Chapter 4

82.3K 1.5K 16
                                    

BLAIRE LEE

"Oo na kuya Michi! Kakausapin ko na si Amilliana para magmodel sa bagong damit na e lo-launch mo", sagot ko sa kapatid ko habang palabas ako ng bahay namin.

"Thank you little sis", masayang sagot nito sakin.

"Bakit kasi hindi mo muna siya kinausap bago ka lumipad papunta riyan sa France", reklamo ko rito. Busy pa naman ako sa paghahanap ng trabaho. Isang buwan na rin akong nakatengga lang sa bahay.

"Sorry na bunso, kahapon lang din kasi nagbotohan para sa magiging model. Promise babawi ako pagbalik ko", pang uuto pa nito sa akin.

"Oo na para namang matatanggihan kita kuya", nakangusong sagot ko kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Ikaw na ang bahala ha? I really need the contract today paki email nalang din sa akin. I really need to go. Thank you sis", bilin pa nito bago ako pinatayan ng cellphone.

Naiiling nalang akong sumakay sa sasakyan ko at umalis. Buti nalang talaga at malapit lang ang village naming kina Amilliana. After siguro ng thirty minutes ay nakarating ako sa entrance ng gate ng exclusive village. Nagtatakang bumaba naman ako ng sasakyan ng makitang nakasara ang malaking gate ng entrane na hindi naman dating nangyayari. Nakita ko pa ang ibang mga sasakyan na nakabalandra rito sa may labas. Anong nangyayari?

"Kayo pala Ma'm Blaire", nakangiting bati nito sakin ng mamukhaan ako ni manong guard. "Sorry po at hindi niyo po pweding ipasok ang sasakyan sa loob dahil nagkakagulo po", paliwanag nito.

Napakunot noo ako."Nagkakagulo?", takang tanong ko bago tinignan ang cellphone ko pero wala pa ring text from Amilliana. Kanina ko pa siya tinatawagan at tine text pero hindi ito nagrereply. Hindi nga ako sigurado kung nandito ba siya sa bahay nila at nagbaka sakali lang ako.

Napansin ko rin na tila hindi normal na ganito karami ang mga bantay dito.May naririnig pa nga akong mga sumisigaw na galling sa loob ng Village. Matataas kasi ang pader ng village kaya hindi mo makikita kung ano ang nasa loob. Pati gate nito ay mataas at walang siwang. Mga kilalang mga tao kasi ang mga nakatira rito kaya sobrang higpit.

"Marami po kasing mga babaeng nagwawala sa tapat ng mansion ng mga Villanueva, dahil po yata roon sa balitang nag ha-hire iyong kapatid ni ma'm Amilliana ng bagong mommy para sa mga anak niya. Iyong pong galling ng ibang bansa", sagot ni manong guard.

"What?! Iyong Adrian?!", gulat na tanong ko.

Kahit hindi ko pa iyon nakikita sa personal ay alam kong gwapo ito dahil sa mga nakabalandrang pictures nito sa mansion ng mga Villanueva at mga business magazines. Siyam na taon na kaming mag best friend ni Amilliana at hindi pa kami nagkikita ng kuya na sinasabi niya dahil nga sa ibang bansa ito tumira noong tumuntong ito ng labing dalawang taon.

Pero bakit siya naghahanap ng mommy ng mga anak niya? Hindi ba babaero iyon ayon sa kwento ni Amilliana? Naiiling nalang ako at itinabi ang sasakyan ko.

"Pakibantayan nalang po ang sasakyan ko manong ha? Pupuntahan ko lang si Amilliana, importante po kasi", nakangiting bilin ko kay manong guard.

"Sige po Ma'm, basta mag iingat po kayo ha. Baka mag ka stampede, sayang po ang ganda niyo", nakangiting sagot naman nito.

"Manong guard talaga bolero", biro ko dito. "Sige po", paalam ko at nag lakad nalang ako papasok ng sa maliit na gate na nasa gilid kung saan ako pinaraan ng iba pang mga guwardiya ng village.

Malapit lang naman ang mansion ng mga Villanueva kaya kahit lakarin lang ay pu-pwedi.
Nagulat pa ako ng makita ang napakaraming babaeng sumisigaw habang nakikipagbuno sa mga securities.

"Ouch!", reklamo ko ng may tumulak sakin. Muntik pa akong madapa. "Ano ba itong mga ito, nagpapatayan para sa isang lalaki?", naiiling na sabi ko.

Inilabas ko nalang ang cellphone ko at sinubukan ulit tawagan si bhebs para makasiguradong nandito nga siya. Napangiti ako ng sa wakas ay sumagot na ito.

"Hello bhebs? Nandito ako sa labas ng bahay niyo at-", hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong sumigaw.

"What? !Anong ginagawa mo riyan Blaire Lee?!", tili ni Amilliana na hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.

Nailayo ko pa sa teinga ko ang cellphone dahil sa tili ng malditang bestfriend ko.

"May o-offer akong contract sayo bhebs, from my kuya Michi. Importante lang, kailangang kailangan na kasi", sagot ko.

"E-send mo nalang sa email ko at ako ng bahalang mag send sa kapatid mo. Makakaltukan ko iyang kuya mo bhebs mapapahamak ka pa ng dahil sa katamaran niya! Sige na umalis kana riyan at baka mapahamak ka pa", tila iratableng sabi nito.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa nangyayari. Sasagot na sana ako ng biglang nagtilian ang mga babaeng ito at nagsuguran palapit sakin.

"Best friend!", biglang tili ko bago bumagsak sa sahig ang cellphone ko at maapakan ng mga baliw na mga babae. Natulak din ako paharap. "Sandali!", sigaw ko habang pilit na isinisiksik ang katawan ko palabas.

Kaso, Walang epekto. Naiipit lang ako lalo.

"Ako nalang!"

"Be my husband!"

"I am willing to be your slave!"

Sigaw ng mga baliw na babaeng nakapalibot sa akin. May narinig pa akong lalaking sumigaw na nagpatahimik sa lahat. Tumigil na rin sa paggalaw ang lahat? Anong nangyayare?
Pilit kong isinisiksik ang katawan ko para tuluyan ng makalabas.

"Sino siya?!?!"

"Ipakita mo siya!"

"Oo nga! Para malaman naming totoo ang sinasabi mo!"

Sigaw ulit ng mga babae. Pero wala akong pakialam dahil malapit na akong makalabas.

"Hay.... Sa wakas...", bulong ko ng tuluyan akong makalabas sa kumpulan ng mga babae.

Muntik pa akong mapatili ng biglang may humila sa kamay ko at hinigit ang beywang ko.

"Siya! Siya ang asawa ko!",sigaw ng lalaking humila sa akin.

"What?!", gulat na sigaw ko.Nagkasabay din kami ni best friend sa pagsigaw. Nakita ko rin si Tito Andrew sa tabi nito na nakakunot noo.

Nanlaki pa ang mga mata ko ng biglang magkislapan ang mga camera! Shit! Paano nakapasok ang mga media?! Hindi na ako nakakontra ng bigla niya akong hilahin papasok ng mansion nila at iniwan ang lahat nang nakatulala dahil sa gulat.

Wait .....
Anong nangyayari?!?!?!
Anong asawa?!?!

Sabihin niyo!!!!!!!

What the hell is happening?!?!?!

===================
May binago akong konti. :)

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon