THIRD PERSON'S POVHabang nakatayo sa may malawak na salaman at sinusuri ang sarili napangisi siya at marahang hinaplos ang jawline nito.Tila nagugustuhan niya ang pagbabagong naidulot ng teknolohiya sa pangunguna ng mga natatangi at matatalinong tao.
Akala niya'y buong buhay niya na lamang siya magtatago sa dilim ng nakaraan niya at dadalhin ang mukhang may bakas ng pighati at malabis na pagdurusa.Kinapa niya ang parting dibdib ,maging ang malaking marka ay tila naglaho,mababakas na lamang ang mga naglalakihang mga tattoo na pinasadya pa niya ang desenyo.
Mahirap man ang kanyang pinagdaan sa mga nakalipas na taon,subalit ang kayamanang natatamasa niya ngayon ay malabis na ligaya ang naiidulot sa kanya.Hindi niya kailangang magbanat ng buto para magkaroon ng maraming salapi at makuha ang anumang gustuhin nito.Madaming tao ang gumagawa ng mga trabaho kapalit ang kakaunting pabuya samantalang siya ang tumatamasa ng bunga ng pawis ng iba.
Dahil sa angking talino na likas na sa kanya mula pagkabata,madali niyang namamanipula ang mga tao sa paligid nito.Tila nahihipnotismo pa ang iba at kulang na lamang ay sambahin ito.Ganyan maihahambing ang pigura at mukha nito sa kasalukuyan kung kaya naman hindi kataka-taka na madami na itong naloko noon pa lamang.
Taglay man niya ang mga bagay na hindi nakukuha ng iba,ang umaapaw na kayamanang pang tao at ang kapangyarihan na panimula at ugat ng kasamaan ng iba.Subalit para sa kanya ay mayroon paring kulang,at hindi siya matatahimik maging ang kaluluwa nito kung mayroon man siya nito dahil sa ubod ng kasamaan ,hanggat hindi niya natatapos ang matagal na nitong nais na gawin.Ang pinakaaasam nito na durugin na tao gamit mismo ang mga kamay nito.
"SOON YOU WILL BE THE ONE WHO KNEEL BEFORE ME!"
AURORA'S POV
Isang linggo,halos isang linggo na mula ng umalis sina Aqui sis at Aspasxi subalit hanggang ngayon ay wala pa rin ang bakas na uuwi na sila rito.Ngayon nga ay araw na ng Linggo at pasado alas nuebe na ng gabi.Matapos ang kahihiyan na dinanas ko sa mga nakaraang araw halos sabihin ko na lamang sa lupa na kainin nalang lamang ako nito.
"Strawberry hindi ba ito ang paborito mong pagkain Aspa——"
" CUUUUUUUUUUUTTTTTTT!"
Matinding pagsigaw ni direk sa amin.
"Grapes iyon Miss Sebas,at anong pangalan ang nais mong bigkasin Miss?
"Nako pasensya na po direk ,nahalo lang po siguro sa pag rereview ko kagabi about po sa mga juice at smothies iyon."
"Alright I won't scold you anymore kasi alam kong magaling ka at hindi ka madalas magkamali.Let's have 30-minute break para naman makabisado nyo pang mabuti ang linya nyo at makapagpahinga na din ang leading actors natin."
Mabuti na lamang at hindi na nito nabanggit muli ang pagtawag ko sa pangalan ng iba.Angelo dapat iyon ,ewan ko ba kung bakit naman pati pangalang nito hindi na mawala wala sa utak ko.Panu ba namang hindi pagkatapos nung gabi na nagmessage sya sa akin ay nasundan pa ng isang nakakagulantang na picture nito,saba'y bati ng "Good morning".Pisting yan ,nag goodmorning lang sakin tapos yung kilig ko halos lamagpas na sa langit.Yung mga tutubi sa sikmura ko halos gusto ng lumabas at makipaglaro sa mga alitaptap.!!hmp.hindi ako kinikilig anu sya gold ?"hmp!!
YOU ARE READING
"Mi Querencia"
Romance"Amidst the chaos and the unending nightmares you found me" "The tiring chasing of the monster inside me ,you ended beautifully " "The emptiness you filled with love and kindness " "The endless pain you cured with your tender touch " "A place I nev...