P9: PROPESIYA

5 3 0
                                    

KINABUKASAN na nang siya'y magising.

"Kamahalan!" inalalayan siya nitong umupo. "Mabuti at kayo'y nagising na, labis ang pag-aalala ng mahal na reyna sa inyo..." mahinahong wika ng tagapaglingkod ng Reyna.

Napatungo.

"Bakit po? Sabihin ninyo, ano ba pang nararamdaman nyo..." natigilan ng marinig na umiyak ito.

"Hindi ko nais na mag-alala siya."

"Hindi naman po siya galit, kaya tahan na, nagugutom ba kayo? Magpadala kayo ng pagkain para sa Prinsesa, madali."

Tumingin. "Nasaan po siya?"

"Nagpunta siya ngayon sa puntod ng Kamahalan. Mamaya ay babalik na rin po siya, kaya kumain ka na muna hm?" mahinahong sabi nito.

"Oo nga po pala, sino po ang nagdala sa akin?"

Napangiti. "Ang Heneral na nagmula sa Tsina kamahalan. Nagbalik na po siya. Pasalamat na laang po at napadaan siya sa lugar na iyon..."

Napatingin at natigilan. Napakasaya ng kanyang puso!

Patagong napatawa, batid niya na napakasaya ng nito. Ang matyangang paghihinaty nito sa Heneral, hindi man inaamin nito ang nararamdaman ngunit alam niyang tinatangi ito ng Prinsesa. Dumating na ang mga tagapaglingkod na may dalang pagkain at inilapag iyon.

"Kumain na po kayo, ibinilin rin niya sa akin na magpagaling kayo at 'wag matigas ang ulo." Nakangiting sabi nito.

Nakangiti niyang kinuha ang pagkain at masayang kumain.



SA KABILANG BANDA nakaupo siya kasama ng iba at kumakain. Nakabenda parin ang ulo niya ng tela at di maiwasang mapakunot-noo dahil tinitingnan siya ng mga kasama niya.

"Bakit ba?!" naiirita niyang tanong.

Napatikhim ang mga ito at kumain na rin.

"Gutom na gutom ah." Gok.

"Hindi ako kumain kahapon ng maghapon. Kaya pabayaan mo nalang ako..." Namumualang sabi.

"Siguro nakipagtagpo ka kahapon 'no?" pinanliitan siya ng mata ni Owen.

Halos mabulunan siya at napaubo.

Napatingin si Ragib sa mga ito. S'ya talaga ang tipo ng tao na laging tahimik at nag-iisa sa tabi.

"Hindi 'no!" sigaw niyang pagtanggi.

Tumawa ang mga ito.

"Kung ganoo'y bakit nawala ka nalang kahapon ha?" Saysen.

"Ah... ano, ang dahilan..." natigilan ng dumating si Maestro Lunru, tumigil ito sa tapat ng lamesang kinakainan nila. Agad silang napatayo at nagbigay galang dito, senenyasan sila nitong umupo na.

"Ruwu pagkatapos mong kumain ay sumunod ka sa akin, may sasabihin ako." Sabi nito at umalis.

Agad niyang isinubo ang lahat ng pagkain sa pinggan.

"Umupo ka nga Ruwu." Ani ni Saysen na kalapit nito.

"Mamaya nalang." Tumayo siya at sumunod sa Maestro. Ngumunguya siyang naglakad at agad niyang tinawag ng matanaw ang Maestro.

"Maestro!" lumapit. "Ano pong sasabihin ninyo?" interesado siya dahil baka sagutin na nito ang una niyang katanungan tungkol sa ama.

Napatingin pa ang Maestro sa telang naka-pulupot sa ulo niya. Hindi parin niya maiwasang mag-alala rito. Hinarap siya nito at tumikhim. "Nais ko sanang sabihing h'wag ng mauulit ang gulo kahapon... naiintindihan mo ba Ruwu?"

Tila may kulang pa, ano pa ba ang sasabihin nito bukod roon?

Hindi niya inaasahan na ito ang sasabihin ng Maestro. "Naintindihan ko po." Pagpapakumbaba niya at napatingin sa lupa.

Aalis na sana ang Maestro ng tawagin siya ni Ruwu.

"Maestro..." tumingin siya.

Sandali siya nitong nilingon at umalis rin. Sinundan lang niya ito ng tingin. Napabuga nalang siya ng hangin at pabalik na sana nang sa kanyang pagharap ay natanaw ang isang babaeng naglalakad papalapit sa kanya. Tumigil ito sa kanyang harapan at nakatingin sa kanya. Kaya napatingin rin siya rito.

"Ano ang nangyari riyan?" Napakunot-noo ito at nakatingin sa bendang nasa ulo niya.

Napangiti nalang siya at napahawak sa ulo. "W-wala po ito." Umatras siya't nagbigay daan, nagbigay galang siya bago lumakad muli.

Sino ba 'yon? Bakit ganun na lang niya ako titigan. Talaga bang ganoon ako kagandang lalaki? Hayst! Ano ba 'to? Baka mamaya nyan malimutan ko na hindi naman talaga ako lalaki.



BUMILIS ang tibok ng puso niya ng humawak makita ang pwerselas na suot nito. Gusto niyang magsalita ngunit tila may pumipigil sa kanya. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito. Mahigpit siyang napakapit sa damit at halos mapako sa kanyang kinatatayuan. Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad na pabalik.

Anong klase ng enerhiya ang nararamdaman ko sa kanya? Anong napaka-liwanag ang nasa likod niya kanina? Hindi kaya siya ang... Lalo siyang kinabahan.

"Ayos lamang po ba kayo Pinunong babaylan?"

Natauhan siya at nagmadali ng lumakad. Hindi niya inaasahang sa pagbabalik niya sa palasyo ay ito ang pakakasalubong niya.


Nakatayo siya ngayon sa silid-dasalan at naiwang mag-isa.

"Paanong nasa kanya ang pwerselas ng yumaong dating hari?" ang kanyang kaisa-isahang lalaking minahal. Ang pwerselas na iyon ay may rasyon upang iligtas sa kapahamakan ang isang taong may suot nyon at siya mismo ang gumawa noon. Naguguluhan siya. Possible kayang ang binatang lalaking kanyang nakita ay ang... Ang batang laging lumalabas sa kanyang panaginip?

Ang batang maghahari sa 'sang sanlibutan?

Ang talagang tagapagmana ng trono ay nagbalik na sa palasyo! At nararamdaman niyang hindi rin magtatagal ay makikilala na siya. Nalalapit nanaman ang madugong labanan sa paggitan ng bawat kaharian, sa kasamaan at kabutihan.


Napatingala siya sa madilim na kalangitang nakikita niya sa pangitain.

POLEMISTÍS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon