Chapter 8

42.7K 753 12
                                    

Blaire's POV

"Mommy!", sabay pang sigaw nina Love at Hope habang pababa ng hagdanan nila.

Nasa mansion ako ng mga Villanueva dahil lalabas kami ngayon ng mga kambal. Mag babonding kami. Inaya ko rin si Adrian at titignan daw niya kung makakahabol siya dahil may importante raw siyang meeting.

Nagkibit balikat lang ako. Bakit ganoon ang ibang mayayaman? Mas inuuna ang trabaho kaysa sa pamilya. Buti nalang si Daddy Alfonso marunong magbalance ng oras niya sa pamilya at sa trabaho. Hetong si Adrian kahit week end nasa office pa rin.

"Hi kids! Excited na ba kayo?", masayang salubong ko sa mga ito.

Sabay pang yumakap ang mga ito sa tig isang mga binti ko at masayang tiningala ako. Ang cute talaga nila! "Yes mommy! Can we go to the park? Please mommy please?!", pakiusap ni Love.

"Sure baby before we go home daan tayo sa may park okay?", nakangiting sagot ko.

"Yes!", si Hope at nag high five pa sila ni Love.

"Naku! Ang kukulit niyo talaga. Huwag kayong masyadong malikot ha, baka mahirapan si mommy niyo sa inyo", paalala ni Amilliana sa mga ito."Gusto ko sanang sumama bhebs kaso may photoshoot ako buong maghapon", baling nito sa'kin.

"Ayos lang bhebs, sumusunod naman sila sa'kin", nakangiting sagot ko.

"Oo nga, they really like you", masayang sagot nito bago tumingin sa suot nitong wrist watch. "Oh siya ligo na ako at baka malate pa ako sa photoshoot. Enjoy and take care", paalam nito.

"Sige bhebs mauna na kami at hahabulin pa namin iyong oras ng movie ticket na binili ko kahapon", paalam ko na rin dito at binalingan na ang kambal na busy sa pag ja jack en poy sa may sofa."Kids let's go!", aya ko sa mga ito.

Mabilis namang sumunod ang mga ito at humawak pa sa tig isang kamay ko.

"Bye guys! Enjoy!", paalam ni Amilliana at naglakad na ito pabalik ng kwarto.

"Let's go na mommy!", excited na aya ni Love at hinila pa nila ako.

Natatawang napasunod naman ako sa mga ito. Excited din ako dahil first time naming lalabas. Gusto ko rin silang makilala bago ako lumipat dito sa mansiyon ng mga Villanuea para makabisado ko agad ang mga ugali nila. Sana talaga makahabol si Adrian dahil ang isang iyon ang mahirap basahin ang ugali. Isang lingo na rin ng maipakilala ko siya sa pamilya ko at isang lingo na rin kaming hindi nagkikita. Sobrang busy niya siguro sa trabaho kaya ganoon.

******

"Mommy can I have a chocolate brownies after this ice cream? Please mommy? Please?", pakiusap ni Love sa akin ng malapit na nitong maubos ang hawak nitong ice cream.

"Ang takaw mo naman, kapag tumaba ka niyan ikaw din", saway naman ni Hope sa kakambal habang nakapangalumbaba ito.

Napatingin naman ako sa suot kong wrist watch. Alas onse na pala. Matawagan nga ang lalaking iyon. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa may shoulder bag at idinial ang number nito.

"Wait I'll call your dad", paalam ko sa mga bata at bahagya akong tumalikod. Tatlong beses ko iyong dinial kaso walang sumasagot. Busy pa yata sa trabaho. Nangako pa naman ito sa mga anak niya tapos ganyan.

"Buwisit na Adrian ito ha, nag off ng cellphone", gigil na bulong ko ng operator nalang ang sumagot sa akin sa kabilang linya.

"Mommy? Ano pong sabi ni dad?", excited na tanong ni Hope.

Pilit naman akong ngumiti bago ito sinagot. "Hindi sinasagot ang tawag eh, baka nagdadrive at papunta na rito", nakangiting paliwanag ko sa mga ito.

Bigla namang lumungkot ang mga ito. "Baka busy na naman po sa work", malungkot na sabi ni Love.

"It's always like that po. He will promised but in the end he will not come", malungkot ding sabi ni Hope.

