AURORA'S POV"Missy you can wear the clothes I put on the side table of the bed I will be talking to my men outside so I will go ahead first"
Sigaw yan ni Aqui sis mula sa labas ng bathroom kung nasaan ako ngayon.
"Alright Aqui sis"
Pagkatapos kasi ng habulan namin sa loob nitong malaking cabin ay pinagpawisan ako ng matindi.Pweee! Di ko naman naalala na commander nga pala ang isang iyon!Panu naman ako mananalo sa habulan dun eh mabilis pa sa baby middy ko!
Naghalf-bath lang ako kasi sabi ni Aspasxia maliligo kami mamayang tanghali doon sa lake.Excited na nga ako at gusto ko nga sana na ngayon na kaso medyo malamig pa daw pag ganitong oras lalo na't malapit ng mag winter kaya mas okay daw kung mamayang tanghali.Pumyag naman ako kaya eto,maglilibot-libot daw muna kami dito sa bundok,hindi ko naman masyadong naenjoy last time kasi mabilis lang kami noon at kinailangan din umuwe agad dahil dun sa ginawa namin sa lake na nagpalutang ng lanterns.
"Are you ready?"
Tanong iyan ng kakapasok lang dito sa room kung nasaan ako ngayon at alam nyo na siguro kung sino yan.
"Yeah...but I prepare to walk this time ,let's not ride your horse is that okay?"
"Sure"
Maikling sagot nya.Tamo tong tao na'to pag asa sweet scene kami ang lakas maka mister romantiko tapos pag casual na usapan kala mo binebenta ang salita napakatipid.
Nakasout lamang ako ng black legging at airy-black jacket sa ilalim ay ang two-piece swimwear ko para mamaya.Di na ako nag inarte pa kasi tatanggalin ko lang din naman at babasain mamaya.Pati size ng bra ko at underwear alam na alam ni Aqui sis ang sukat ,siya ba talaga naghanda ng mga yon o baka ang isang ito?Hmm hindi malayo!
"Tesseia,give Phil a call ,Zeph left a message for me last night,might be important to ignore"
"Yes V"
Maikling sagot ni Aqui sis dito sa kasama ko pagkalabas namin ng cabin.Hawak nito sa kabilang kamay ang isang black na lagayan ng tubig at sa kabila naman ay alam nyo na,yung kamay ko na pakiramdam ko ay namamawis pa ata.
Hindi pa din kasi ako sanay sa kaniya pag ganito sya,alam nyo naman kung gaano nakakatakot ang isang ito.Oo aminado naman ako na lately napapansin ko na nag iiba na ang pakikitungo nya talaga sakin,lalo pa't sinabi niya na nais nyang ipakita sakin ang totoong mundo nya.Pero may time na nangingibabaw padin yung nakakatakot nyang side,kagaya na lang kagabi,isang tingin nya pa lang halos mawalan na ako ng lakas ng magtama ang aming mga paningin .
Pero pag ganito na sya ubod naman ng tamis at kulang na lang humilera ang mga langgam sa aming daraanan.Ang lambot ng mga kamay nya,manipis ang kaniyang palad at may mahahabang mga daliri.Kitang-kita din ang mga berde nitong ugat hanggang sa kaniyang braso.Nag iinit bigla ang pisngi ko sa naiisip ko!Bakit ba naman kasi parang ang sarap pagmasdan ng mga ugat niya sa kamay na iyan!!!
"Are you okay?"
Yan Aurora...ang hilig mo kasi sa berde pati utak mo nagiging berde na.
"Y-eah...medyo nauuhaw lang"
Tumigil naman ito saglit at sandaling binitawan ang kamay ko na namamawis na nga!!
Kakahiya!!
"Here,drink some water"
Tinanggap ko agad iyon ng maiabot nya sakin at uminom ako agad.Pagkasarado nya ng takip noong tubigan ay hahawakan na sana ulit nito ang isang kamay ko ng pigilan ko sya.
YOU ARE READING
"Mi Querencia"
Romance"Amidst the chaos and the unending nightmares you found me" "The tiring chasing of the monster inside me ,you ended beautifully " "The emptiness you filled with love and kindness " "The endless pain you cured with your tender touch " "A place I nev...