na ikinalingon nito.

Ngumiti si Ruwu.  "Sa totoo lamang po ay, gantimpala na ang matanggap ako bilang inyong tagasunod maestro. Lahat sila ay nais makuha iyon. Bilis ang sumisimbolo sa pulang bandila gaya ng inyong sinabi. Ngunit ang totoo'y sinusubukan ninyo lamang naman kami, kung gaano kabilis kapag may gantimpalang matatanggap."

Napamangha ang maestro sa kanyang tinuran,  tila nahulaan niya ang punto ng maestro sa pagsubok na iyon.

"Paano kung ang makuha ko naman ay ang asul na bandila maestro?  Maaari ko bang mahiling ang kahit ano na kaya ninyo?"  nakangiti niyang turan dito.

SA KABILANG BANDA,  halos magbugbugan na sila paakyat ng bundok. Ang isa ay nadapa, nahulog pababa, nadulas at nasubsob sa putikan. Kabilang na ang kasama ni Ruwu, ang tinatawag niyang Kuya Gok. Na tumatawa dahil nakaganti sa tumulak sa kanya, putikan rin siya gaya ng iba at madungis.

Natigilan ito at napatingin ng makita si Ruwu na nakikipag unahan sa isang lalaki at sa ibang direksyon ang punta? Nagtaka siya kaya agad niya itong sinundan.




"Ah!" nadapa si Ruwu ng may tumulak sa kanya.  Inis siyang bumangon at kumuha ng putik,  mabilis niyang hinabol si Saysen at sinalpak sa mukha nito ang putik kaya natigilan iyon sa pagtakbo at napasigaw sa kaartehan. Para siyang baliw na tumatawa dahil nagantihan niya ito, sa wakas malapit na niyang makuha ang bandila. 

Malapit na!

Ito na---

Tila gumuho ang lahat ng may misteryosong kamay na mabilis iyong kinuha, gumuho nga ang inaapakan niya, dahilan para gumulong siya pababa sa putikang matubig.



Agad siyang lumakad pababa at tutulungan sana si Ruwu ngunit sinagawan pa siya nito. Napaatras siya, sa kabilang banda ay kailangan parin niyang makuha ang Asul na bandila at kakumpetensya niya si Ruwu. "Pasensya na..."  bulong niya at hinakbangan lamang ang inis na inis na si Ruwu na nakahiga sa putikan.


Palinga-linga si Gok sa paligid. 

Saan ba sila nagpunta?  Natigilan siya sa paglalakad ng matanaw ang isang lalaki na nagpapagpag at pilit inaalis ang putik sa mukha. Si Saysen.  Nilagpasan lang siya nito at nagdadabog.

Muli niyang hinanap si Ruwu,  hanggang sa matanaw niya ang taong bumabangon at halos naligo na sa putikan.  Si Ruwu ba 'yon?  Hindi siya nagkamali, tinawanan niya ito dahil sa kapalpakan.

Lumapit siya at agad siya nitong sinaman ng tingin at tumayo.

"Sige tawanan mo lamang ako. Argh!  Tigilan mo nga ako!"  inis nitong sigaw.

"Bakit inaano ba kita?"  painosenteng sagot niya.

Inis si Ruwu,  iniwan siya,  kaya sumunod agad siya rito. "Ang sabi kunin ang bandila, hindi ang maglangoy sa putikan."  tumatawang pang-aasar pa nito. 

Hanggang sa makabalik sila pababa ng bundok,  pang-aasar ang narinig niya mula kay Gok.

Ang lahat  ay madungis ngunit siya lang ang tanging naligo sa putikan.  Napabuntong hininga na lamang siya sa inis.

"Barya?" reklamo ng lalaking nakakuha ng Pulang bandila.  "Ah!"  napahawak siya sa kanyang ulo ng kutusan siya ng maestro.  "Maestro naman..."

"Sa kagustuhan niyong makakuha ng gantimpala, hindi nyo manlang pinatapos ang aking tagapag-salita,"  sabi ng Maestro.

Natigilan ang lahat ng ilapag ng maestro ang asul na bandila.  Gayon nalang ang inis ni Ruwu kaya napasipa siya sa lupa,  at gigil na gigil siya.

"Hoy,  napapaano ka ba?"  tanong ni Gok at lumayo ng kaunti dahil baka ang paa niya ang maapakan nito.

Tumayo ng maayos ang maestro at hinarap silang lahat,  pinagmasdan niya ang lahat at lalong nakuha ang atensyon niya ng makita si Ruwu na tila nagagalit sa lupa?  Ang akala pa naman niya ay makukuha nito ang Asul na bandila,  tumikhim siya. 

"Gaya ng inyong nakikita, nag-iisa pa lamang akong na nasa inyong harapan. Sapagkat ang ilang maestro ay naglalakbay pa papunta rito. Ako ang inatasan munang pangasiwaan ang pagsisimula, kaya ngayon kayo ay ipapangkat na."  Senenysan niya ang tagapagsalita niya na ibahagi ang pangkat na kabibilangan ng mga ito.

Ang lahat ay kumuha ng piraso ng kahoy mula sa kahon na may ukit ng kanilang numero at tig-iisang unepurme. Napabuntong hininga na lamang silang dalawa ng maestro dahil kagulo nanaman ang mga ito. 







Tila kailangan na niya ang mga makakasamang maestro sa madaling panahon dahil baka pati siya ay masiraan na ng bait.

POLEMISTÍS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon