Chapter 23 : The Red Box

85 3 0
                                    




**This chapter contains violence and sensitive scenes.Please read for your own risk.**







THIRD PERSON'S POV




"Wake her up doctor!"

Malakas na sigaw ng matangkad na lalaki at may matipunong pangangatawan.Nanginginig pa ang mga kamay ng doctor na babae habang iniinject nito sa walang malay na dalagang nakahiga sa isang puting kama sa loob ng laboratory room na iyon.



Makalipas pa ang ilang minuto ay unti-unting idinilat ng dalaga ang mga mata nito at babangon na sana ng may mga bagay na pumigil sa kaniyang pag galaw mula sa kinahihigaan.Nakaposas sa kama ang kaniyang magkabilang kamay at maging ang kaniyang magkabilang mga paa kaya hindi niya iyon maigalaw.




"Not so fast young lady,masyado ka ng matagal natutulog siguro naman ngayon magsasalita ka na"



Mula sa blurr vision ng dalaga ay agad niyang napagtanto ang sitwasyon niya ngayon.Dalawang linggo na ang lumipas ng maambush sila ng mga armadong kalalakihan.Iyon ang pagkakataon na pabalik na dapat sila sa mansyon matapos makipag usap sa kapatid na si Linus ngunit nangyare ang bagay na hindi niya inaasahan.Tanging dalawa lamang body guard at ang kanang kamay niyang si Arlo ang kasma niya noon ngunit ang gumawa sa kanila nito ay higit na madami ang bilang at pawang may mga armas.


Bihasa man silang lahat sa pakikipaglaban ay mabilis silang macorner dahil na out numbered sila ng kalaban.Wala na siyang matandaan sa kung ano pa ang nangyare pagkatapos silang matalo at matangay sa lugar na ito na hindi pamilyar sa kaniya.


"Anu tutunganga ka na lang ba riyan?Sumagot ka pag kinakausap kita dahil wala akong pasensya sa mga walang silbi.Makining ka ng mabuti dahil pag hindi mo pa ibinigay ang impormasyon kailangan ko ngayon...sisiguraduhin kong uubusin ko kayong magkakapatid hanggang sa mapalitaw ko ang pamangkin ko."




Tama ang impormasyong ibinahagi sa kaniya ng kapatid niya,ang lalaking kaharap niya ngayon ay walang iba kundi ang Uncle ni V na matagal na nilang hinahanap .Noon lamang nakumpirma na siya nga ang nag iisang kamag-anakan ni V na nakaligas sa nangyareng insidente maraming taon na ang nakakalipas,indidenteng naging sanhi ng pagka ulila sa magulang at kakambal ni V.


Bahagya nitong pinakatitigan ang itsura ng lalaki,sa kaniyang tantya ay nasa edad forty-five o higit pa ito.Ang matingkad na kulay asul na mata na ngayon ay masidhing nakatitig sa kaniya ay nag uumapaw ang galit.Sinuri niya ang kabuuan ng lalaki at walang pagdududang ito nga ang tinutukoy ng kaniyang kapatid.



"Luccian Miquerez Alejandro Francisco "


"Hahahaha...Amazing!!!Wow...just wow!!!Akalain mo yun pati buo kong pangalan alam mo?Mukhang magkakasundo tayo...gusto ko ang matatalinong nilalang pero galit ako sa bobo!!"


Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon at agad na may tinawagan.Hindi niya inalis ang maigting na pagtingin kay Callie na ganun din ang ginagawa sa kaniya.Tila kapwa nila inoobserbahan ang bawat kilos at sinusuri ang bawat pagkatao sa kanilang pagtitig.


"Boss"

Boses iyan sa labas ng pintuan ng laboratory room kung nasaan ang tatlong tao ngayon.Bago iyan ay tatlong magkakasunod muna na katok ang nadinig mula sa pinto.


"Get inside."


Hindi maibangon ni Callie ang kaniyang katawan ngunit ang lakas ng tibok ng puso niya ay mas nadagdagan ng tumama ang tingin niya sa dalawang lalaking may buhat ng isa pang lalaki na kilalang kilala niya mula pagkabata.




"Mi Querencia"Where stories live. Discover now