THIRD PERSON'S POVMula sa pinakamalalim at lihim na lugar sa malawak na palasyo ay nagtitipon ang walong tao na ngayon ay pawang nakasuot ng itim na damit .Sa pinakaunahan ay nandoon si Aspasxia katabi ang kanilang grandfather na may bahid ng lungkot ang mukha.
Sa kaliwa ay ang apat na lalaking mga kapatid nito at sa kanan naman ay ang dalawang babae na kapatid din niya.Tumatangis at hindi maitatago ang labis na paghihinagpis sa pagkawala ng isa nilang kapatid .
Namamaga ang maliliit na mga mata nina Tessiea at Adeline habang hindi rin mapigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ng apat lalaki.
Binigyan ni Aspasxia ng pahintulot ang mga ito na mailabas ang dinaramdam at magluksa sa gabing ito para mapanatag ang kanilang kalooban.
Subalit ni isang patak ng luha ay walang makikita sa kaniyang maputlang mukha at berdeng pares ng mga mata.
Nasasaktan man siya sa mga panahon na ito subalit hindi niya magawang maipakita iyon sa mga kasama niya ngayon.Para sa kaniya ay tunay na kapatid niya ang bawat isa sa kanila ,lalo pa't mula pagkabata ay magkakasama na sila maging sa mga pagsasanay.
Lumaki si Aspasxia sa gabay ng kaniyang grandfather.At siya din ang nagbuo ng kanilang pinag isang samahan noon.Tanging kamatayan lamang ang maaaring makabali ng sinumpaan ng pito nitong mga kapatid sa kaniyang harapan.
Mula sa malalim na pag aala-ala sa nakaraan ay bahagyang pinisil ng kaniyang grandfather ang kanang kamay ni Aspasxia.Hudyat na kailangan na nilang simulan ang pagsunog sa walang-buhay na katawan ng kapatid at isagawa ang kanilang tradisyon.
Tumungo siya sa may bandang unahan kung saan nasa may tila-altar ang kaniyang kapatid na si Aleeh nakahiga ng matuwid sa pagsasagawaan ng tradisyong pagsunog sa bangkay ng sinumang kaanak na pumanaw.Pinakatitigan muna niya ng maigi ang payapang mukha nito na hindi kakikitaan ng hinagpis at hirap na dinanas sa kamay ng kaniyang mortal na kaaway.Ang maputla nitong labi ay tila nakurba ng maliit na ngiti at ng mapadako ang kaniyang paningin sa mata nito na alam niyang may kulang ,kinagat niya ng matindi ang kaniyang ibabang labi hanggang sa malasahan nito ang sariling dugo.
Agad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hinagkan ang noo tapos sinunod na hagkan ang magkabila nitong talukap ng mata saka inilapag ang puting "Poppy flower"sa may bandang dibdib nito.Bago niya ibinulong sa may tenga nito ang ilang mga kataga.
"Moge je ziel in wonderbaarlijke vrede reizen met de begeleiding van mijn geliefde familie.In je slaap zul je je vrede vinden;op je reis zul je je thuis vinden.Veilige reizen mijn geliefde zus"Aleeh"
(May your soul travel in wonderful peace with the guidance of my beloved family.In sleep you'll find your peace,in your journey you'll find your home.Safe travels my beloved sister "Aleeh")
Bumaba ito sa ilang baitang na concrete stairs at tsaka sinenyasan ang kapatid na lalaki,si Linus na agad din namang nagtungo kung nasaan ang nakababatang kapatid na babae.
Matapos na makapagpaalam ng nakatatandang kapatid ay sumunod si Zion gayundin ang agad na ginawa ni Phil at Zephyr hanggang sa ang dalawang kapatid na babae na ang sumunod.
Naunang nagpaalam si Adeline sa kapatid at bagaman magkalayong-magkalayo ang ugali ng dalawa ay ni minsan ay hindi nila nagawang magtanim ng galit sa isa't-isa,bagay din na nakapaloob sa kanilang Rules na sinulat pa ni Aspasxia mismo.
Nang pagkakataon na ni Tesseia ay halos mabuwal ang mga binti niya sa paghakbang pa lamang.Nanginginig ang buong katawan at hindi mapigilan ang pagtangis .Inalalayan siya ni Adeline hanggang makalapit sa bangkay ng kapatid.Hindi niya magawang bitiwan ang braso nito dahil baka tuluyan itong bumigay.
YOU ARE READING
"Mi Querencia"
Romance"Amidst the chaos and the unending nightmares you found me" "The tiring chasing of the monster inside me ,you ended beautifully " "The emptiness you filled with love and kindness " "The endless pain you cured with your tender touch " "A place I nev...