"Huwag na kayong malungkot ok lang din naman kahit tayong tatlo nalang muna di ba?",pilit kong pinasaya ang tono ko para makalimutan nila kahit sandal lang ang kanilang workaholic na ama. "You're with mommy naman. Kaya ayos lang. Bonding moments muna nating tatlo", masayang dagdag ko pa.

Nagkatinginan naman sila bago masayang tumango. "Yes mommy!", sabay pang sagot ng mga ito.

Napangiti naman ako. Ang swerte talaga ni Adrian sa mga anak niya. Bahala siya sa buhay niya kapag lumayo ang mga loob ng mga ito sa kanya. Basta ako gagawin ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila. Hanggang nasa tabi pa nila ako.

*****

"Mukhang napagod yata sila sa pamamasiyal niyo bhebs", natatawang sabi ni Amilliana sa'kin ng maibaba namin ang kambal sa kani-kanilang mga kama. Magkasama ang mga ito sa iisang kuwarto pero magkahiwalay ng kama.

"Oo, dumaan pa kasi kami ng park at naglaro sila roon", nakangiting sagot ko rito sabay tayo."Pero alam mo bhebs sa tingin ko uhaw sila sa atensiyon ng ama nila", baling ko sa bestfriend ko na nakaupo sa kama ni Hope.

Bumuntong hininga naman ito bago tumayo at lumapit sa akin."Kuya change mula ng mamatay ang girlfriend niya. He focused himself sa trabaho. He really loves the twins pero parang mas mahal niya si Faith", sagot naman nito.

Natahimik naman ako. Gusto kong magtanong pero walang gustong lumabas na salita sa bibig ko pagkarinig sa pangalan ng yumaong girlfriend nito. Uuwi pa kaya ng Pilipinas si Adrian at kambal if ever na buhay pa ang kanilang ina? Makikilala ko ba sila or magiging estranghero lang kami?

Lihim pa akong napabuntong hininga ng biglang malungkot ang pakiramdam ko dahil doon. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba tila nalungkot ako? Dahil ba sa kambal ko naramdaman iyong puwang sa puso ko na matagal ko ng hinahanap?

"Dati masayahin si kuya. Understanding and most of all sweet", si Amilliana ulit sabay buntong hininga. "Basta bhebs ang bilin ko sa'yo, don't fall in love with kuya Adrian. Please lang ayaw kitang masaktan. Alam ko mahirap ang hinihiling ko dahil magkakasama kayo for one to two years. Pero please bhebs, hangga't kaya mo pigilan mo ang feelings mo", seryosong bilin sa'kin ni bestfriend.

Hindi ko naman napigilan ang tumawa."Bhebs, what the heck are you talking about! Pinagsasasabi mo? Kailan pa ba ako nainlove? Tsaka hindi ba sabi ko sayo hindi ko type ang kuya mo. He's too bossy and I hate that", sagot ko dito.

Ngumiti naman ito bago tumayo."Tara na nga bhebs, kumain kana muna bago ka umuwi", aya nito at hinila pa ang isang kamay ko. Natatawang sumunod naman ako rito at dumiretso kami sa dining area. Nadatnan pa namin doon si Adrian na parang kararating lang.

"Welcome home kuya", bati ni Amilliana sa kanya. Tumango lang naman ang binata."Wait here bhebs at ako na ang magri ready ng kakainin natin", utos sa akin ni Amilliana bago nagmamadaling naglakad papuntang kusina nila.

"Bakit hindi ka pumunta?", kunot noong tanong ko.

Seryosong tinignan naman niya ako bago tinanggal ang necktie nito."I'm too busy", maikling sagot nito.

"Busy? Adrian pinaasa mo ang kambal. Alam mo bang hinintay ka nila? Nag expect sila na this time tutupad kana sa pangako mo", inis na sabi ko rito.

Nakita ko namang kumuyom ang kamao nito. "Wala kang karapatan na sermunan ako at sabihan ng ganyan dahil wala kang alam. Hindi ikaw ang nawalan at hindi ikaw ang nasaktan. So stop acting like a nice mother to my twins because you will never be. Hinding hindi ka magiging mabuting ina sa kanila dahil hindi naman ikaw ang totoong nanay nila", galit na sagot nito bago ito nagmartsa paakyat ng hagdanan.

I left dumbfounded. Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

Mapait na napangiti ako.

Wala ka rin alam Adrian. Wala.

==============================================================

I just add this one for the next chapter.

Like my page

Jingjing Maldita of Wattpad

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon