Chapter 29

73.3K 1.2K 5
                                    


Blaire Lee/Faith De Guzman-Villanueva's POV

Tahimik lang kami habang naglalakad papasok ng Villanueva Corp. Building.

"May company party ba at dito tayo dumiretso? Sabi ng daddy mo sa labas tayo mag didinner?", tanong ko ng sumakay na kami ng elevator.

Nginitian lang ako ng mokong. Tiyaka bakit parang natetense siya? Anong problema niya?

"At bakit ka nakaputi? Ikakasal ka ba?", natatawang biro ko pa.

Tumikhim naman ito saka parang niluwagan ang sariling necktie. Mukha siyang kinakabahan. Ano bang problema ng lalaking ito? Nasaan na iyong seryoso pero pervert na Adrian na nakilala ko?

"Ui! Adrian magsalita ka naman!", sabay hila ko sa tuxedo nito.

I just heard him tsk bago niya isinukbit ang isang kamay ko sa braso niya. Nagtatakang tiningala ko lang siya na ginantihan naman niya ng tipid na ngiti. May nangyayari bang hindi ko alam?Tumunog naman ang elevator. Sign na nasa pinakataas na floor na kami. Inalalayan naman niya ako palabas.

"Teka, anong gagawin natin sa rooftop? Hindi ba't kakain tayo kasama ang buong pamilya mo?", pigil ko sa kanya ng akmang bubuksan na nito ang pinto.

"It's a surprise baby", nakangiting sagot nito at tuluyan ng binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang ayos ng rooftop.

"Para saan ito Adrian?", naguguluhang tanong ko habang inaalalayan niya ako sa paglalakad.

Nakakalat ang mga rose petals sa sahig. May mga malalaking ilaw din.

May choir sa may gilid tapos nandito pa ang mga ilang kakilala ko at ang pamilya ni Adrian pati ang mga Lee!May red carpet papunta sa gitna kung nasaan ang altar? Altar? Bakit may

altar? Sinong ikakasal?Natutop ko ang sariling bibig ko at gulat na napatingin kay Adrian na ngiting ngiti na ngayon.

"You mean?!", nanlalaki ang mga mata kong tanong ko sa kanya.Nakangiting tumango naman ito bago hinawakan ang dalawang kamay ko at hinalikan niya iyon.

"I want to marry you again. Not just because of the deal. It's because I want to be the man that will love and protect you for the rest of your life. Akala ko dati, hindi na ako magmamahal ulit bukod kay Faith, but I'm wrong. Alam ko na ngayon kung bakit nagiging possessive ako sa'yo at kung bakit masaya ako kapag nilalambing mo ako. I love you Blaire", seryosong sabi nito na halos kaming dalawa lang ang nakakarinig dahil sa distansiya namin sa lahat. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko at nanginig ang buong katawan ko noong bigla nalang siyang lumuhod sa harapan ko at inilabas ang isang eleganteng singsing. "Will you allow me to marry you again?", tanong pa nito.

Oh my Gosh! Anong nangyayari? Bakit ang bilis? Teka, sinabi ba niyang mahal niya ako? Sinabi niya di ba? Iyon nga ang dahilan niya kung bakit niya ako inayang magpakasal.

Shit! Hindi ako makapag isip ng maayos. Pasimpleng iginala ko naman ang paningin ko at nakita kong lahat sila ay nakatingin sa amin at naghihintay ng isasagot ko!

Tsk! Nagulat ako! Sobrang Gulat! Parang nung isang araw lang nag away kami tapos ngayon?!He's asking me to marry him at never iyong sumagi sa utak ko! Oo alam ko may something na sa amin pero unexpected talaga ito!

"Baby?", pukaw nito sa akin at pinisil pa ang isang kamay ko na hawak hawak niya habang may alanganing ngiti sa mga labi nito.

"I don't know what to say", I said with a little smile on my face. "I'm surprised! Hindi ko ini expect to. Nabibilisan ako", dagdag ko pa.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon