P15: KASAMAAN AT ANG PRINSESA

2 2 0
                                    


“Hena.” tawag niya ng makita ito.

Ngumiti at sumenyas na bitawan ang babaylang si Jang. Agad naman siyang sinunod ng mga ito at lumabas sa slid para sila ay makapag-usap.

“Ano ang mga ito? Akala ko ba ay mabuti kang tao!” sigaw ni Jang

Tumayo si Hena at lumapit sa kanya.

“Ngayon alam mo na… hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Alam kong alam mo na nanganak ang dating reyna, na si Reyna Mineya. Ano ang kanyang anak? Lalaki o babae?”

Natawa naman si Jang. “Hindi ko alam ang iyong sinasabi---“

Natigilan si Jang ng hawakan siya nito ng mahigpit sa braso. “Alam kong alam mo, kasama ka ni Horom at Horos ‘diba?” masama siya nitong tiningnan at ngumiti pa.

Napatingin si Jang kay Hena. “Si Horom…” nanlaki ang mga mata niya at bumagsak siya sa sahig at napaiyak.

Nakikita niya, nararamdaman niya ang mga pangyayari!

“Ano ang ginawa mo sa kanya!” sigaw niya kay Hena.

Tumaas ang kilay ni Hena at lumakad ng kaunti para lumayo. “Wala na s’ya. Wala na siya at batang prinsesa na anak ni Haring Hasan at Reyna Merra, na pilit niyang inililigtas.”

“Kung ganoon siya… Siya ang kumuha sa anak ng kasalukuyang reyna? Ang isa pang apo ng Dakilang hari…”

Tumawa. “Sayang, isa pa naman siyang napakagandang dalaga, nababagay upang maging isang reyna. Pero ako parin ang karapat-dapat. Sandali… Pai. Yan ang kanyang pangalan. Talagang pinalaki siya't sinanay ni Horom.” natatawa pa nitong kwento.

Lumakad si Hena at siya’y inikutan.

“Kay sama mo Hena!” napaiyak nalang si Jang.

Tumaas naman ang kilay ni Hena at ngumiti. “Ngayon, sabihin mo sa akin. Nang mamatay ang kapatid ni Haring Hasan, ang unang haring si Sokju. Ilang araw lang ay bumaba sa pwesto ang Reynang si Mineya. Siya ba ay nagdadalang-tao na ng araw na iyon? Upang maprotektahan ang anak nya, lumayo siya at tinalikuran ang pagiging reyna.” Tumatawa pa niyang sabi. “Na isahan niya kami.”

“Kay taas ng iyong pangarap na maging reyna Hena.” Tumayo si Jang at hinarap ito. “Oo! Nagkaroon sila ng anak ng Kamahalan, na si Haring Sokju at sinisigurado kong nalalapit na s’yang maghari sa bayang ito!”

“Maghari? Kung ganoo’y hindi na ako mangangamba pa. Kung hindi man matuloy ang kasal ni Dowori at ni Heneral Marhil.”

Natawa si Jang. “Naririnig mo ba ang sarili mo?”

Napatingin si Hena at masama ang awra.

“Kaylan may hindi ka magiging Reyna. Sapagkat, hindi ikaw ang nakikita kong uupo sa trono.” Mariing sabi ni Jang.

Akmang sasampalin siya ni Hena ngunit nahawakan ni Jang ang kamay ni nito.

“Ang ambisyon mong maging Reyna, ang ikapapahamak mo.” Dagdag pa ni Jang.

Binawi ni Hena ang kamay. “Pumasok kayo!”

Pumasok ang mga tauhan ni Lady Hena.

“Dalhin ninyo siya at ikulong.” mariin niyang utos sa mga ito.

Sinunod naman siya ng mga ito.

“Hena.”

Napatingin si Hena ng tinawag siya ni Jang.

“Hindi pa huli ang lahat upang ika’y magbago.” Sabi pa ni Jang bago siya hilahin ng mga ito palabas.

Napakuyom siya’t napaupo sa Sahig.

POLEMISTÍS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon