Chapter 41 (Finale)

64.8K 1.2K 31
                                    

Adrian James Villanueva's POV

"Baby, can you tie my hair up?", nakangiting sabi ng aking asawa at iniabot pa nito ang isang maliit na itim na pamponytail.

It's been a week mula n gaming kasal at nandito kami sa isang isla ng kanyang kuya Chiyo. We left the twins sa pangangalaga nina Mommy at Daddy. Dalawang linggo kami rito bago bumalik sa realidad.

"Come here", nakangiting sabi ko at tinapik ko pa ang space sa tabi ko.

I am sitting in white sand habang hinihintay namin mag sunset.Kaming dalawa lang ang nandito sa isla na hindi naman ganoon kalaki. It has everything that we need dahil isa ito sa bakasyunan ni Chiyo.

Umupo naman siya sa tabi ko at tumalikod. Kinuha ko ang iniabot nitong pantali at sinimulan ng ipunin ang buhok niya. Natigilan pa ako ng may makitang maliit na peklat sa may likod ng ulo nito malapit sa batok niya. Hindi mo iyon mapapansin kapag hindi mo matititigan ng malapitan.

"Is this a scar?", nagtatakang tanong ko at hinaplos pa iyon ng maponytail ko na ang buhok niya.

Masayang humarap naman siya sa akin at bahagyang hinaplos ang sinabi kong peklat.

"Yeah, nakuha ko ito noong seven years old ako. I got an accident noong dinala nila ako sa Manila. Nasagasaan ako", nakangiting sagot nito bago humarap sa karagatan.

Hindi ko maintindihan kung bakit tila naging interasado ako sa kinukwento niya."How? I mean paano ka nasagasaan? Bigla ka nalang bang tumakbo papuntang kalsada?"

"Paano mo nalaman?", natatawang baling ulit nito sa akin. "I thought I saw Auntie Shiela that time kaya bigla akong tumayo at tumakbo papuntang kalsada. Naalala ko pa nga iyong nakilala kong batang lalaki noon. Iniligtas nga niya ako sa pagkasagasa tapos nasagasaan din ako sa huli and worst nawalan pa ako ng mga ala-ala", nakangiting paliwanag niya.

Napalunok naman ako dahil sa aking narinig. "Binulyawan ka ba noong bata at sinabihan ng are you trying to kill yourself? Tapos pinainom doon sa mineral water na galing sa bag niya? And lastly binigyan ka niya ng chocolate para tumigil ka sa kakaiyak?", sunud sunod na tanong ko.

"How did you know that? Huwag mong sabihing?!", nanlalaki pa ang mga mata nitong tanong sa akin.

Ngumiti naman ako bago tumango kaya napatutop ito sa bibig niya. "Ako iyon baby, ako iyong nagdasal kay Lord na sana mailigtas ka at hahanapin kita paglaki natin at papakasalan", hinawakan ko ang dalawang kamay niya at hinalikan ang mga iyon bago siya tinitigan sa mga mata. "And I think he heard me dahil asawa na kita ngayon", madamdaming sabi ko bago siya binigyan ng mabilis na halik sa mga labi.

"I can't believe it!", tila hindi pa ring makapaniwalang sabi nito at napatayo pa. "How?! I mean?"

I just laugh bago tumayo at niyakap siya. "I think God gave me to you para maging tagapagligtas mo. I faled to rescue you noong mga bata pa tayo kaya he gave me a second chance na hinding hindi ko sasayangin. I love you so much baby", bulong ko sa kanya at hinalikan ang ulo nito.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at isinubsob niya ang mukha sa dibdib ko. "Ilove you too baby, and maybe we are destined to be each other", sagot nito bago ako tiningala. "Imagine! After how many years tayo pa rin sa huli!"

I just laugh bago siya binuhat. "Just forget it baby,for now let's continue our honeymoon! Let's try in the water?", pilyong tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman ito bago nakakalokong bumaba sa pagkakabuhat ko. "Sure! Iyon ay kung mahuli mo ako!", pilyang sabi nito sabay takbo sa dalampasigan.

Tumawa naman ako bago siya mabilis na hinabol. Kahit gaano pa siya kalayo, kahit gaano pa kahirap at karaming mga pagsubok ay hinding hindi ko siya susukuan. Ngayon pa ba na alam kong sa una palang ay siya na talaga!

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon